“Are you ready for your new mission?” tanong ni Spark sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Kumuyom ang kamao ko at ipinikit ko ang aking mga mata. Umukilkil na naman sa utak ko kung paano walang awang pinatay si Stephanie at ang kapatid ko.
They were killed in front of me. At hindi ko basta-basta mapapatawad ang mga taong sangkot sa pagkamatay nila. After a year of mourning, I decided to enter the dangerous world of becoming an agent.
Hindi ako papayag na makawala sila sa batas. They will pay for the lives that I lost. Nang imulat ko ang aking mga mata ay punong-puno iyon ng galit at pagkapoot. All these years ay pinaghandaan ko ang pagpasok sa isang malaking kompanya na siyang may mga illegal na transaction at isa sa itinuturong dahilan ng pagkamatay ng babaeng pinakamamahal ko at ng aking nakababatang kapatid.
“I am ready. Matagal ko na silang gustong itapon sa impyerno. Hindi na sila makakatakas sa galit ko.” Madiin at malamig kong pahayag kay Spark.
“That’s good. Make them pay. Let's make them pay for the lives of our beloved. This is the invitation card for tomorrow’s masquerade mask ball. And please, don't complain because their party has a twist.” Buntonghininga na imporma ni Spark sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
“What do you mean by the twist?” nakakunot ang noo kong tanong dito. Muli itong bumuga ng hangin. Halata sa kanyang mukha ang inis at iritasyon.
“Well, magsusuot lang naman tayo ng pangbabaeng kasuotan. Like gowns, or dresses, and the thing is magsusuot din tayo ng high heels! So damn lucky right?” ramdam ko ang inis ni Spark. Nang mapagtanto ang sinabi nito ay sunod-sunod akong napamura.
“What the hell?!” hindi ko napigilang bulalas.
“We don't have a choice. Let's get dressed as a woman tomorrow night. And by the way, may isusuot na pala tayo. The maids sent it already to your room. Go and check it. I will also check my things for the ball.” Taboy ni Spark sa akin. Napahilot ako sa aking sintido nang biglang sumakit iyon. Damn that masquerade mask ball. But we don't have a choice. Nandoon ang target namin. We should know their plans.
Pagpasok ko sa inuukopang silid dito sa headquarters namin ay agad na nakita ko ang isang malaking kahon. Tantiya ko ay doon inilagay ang damit na susuotin ko bukas. Napatingin naman ako sa maliit na box na katabi ng malaking kahon. Mukhang ‘yon din ang sandalyas na susuotin ko.
Gusto ko sanang pagmumurahin ang organizer ng ball na iyon. Anong akala nila sa amin? Damn them!
Nang buksan ko ang malaking box ay halos masuka ako. A red evening dress. Ang maliit na box naman ang binuksan ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang red shoes doon. Kinuha ko ang isang pares at tinitigang mabuti. The red shoes are surrounded by the rhinestone. Kumikinang pa ito sa ganda.
Nang akmang ibabalik ko na ang sapatos nang may mahagip ang mga mata ko. A card. Kinuha ko iyon at binasa. Kumunot ang noo ko nang matapos basahin ang nakasulat.
May gustong kumuha sa akin ngayong gabi. She's a woman. At dapat akong mag-ingat. She's dangerous, I know.
Dahil sa sobrang inis sa susuotin kong mga damit ay nagpunta na lang ako sa swimming pool. I need to relax myself.
Nakailang langoy na ba ako? Hindi ko na mabilang pa. Nang makaramdam ng pagod ay umahon na ako. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok sa aking silid. Pagkatapos kong mag-shower ay naisipan kong dalawin ang puntod ng mga mahal ko sa buhay.
Bumili ako ng bulaklak. Kailanman ay hindi ako nagsindi ng kandila. Bakit? Dahil hindi ko pa nakukuha ang hustisyang para sa kanila.
Pinakatitigan ko ang bawat letra sa pangalan nila. I will never forget that day. The day that I lost two lives. That night is a nightmare for me. Akala ko noon ay mababaliw na ako. I'm just lucky that I survived.
Kung noon ay isa akong malambing at mabait na tao, malaki na ang ipinagkaiba ko ngayon. I'm stronger than before. I'm a wiser and a cold-hearted man. Hindi nila gugustuhing kalabanin ako. Lalo na ang step-father ko at mga step-brothers. Kung noon nagawa nila akong api-apihin dahil sa amin ng kapatid ko nakapangalan ang mga ari-arian ng aking mga magulang, ngayon ay hindi na nila magagawa pa iyon. I'm not that naive anymore. Kaya ko ng lumaban.
Tinitigan ko muna ang lapida ng mga babaeng mahal ko bago ako umalis. I swear that I will give them justice that they deserve.
-
“Damn this dress and heels!” malakas kong mura. Napamura na rin si Spark sa suot nitong three inch high heels.
“Argh! Kung hindi lang sa misyon ay nunka akong magsusuot nito!” inis na wika ni Spark. Katulad ko ay nakasuot din ito ng evening gown, kulay itim nga lang ang sa kanya. Itim din ang suot nitong sapatos.
Kumapit ako ng mabuti sa railings at baka matapilok ako at gumulong-gulong sa hagdan pababa.
Nang makababa ako ay sabay kaming nakahinga ni Spark ng maluwang. Ngunit nang magsimula kaming maglakad na dalawa ay bigla na lang kaming nadulas.
Pareho kaming nakasalampak sa sahig. Nagkatitigan kami ni Spark at sabay na nagmura. Ang sakit ng baywang ko.
Nakatayo na ako nang marinig namin ang malakas na tawa ni Devilia. Sabay kaming lumingon ni Spark sa dalaga na halos hindi maampat kakatawa.
“Stop laughing!” malakas na saway ni Spark sa dalaga. Hindi pa rin ito maka-get-over sa pagkakasalampak namin sa sahig.
“G-grabe namang paglalakad ‘yan! Nakakatawa kayong dalawa! And of course, hindi pwedeng hindi ko ma-upload sa social media ang nangyari sa inyo!” natatawa pa ring pahayag ni Devilia. Bagay nga ang pangalan niya rito, she's a little devil.
“You can't do that! Isusumbong kita kay General kapag ginawa mo ‘yan.” Madiing pagbabanta ni Spark sa dalaga.
“As if I care. O sige na! Alis na kayong dalawa at baka mamaya gumapang na lang kayo papunta sa party na pupuntahan niyo.” Taboy ni Devilia sa amin. Kahit na naiinis sa dalaga ay sinunod din namin siya.
“Humanda talaga ang babaeng ‘yon sa akin.” Bubulong-bulong na wika ni Spark. Natawa na lang ako rito.
“Kung sinagot mo na lang sana, eh ‘di pareho kayong masaya.” Sabi ko rito. Hindi na ito umimik pa.
Medyo natagalan kami kakaikot kaya hindi kaagad kami nakapasok sa bulwagan. Ramdam ko na ang pagod at hapdi ng aking paa. Dahil sa pagod ay umupo na ako sa isang mesa.
Nagulat pa ako nang may babaeng biglang lumapit sa akin at alukin akong makipagsayaw rito. May gana pa ba akong magsayaw sa ayos kong ito? At isa pa, I'm not into a relationship. Relationship agad? Ani ng utak ko. Nakakulong pa rin ang puso ko sa aking nakaraan. Kaya naman tinanggihan ko ang babae. Base sa ayos nito na naka three piece American suit. Naalala ko tuloy ang nabasa ko sa sulat.
Muli akong nagulat nang sikmuraan niya ako. Damn that woman! Dahil sa inis ay napamura ako. Ngunit imbes na matakot ay minura ako pabalik ng dalaga. Kakaibang babae.
Hindi ko tuloy maialis ang paningin ko rito. Lalo pa at mukhang sinusundan din niya ako ng tingin.
Nang pumatak ang alas dose ng gabi ay bigla na lang kaming nakarinig ng putok ng baril. Bigla akong naging alerto.
“Spark let's go! Hindi na natin muna hahanapin ang mga taong iyon. Mukhang patibong ang party na ito.” Pabulong kong wika sa kaibigan.
“Let’s go!” sigaw nito. Kahit nahihirapan kaming tumakbo at paika-ika na akala mo’y na virginan ay ginawa pa rin namin ang lahat para makatakas sa lugar na iyon. Bigla kong naalala ang babaeng lumapit kanina sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko itong nakasunod sa amin. Titigil sana ako sa pagtakbo nang hilahin ako ni Spark.
“We need to get out of here as soon as we can!” madiing sabi ni Spark sa akin. Kaya imbes na tumigil sa pagtakbo ay hindi ko ginawa. Ngunit natapilok ako kaya naiwan ko ang isang pares ng pula kong sapatos.
“Ang sapatos ko!” malakas na sigaw ni Everest kay Spark.
“Let it be! Halika na!” malakas na hinila ni Spark ang kamay ni Everest.
-
“Umalis na tayo rito!” malakas na sigaw ni Viper sa akin. Tiningnan ko kung nasaan na iyong lalaking nakasuot ng pulang sapatos. Nagpalinga-linga ako hanggang sa makita ko ito.
“We need to get out of here! This is a trap!” malakas na sigaw ni Viper sa akin. Pero hindi ko ito pinakinggan. Tinakbo ko ang lalaking may suot na sapatos. Akala ko hihinto ito ngunit hinila ito ng kanyang kaibigan. Tanging sapatos na lang nito ang naabutan ko. Kinuha ko iyon.
“Damn it!” malakas na mura ni Viper at hinila na niya ako papalabas sa bulwagan.
Nang makapasok kami sa mansion ay nangangalaiti si Daddy sa galit.
“It was a trapped. Damn them! Wala talaga silang isang salita. We need to make another plan.” Sabi ni Dad. Tumango ako rito.
“Magpahinga na muna kayo. I know you are tired.” Pag-dismiss ni Daddy sa amin.
Hawak-hawak ko pa rin ang isang pares ng pulang sapatos. Pinakatitigan ko iyon.
Naalala ko ang ginawa ko sa binata. Hmp! Napairap ako sa pagiging malamig nito. Pasalamat na lang ako at pareho kaming nakamaskara. Kung hindi ay baka sobra pa sa hiya ang naranasan ko.
Hinaplos ko ang sapatos at inilagay ko sa aking cabinet.
“I promise, hahanapin ko ang suwapang at malamig pa sa yelong may-ari sa ‘yo. And I will make him pay for rejecting a mafia heiress.” Pangako ko habang seryosong pinakatitigan ang sapatos ng binata.
“As if makikita mo pa siya.” Nagulat ako nang magsalita ang pulang sapatos sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata kong inilapit ang mukha sa sapatos.
“Nagsasalita ka? Hala? Amazing!” parang baliw kong kausap sa pulang sapatos.
“Idiota! Sa tingin mo magsasalita ang sapatos na ‘yan?” napalingon ako sa lalaking nagsalita. Matalim ko itong tiningnan.
“Aba! Malay ko ba kung sumapi ka pala dito sa sapatos! Hmp!” inis kong wika at tuluyan ng inilagay sa loob ng cabinet ang pulang sapatos.
“Tsk! Sabihin mo lang na naiinis ka sa lalaking ‘yon dahil ni-reject ka!” malakas na pang-aalaska sa akin ni Viper. Matalim ko itong tiningnan.
“Gusto mong barilin kita?” seryoso kong tanong dito. Nakita ko ang paglunok ng binata. Hilaw itong tumawa.
“I-ikaw naman, hindi na mabiro.” Nauutal nitong pahayag sa akin.
“Anong ginagawa mo pala rito?” pag-iiba ko ng usapan.
“May bagong plano ang Daddy mo. And we need you this time. No buts, Rahzle. Kung gusto mong manalo sa larong ito, you should accept this challenge. Bukas ng umaga, pumunta ka sa secret office. Doon natin pag-uusapan ang ibang detalye. We need to be careful, Xenia is here. We shouldn't trust her.” Seryosong imporma ni Viper sa akin.
“At sinong maysabi na pinagkakatiwalaan ko siya?” taas ang kilay kong tanong sa binata. Ngumisi lang ito sa akin.
“Nasabi ko lang naman.” Sagot nito.
“Baka ikaw ang bumaliktad ah, crush mo pa naman si Xenia. Naku, Viper! Kapag trinaydor mo kami, babalatan ko ‘yang itlog at 0ten mo at ipapakain ko kay Drago. Tandaan mo ‘yan.” Seryoso kong ani rito at dinuro-duro ko pa ito. Si Drago ay ang alaga kong buwaya. May ahas din akong alaga si Poison.
Nakita ko naman ang pagngiwi ng binata dahil sa sinabi ko. Napahawak din ito sa gitnang hita nito.
“Wala namang ganyanan. Alam mo namang loyal ako sa inyo.” Sabi nito.
“Hmp! Make it sure huh! Baka ipatuklaw rin kita kay Poison.” Pinanlakihan ko ito ng mga mata.
“Oo nga! Kulit mo naman. Tsk. Lahat ng alaga mo walang nakakalapit. Kaya ang daming takot sa ‘yo eh.” Nakasimangot na wika ng binata.
“Dapat lang silang matakot. I am the mafia heiress, and soon to be queen.” May pagmamalaki sa boses kong wika.
“Akitin ko na ba si Xenia para sa ‘yo?” pahayag nito sabay kindat sa akin.
“Bahala ka sa buhay mo. Huwag mo akong idamay sa pagsintang tampurorot sa pinsan kong demonyita.” Mataray kong pahayag dito.
“Hindi na ‘yan magiging demonyita kapag nasa ibabaw niya na ako. She will just scream my name for more pleasure.” Nagningning ang mga mata na wika ni Viper sa akin. Dahil sa inis ko rito ay ibinato ko rito ang hawak na remote control ng air con sa loob ng aking silid.
“Perverted idiot! Get out!” inis kong pagpapalayas sa binata. Tatawa-tawa itong lumabas ng silid ko.
Muli akong napatitig sa pulang sapatos. Naalala ko ang nangyari. It's like the story of Cinderella. Wala sa sariling napangiti ako. Cinderello's red shoes. Ani ko sa aking isipan.