bc

Cinderello’s Red Shoes (Rated 18+)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
7.2K
READ
HE
boss
mafia
blue collar
sweet
bxg
genius
witty
like
intro-logo
Blurb

Hello Potatoes! Can you support this story of mine? Please, add this to your library and read and comment.

***

She's hot and fierce.

He's cold and wise.

Rahzle Alyaverz, a mafia heiress, she needs to conquer the game her father started to make her his heir.

Raj Everest Hendrix, the cold and wise CEO. He will enter the world of dangerous organization to avenge his fiance and sister's death.

Would the mafia heiress and the cold, wise CEO get along?

Paano kung may matuklasan sila sa bawat isa?

Are they going to fight together?

Or

be the worst enemy of each other?

chap-preview
Free preview
Prologue
Malakas na tumawa ang may edad ng lalaki nang makuha nito ang attache case na naglalaman ng malaking halaga ng pera. “Dad, ang dami niyan!” excited na sigaw ng panganay na anak ng ginoo. “Of course! Yayaman na tayo in no time, lalo na at malapit ng mamatay ang asawa ko. I know, lahat ng mga ari-arian niya ay ipapamana niya sa akin.” Masayang sabi ng ginoo at malakas na tumawa. “That's right, Dad. Tatanga-tanga naman kasi ‘yang asawa mo. Sobrang bait pa. But, how about her children? Sigurado akong pamamanahan din sila.” Sabi ng bunsong anak ng ginoo. “Well, ako na ang bahala sa mga batang ‘yan. I can make their life miserable. Sa ngayon hayaan na lang muna natin sila.” Sagot ng ginoo. “Okay, Dad.” Sang-ayon ng dalawang anak ng ginoo. Akala ng mag-aama ay walang nakarinig sa usapan nila. Kumuyom ang kamao ni Criselda nang marinig ang asawa nito at mga anak na gustong kamkamin ang kanyang kayamanan. Mabuti na lang at nakita na nito ang totoong pagkatao ng asawa. Pinagsisisihan niyang nagpakasal siya rito. Akala kasi ni Criselda ay magiging masaya ang mga anak kapag may kinalakhang ama, ngunit mukhang nagkamali ito ng piniling lalaki. Isa lang noong driver si Gregorio, dahil nga mabait at masipag ang lalaki ay nahulog ang loob ni Criselda rito. May dalawang anak si Gregorio sa unang asawa nito. Biyudo na rin kasi ang lalaki kaya naman nang alukin ito ng kasal ni Gregorio ay pumayag kaagad si Criselda. Nagmamadaling umalis si Criselda at tinawagan nito ang kanyang abogado. Lahat ng kanyang kayamanan ay ipapangalan niya sa kanyang dalawang anak. Maliban sa one-fourth na ibibigay niya sa asawa. Mabilis lang na nabago ang last will and testament ni Criselda, habang walang kaalam-alam ang kanyang asawa. Nang mamatay si Criselda dahil sa malubhang sakit ay labis na nagdalamhati sina Raj Everest at Raja Lily, ang mga naiwang anak ni Criselda. Ipinatawag ng abogado ang mga anak ng ginang at kasama ang asawa nito. “Babasahin ko na ang last will and testament ng namayapang si Criselda Maurillo. According to her last will and testament, lahat ng kayamanan ng kanyang unang asawa at three-fourth ng kanyang kayamanan ay ipinamamana niya sa kanyang panganay at bunsong anak na sina Raj Everest at Raja Lily Hendrix. Ang natitirang one-fourth ng kanyang kayamanan, ay ibibigay niya sa kanyang naiwang asawa na si Gregorio Maurillo. At ngayon na nabasa ko na ang huling habilin, may mga katanungan pa ba kayo?” tanong ng abogado matapos basahin ang last will and testament ni Criselda. “Hindi ako makakapayag na sa dalawang iyan mapupunta ang mga kayamanan ng asawa ko! Kaming dalawa ang naghirap upang mapalago ang kompanya! Tapos one-fourth lang ang mapupunta sa akin?! Ni wala man lang iniwan para sa mga anak ko?!” galit na galit na sigaw ni Gregorio sa abogado. Habang ang dalawang anak ni Criselda ay tahimik lang. Nasa labing-siyam na taong gulang na si Everest at ang kanyang kapatid ay nasa labing-limang taong gulang pa lamang. “Mr. Maurillo, wala na akong magagawa pa d‘yan. Iyon ang huling habilin ng iyong asawa at kailanman ay hindi na mababago pa.” Sabi ng abogado. Galit na tiningnan ng mag-aama ang magkapatid. Niyakap na lang ni Everest si Lily na halatang natatakot sa pagsigaw ng kanilang amain. - Akala ni Everest ay magiging madali ang buhay nilang magkapatid. Pero hindi iyon nangyari. Pinagmalupitan sila ng kanilang amain. Pilit pa nga nitong inilalayo ang kanyang kapatid, ngunit naging matigas si Everest. Poprotektahan niya si Lily sa abot ng kanyang makakaya. - Lumago na ang kompanyang ipinamana sa kanya ng kanyang ina. Ang Hendrix shipping line company. Isa iyon sa matatawag na pinakamalaking shipping line sa buong mundo. “Hi hon! It's been two weeks since nakabalik ako rito sa Pilipinas. Can't we go on a date?” malambing na aya ni Stephanie sa kanyang fiance na si Everest. “I'm sorry hon at busy ako sa nakalipas na linggo. Tomorrow, let's celebrate our first year anniversary. May pupuntahan tayong party.” Nakangiti na wika ni Everest sa kasintahan. “Talaga? Ipapakilala mo na ba sa lahat na ako ang fiance mo? I'm so excited!” masayang pahayag ni Stephanie at mabilis na niyakap ang nobyo. “I’m always proud of you, hon. So, gusto mo bang mag-shopping tayo ngayon? Or baka gusto mong magsalon? Tell me and I will give it to you,” puno ng pagmamahal na wika ni Everest sa dalaga. “Hmmm. . . I know you're busy, can I just use your card? Magpapasama na lang ako sa kaibigan kong mag-shopping at magpasalon. I know kasi na mabo-bored ka lang kakahintay sa akin.” Malambing ang boses na saad ni Stephanie sa binata. “Sure, hon. You take care okay? At isasama ko pala si Lily bukas sa party.” Imporma nito sa kasintahan. Agad na nawala ang saya sa mukha ni Stephanie. Hindi kasi sila magkasundo ng kapatid ni Everest. Tutol si Lily sa relasyong meron sila. “What? Alam mo naman ‘yang kapatid mo. Sisirain niya lang ang gabi ko kasama ka.” Nakabusangot ang mukha na wika ng dalaga. Niyakap naman kaagad ito ni Everest. “Don’t worry at kakausapin ko ang kapatid ko. She will behave. Okay?” suyo ng binata sabay halik sa noo ng nobya. - Sa gabi ng party ay maraming dumalong malalaking business tycoon. Dahil kilala si Everest bilang isang matinik at matalinong CEO ay maraming nakakakilala sa kanya at bumabati. Panay naman ang ngiti ni Stephanie sa tabi ng binata. Habang si Lily ay hindi maipinta ang mukha. “Hon, banyo lang ako.” Paalam ni Stephanie sa binata. “Sure.” Mabilis nitong pagpayag. Ngunit lumipas ang kalahating oras ay hindi na bumalik si Stephanie. Sunod-sunod na putok ang narinig ni Everest. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ng kapatid at itinago sa kanyang likuran. Hinanap din ng kanyang mga mata ang kasintahan. Nagkagulo ang lahat. Lahat ng tao ay nagtatakbo. Hindi alam ni Everest ang gagawin. Hanggang sa makita niya ang kasintahan na papalapit sa kanya. Tinakbo niya si Stephanie, ngunit isang malakas na pagputok ng baril ang nakapagpahinto sa kanya. Tiningnan niya ang bumaril sa kasintahan. Halos magdilim ang paningin niya sa galit nang makitang balewala rito ang ginawang pagbaril sa nobya. “Stephanieee!” malakas na sigaw ng binata sa pangalan ng kanyang kasintahan. Nakita niyang duguan na ito. Umiiyak siya habang niyuyugyog ang nobya. “Please, hold on. Don't leave me, please. I love you so much!” umiiyak nitong pahayag. Lumapit sa kanya si Lily at tinawag ang pangalan niya. “Kuya!” malakas na tawag ni Lily sa kapatid. Nang bumaling si Everest ay nakita niyang tinamaan din ng bala ang kapatid. “Lily! Lily!” sigaw niya sa pangalan ng kapatid. Isang malakas pa na putok ng baril ang narinig ng binata bago ito tuluyang lamunin ng dilim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook