Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako nang may humaplos sa pisngi ko. Naging alerto ako. Hinawakan ko sa palapulsuhan ang pangahas na humawak sa akin. Malakas kong binalibag ang pangahas na humawak sa akin. Ito na ngayon ang nakahiga sa sofa. “Damn it woman! Babalian mo ba ako?!” malakas na mura at sigaw ni Everest sa akin. Nakalimutan kong nasa loob pala ako ng kanyang opisina. Nakita ko ang pag-ngiwi nito. Agad ko namang tinulungan ang binata sa pag-upo. Masama niya akong tiningnan. Napangiwi na lang ako. Kasalanan ko naman talaga eh. “I'm sorry, defense mechanism ko ‘yon. Nakalimutan kong nandito ako sa office mo. At saka kasalanan mo naman kasi hinawakan mo ako,” paninisi ko rito. Mas lalong tumalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin. “So, ako pa ang sinisisi

