Grabe ang kaba ko dahil sa nangyari kay Galiana. Mabuti na lang at nad’yan lang si Saint. Malaki ang pasasalamat ko dahil nand’yan siya. Tama rin ang desisyon kong dito muna siya manatili kasama si Galiana. “Saint, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko. Alam kong maaasahan kita sa kanya,” bilin ko kay Saint. “Ako na ang bahala sa kanya. Baka na-trigger din siya. But, don't worry, magigising din siya mamaya. Sige na, umalis ka na at alam kong may misyon ka pa,” taboy sa akin ni Saint. “Salamat, Saint.” Paalam ko kay sa kaibigan. Wala ako sa sarili habang nagmamaneho. Iniisip ko kung bakit sumakit ang ulo ni Galiana nang banggitin ko ang pangalan ni Everest. Magkakilala kaya ang dalawa? Pero impossible naman. Kung magkakilala sila ay dapat hinahanap na ni Everest ngayon si Galiana. Pero ni m

