“Dad, what is it all about?” tanong ko agad sa aking ama nang makapasok ako sa office nito dito mismo sa loob ng aming mansion.
“You are my only heir, Rahzle. And I want to test your strength and ability. May ginawa akong laro, at kapag nanalo ka, you're going to be a mafia queen. But, if you fail to do your mission, I'm sorry to say this, but you're not qualified to be a queen.” Paliwanag ni Daddy sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
“At kapag hindi ako ang nagmana ng trono niyo, sino ang ilalagay mo? Mga tauhan mo! That's unfair Dad!” malakas kong sigaw sa aking ama. Hindi ako makakapayag na iba ang umupo sa trono ng aking ama. I am his only heiress, the soon to be queen of the mafia world. At wala akong balak na ipamigay basta-basta ang pangarap ko.
“Bumalik na si Xenia dito sa Pilipinas, and she wants to be the queen. And she has Alyaverz blood, Rahlze. Hindi malabong mapasakanya ang trono na para sa ‘yo.” Imporma ni Daddy sa akin.
Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang pangalan ng aking pinsan. She's also an Alyaverz. Kababatang kapatid ni Dad ang ama nito at mas matanda ito ng dalawang taon sa akin. She's my worst enemy. Lahat ng akin ay inaagaw niya.
“I won't give up my throne, Dad.” Matapang kong pahayag sa aking ama. Nakita ko ang ngiti nito. I know he planned this ahead of time. Hindi basta-basta si Dad. He can manipulate people around him. Kaya kahit na anak niya ako ay may takot pa rin ako sa aking ama.
“Then accept the game that I started, my daughter. It's just a simple mission. Kapag nagawa mo, automatic ka ng magiging reyna. How is that?” pangungumbinsi pa rin ni Daddy sa akin. And I have no choice, dahil uuwi pala ang pinsan ko na mortal ko ring kaaway.
“Game accepted, Dad.” Wika ko sa aking ama. Mas lalong lumapad ang ngiti nito.
“Pinatunayan mo lang na anak kita. I'm so proud of you, hija. Anyway, tatawagin kita bukas para maumpisahan mo na ang iyong mission. For now, magpahinga ka muna. Or, go and shop. Basta ‘wag ka lang lumabas na walang kasamang bodyguard. Okay?” bilin ni Dad sa akin.
“Thanks, Dad!” pasasalamat ng dalaga. Hinalikan muna ni Rahzle ang pisngi ng ama bago ito lumabas ng opisina.
Imbes na sundin ang sinabi ni Daddy na magpahinga ay nagtungo ako sa gym. I want to practice my reflexes, ayaw kong magpatalo kay Xenia.
May sarili akong bihisan sa gym. Pumasok ako doon at nagpalit ng damit. Itinali ko pataas ang aking buhok.
Kinuha ko ang paborito kong boxing gloves at pumasok sa ring. Doon ay sinuntok ko ang punching bag. Bawat galaw ko ay mabilis. Bawat suntok ko ay malakas.
Tagaktak na ang pawis ko nang pumasok si Viper sa gym, isa siya sa kanang kamay ni Dad. Gwapo ito at nabibilang sa mayamang pamilya, ngunit mas piniling maging kanang kamay ni Dad.
“Sparring tayo!” pasigaw kong aya rito. Tumango lang ito sa akin at mabilis na naghubad ng damit pang-itaas. Isinuot nito ang boxing gloves at pumasok sa ring.
Tumalon-talon ako para ma-relax ang muscles ko. Tinanggal ko muna ang isang glove ko at uminom ng tubig sa dala kong tumbler.
“Umpisahan na natin.” Seryoso ang boses kong wika.
Ako ang unang sumugod sa binata. Magaling is Viper sa pakikipaglaban. Isa siya sa naging mentor ko noon.
Isang malakas na suntok ang ipinadapo ko sa kaliwang panga niya. Hindi kaagad ito nakailag dahil sa gulat. Isa sa natutunan ko kay Dad ay ang pagiging mabilis sa bawat galaw.
“Damn!” malakas na mura ni Viper. Nginisihan ko lang ito. I covered my face using my two hands when he suddenly attacked me. Hindi ako makailag dahil sunod-sunod na suntok ang ipinadapo nito sa akin. Bawat suntok nito ay malakas. Panay lang ang atras at yuko ko. Damn it! He's going to corner me. Hindi ako makakapayag.
Nang akma niya akong susugurin ay bigla kong ibinaba ang aking katawan para maiwasan ang kanyang suntok. Inihanda ko ang kanang kamay ko at mabilis na pinakawalan ang upper cut. Sapol si Viper sa kanyang baba. Ilang beses itong napaatras at napahawak sa ring.
“Kaya pa ba?” pang-iinis ko rito.
“You're going to be the death of me. Nahilo ako sa upper cut mo. Hindi mo naman ako kaaway pero kung makasuntok ka parang gusto mo na akong ilibing sa hukay.” Natatawang pahayag ni Viper.
Marahas akong bumuntonghininga.
“I need to be alert all the time, lalo pa at pabalik na si Xenia dito sa Pilipinas. I'm sure she has a plan to dethrone me.” Seryoso kong pahayag kay Viper.
“Need my help? Ako ang bahala sa pinsan mong ‘yon. Crush ko pa naman siya,” nakangisi na pahayag ni Viper sa akin. Natawa ako sa sinabi nito.
“Then make her yours. Hindi ako tututol basta hindi siya maging hadlang sa pagiging reyna ko.” Sabi ko na lang.
Hinubad ko na ang boxing gloves na suot ko at inubos ang laman ng tumbler.
“Magpunta ka sa clinic, gamutin mo ‘yang pasa mo para hindi lumala.” Bilin ko kay Viper.
“Malayo ito sa bituka.” Balewala nitong sagot sa akin. Hinayaan ko na lang ito.
-
Pagbaba ko sa engrandeng hagdanan ay siya namang pagpasok ng kadarating lang na si Xenia.
“Welcome home!” malakas na sigaw ni Xenia sabay tingin sa deriksyon ko.
“Just welcome yourself, dahil para sa akin hindi ka welcome sa mansion namin.” Mataray kong pahayag sa pinsan ko. Malakas na tumawa si Xenia.
“Hanggang ngayon hindi ka pa rin makapag-move on? Haler, Razhle! It's been five years! Mag-move on ka na.” Wika ni Xenia sa akin.
“I’m not you. Dahil nandito ka na, you should watch your every move.” Pagbabanta ko rito.
“Are you scared of me? Well, katulad mo, may mission din ako. And if I won, I'm going to be the queen of mafia! At ikaw, ipapatapon kita sa malayong lugar, dahil isa kang peste sa buhay ko.” May galit sa boses nito at matatalim ang mga matang ibinigay sa akin. Ibinalik ko rin ang mga matatalim na tingin nito.
“I will never be scared of you. At hinding-hindi mo maaagaw sa akin ang trono ko. Ilagay mo ‘yan sa kukute mo.” Wika ko rito sa siguradong boses.
Sasagot pa sana si Xenia nang dumating si Daddy at batiin ang pinsan ko.
“Dad, mall lang ako. I need to breathe, nakaka-suffocate kasi ang hangin na dala ng bagong dating dito.” Saad ko habang nakatingin kay Xenia.
“Rahzle!” saway na tawag ng aking ama. Umikot lang ang mga mata ko nang ngumisi si Xenia.
Hindi na ako nagsama pa ng driver ko. Pumunta ako sa isang lugar na walang nakakaalam.
Dalawang katok lang ang ginawa ko at mabilis na bumukas ang pinto. Nagpalingon-lingon muna ako sa paligid bago ako tuluyang pumasok.
“Hi! Pasok ka. Ang tagal mo naman bago ako dinalaw.” Wika ni Galiana sa akin. Niyakap ko ito at parang batang hinila ito.
“Naiinis ako sa pinsan ko. Bumalik na naman siya.” Kwento ko rito.
“Kailan pa? Magkakaroon na naman ba kayo ng war na dalawa?” tanong ni Galiana sa akin.
Si Galiana ang babaeng tinulungan ko. Ngunit nawala ang alaala nito limang taon na rin ang nakakaraan. Ayaw niyang maglalabas dahil natatakot ito sa labas ng bahay. Wala ring nakakaalam na dito ito nakatira. I kept her with me. Mas mabuting walang makaalam na nandito siya. Maliban kay Saint na siyang nagdadala ng mga pagkain dito at doktor ni Galiana.
“Tsk. War na war talaga. She's planning to dethroned me. At hindi ako papayag.” Nakakuyom ang mga kamay kong wika kay Galiana.
“Kayang-kaya mo siya. Ahm, anyway dito raw muna titira si Saint. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko nitong mga nakaraang araw eh.” Paalam ni Galiana sa akin.
“Ayos ka lang ba? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” sunod-sunod kong tanong dito.
“Ayos lang naman ako. Nandito naman si Saint eh. At saka ang dami mo ng iniisip, dadagdag pa ba ako?” wika nito.
Ilang minuto pa kaming nag-usap na dalawa bago ako umalis. Dumating na rin naman si Saint at may dala na itong groceries para sa kanila ni Galiana.
Pagpasok ko pa lang sa mansion ay agad akong sinalubong ni Viper.
“Rahzle, pinapupunta ka ng Daddy mo sa office niya.” Imporma ni Viper sa akin.
“Thank you,” pasasalamat ko sa binata.
Kumatok ako ng dalawang beses bago ko pinihit ang seradura at pumasok sa loob.
“Dad.” Tawag ko sa aking ama.
“Come here daughter. Magsisimula na ang mission mo.” Sabi ni Dad. Biglang lumakas ang tahip ng aking puso.
Umupo ako kaharap ni Dad. Tiningnan niya muna ako ng ilang segundo bago may inabot sa aking magandang sobre, o mas tamang sabihing invitation card. Kinuha ko naman ang inabot nito.
“Bukas ng gabi ay may gaganaping party. Importanting makapunta ka. Pinahanda ko na kay Viper ang susuotin mo para bukas. Nasa silid mo na. It's a three piece American suit. Iba ang theme ng party bukas. It's a masquerade mask ball with a twist. Ang mga lalaking bisita ay magsusuot ng pangbabaeng kasuotan, at ang mga babae naman ay magsusuot ng panglalaking damit. May pagkakakilanlan ang damit na suot mo. May hahanapin ka bukas, he is your target. Magsusuot ito ng red shoes na may nakapalibot na rhinestone. Pulang damit din ang isusuot niya. Catch him before twelve o'clock at midnight. Or elese, mag-iiba ang plano natin.” Seryosong pahayag ni Dad sa akin. I understand him. Kailangan naming gawin ang lahat para hindi maagaw sa akin ang trono. I'm going to win this game.
“Okay, Dad. I will do my best para makita natin ang ating target.” Pangako kay Dad.
-
Kinagabihan ay naghanda na ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I'm handsome in my three piece American suit. Naglagay ako ng relo sa kaliwang kamay ko. Isang mini mic ang relong suot ko. Kasama ko si Viper.
Halos mautot ako kakatawa nang makita ko si Viper na nakasuot ng itim na long night dress. Three inches heels din ang suot nito. At nahihirapan itong maglakad. Hindi rin maipinta ang mukha nito.
“Damn this party! Anong akala ng organizer sa mga bisita? Puppet?” panay ang reklamo at mura ni Viper habang papunta kami kung saan gaganapin ang Masquerade mask ball.
Pagdating namin doon ay marami na ang tao. Halos hawakan ko ang aking tiyan dahil sumasakit na iyon kakatawa ko. This night is going to be fun.
“Stop laughing. Magsimula na tayong hanapin ang target. Xenia is here too. Kaya dapat na unahan na natin siya.” Sabi ni Viper sa akin. Tumango ako rito.
Naging seryoso na ako at dahan-dahang inilibot ang paningin sa loob ng bulwagan. Ngunit halos isang oras na akong naghahanap ay wala akong makitang naka-dress ng pula at may suot na red shoes na puno ng rhinestone ang palibot niyon.
Alas dyes na ng gabi nang maagaw ng isang lalaki ang atensyon ko. Lahat ng sinabi sa akin ni Dad ay tugma sa bagong dating. Mabuti na lang at nakainom ako ng wine at nakamaskara ako dahil biglang nawala ang hiya sa katawan ko.
Lumapit ako sa binata at inilahad ko ang aking kamay.
“Can I dance with you?” I used my seductive voice para mapapayag ito. But in my dismay, he rejected my offer.
“I’m not into dancing, Miss.” Malamig nitong pahayag sa akin. Inirapan ko ito.
“Suplado!” inis kong wika rito sabay suntok sa sikmura nito. Pambawi man lang sa pamamahiya niya sa akin.
“Damn it woman!” namimilipit sa sakit nitong saad.
“And fück you too!” inis kong sabi sabay pakita ng gitnang daliri ko.
“Kala niya kung sinong gwapo!” inis na wika ko sabay balik sa aking upuan. Hindi ko na lang ito lulubayan ng tingin.