Chapter Six

1133 Words
“I will make him pay sa pang-iinsulto niya sa akin.” Pilya akong ngumiti kay Viper. Tinitigan akong mabuti ng binata. “Alam mo nakakatakot ‘yang ngiti mo. Parang gusto ko na lang na samahan si Xenia, kesa samahan ka.” Wika ni Viper habang naiiling. Sinamaan ko ito ng tingin. “Eh, ‘di umalis ka at samahan mo ang evil cousin ko na iyon. The hell I care! Kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Hmp!” inis kong wika sa binata. “Tss! Oo na! Sasamahan na kita, huwag ka ng magtampo d‘yan. S‘yanga pala, anong deal ang tinutukoy mo?” Muli ay ngumisi ako sa binata. “He will make him my fianc- wait erase that, we will act as a lover. Mas madali ko siyang mababantayan kapag ganoon. At marami pa akong naiisip na gagawin kay Mr. Hendrix upang pagbayarin sa ginawa nito sa akin.” Nakakuyom ang kamao kong ani. Ang ayaw ko pa naman talaga ay ang hindi ako nakakaganti. Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa hotel ni Mr. Hendrix. Medyo pormal na ang ayos ko ngayon, but I'm still hot and sexy. Pasensya na lang ang maglalaway sa ganda ko. Inilugay ko lang ang aking buhok. Nakasuot ako ng aviator sunglasses ko. Hindi naman ganoon ka hapit sa katawan ko ang suot kong baby blue dress. Tama lang iyon at ang haba ay nasa ibaba ng tuhod ko. Bawat hakbang ko ay maririnig ang tunog ng takong ng aking suot na three inch high heels. Nililipad din ang mahaba at straight kong buhok. Alam ko na kung saan ang office ng binata kaya doon ako nagtungo. Sa top floor. Pagdating ko roon ay nakita ko ang secretary ni Mr. Hendrix. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Gusto ko sanang tawanan ito kapag nalaman niya kung sino ako sa buhay ng kanyang boss. “Miss, bawal dito ang trespasse-” “I’m not a trespasser, Miss. I'm your boss fiance. Can you call him? Tell him my name, Rahzle Borja.” Mataray kong putol sa sinasabi ng babae. Nagulat ang mukha ng babae sa sinabi ko at namutla. Kinuha nito ang telephone at tinawagan ang binata. “Sir, nandito po ang fiance niyo sa labas. Si Miss Rahzle Borj-” hindi na natapos pa ng babae ang sinasabi nito nang biglang lumabas si Mr. Hendrix sa kanyang opisina. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ako. Matamis ko naman itong nginitian. “Love, hindi mo naman pinaalam sa secretary mo na darating ako. Hinarang niya tuloy ako at sinabihang trespasse-” “I’m sorry, ma'am! Hindi ko po alam.” Takot na takot na paghingi ng despensa ng dalaga. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ako ni Mr. Hendrix. Pinandilatan ko lang ito ng mga mata. Naglakad ako papalapit dito at ikinawit ang aking dalawang braso sa kanyang leeg. Kahit matangkad ako ay mas matangkad naman si Everest kaya kailangan ko pang tumingkayad upang maabot ang labi ng binata. Kahit malakas ang kabog ng dibdib ko ay tinapangan ko pa rin ang loob ko. I kissed him on his lips passionately. Nagulat yata ang binata sa ginawa ko kaya naramdaman ko ang tension sa kanyang katawan. Halos isang minuto ring naghinang ang mga labi namin bago ako bumitaw. Pero para sa akin ay parang isang oras na naghinang ang mga labi namin. Kahit nahihiya sa ginawang kapangahasan ay hindi ko pinahalata. “I miss you, love.” Mapang-akit kong wika rito. Medyo nilakasan ko ang aking boses para marinig ng secretary nito. “Yeah! Let's go inside.” Yaya nito sa akin sa malamig na boses. Para pa nga itong nagbabanta. “Didn‘t you miss me?” madiin kong tanong dito. There's a hint of warning in my voice. “I. . . I miss you too, love.” Casual ang boses na sagot nito sa akin na ikinalapad ng ngiti ko. Pagpasok namin sa office nito ay matalim niya akong tiningnan. “Ano namang kadramahan ang ginawa mo kanina? Alam ng lahat dito na wala akong girlfriend or fiance!” galit nitong wika sa akin. “Pwes ngayon ay meron na. That's my deal. Ayaw ko namang magmukhang bodyguard ng malamig na kagaya mo no! Sa ganda kong ito? No way! At ayaw ko ring makahalata ang mga nagtatangka sa buhay mo na may personal kang bodyguard. Kaya, naisip ko na magkunwari tayo bilang mag-fiance. That way, my identity will be hidden. At wala ring maghihinala sa ‘yo kung sakali mang parati akong nakabuntot sa ‘yo. Brilliant idea, right?” nahaba kong paliwanag dito. Malakas itong napabuntonghininga. “Kasama ba ang halikan sa pagpapanggap natin?” iritado ang boses nitong wika sa akin. Malapad ko itong nginisihan. “Do you like it? Tinugon mo naman ang halik ko ah.” I teased him. Umiwas ito ng tingin sa akin. “Shut up! Maupo ka. Marami pa akong gagawin.” Utos nito sa akin. “So, it's a deal? Me and you acting like a lover?” pagkompirma ko rito. Matalim niya akong tiningnan. “Do I have a choice?” tanong nito sa akin. Malakas naman akong natawa. “You don't have. And I have a request for you. Let's live together, mas malapit ako sa ‘yo, mas ligtas ka.” Seryoso ko ng ani sa kanya. “What?! That's absurd! Hindi ka pwede sa mansion. Halos mga lalaki ang nakatira roon. Tatlong katulong lang namin ang mga babaeng kasama namin.” Tanggi nito. “I don't care. As long as nandoon ka. It's for your safety, hindi nga ba at muntikan ka ng mamatay? I'm here to protect you, kaya ako ang masusunod, love.” I winked at him to teast him more. Kung nakamamatay lang sana ang mga titig nito ay kanina pa ako nakabulagta sa sahig. Dahil masarap siyang inisin. Mas iinisin ko pa siya. “In one condition. Don't fall for me. Kapag okay sa ‘yo ‘yon, I will accept your deal.” Seryoso ang mukha nitong sabi sa akin. Ilang sandali kaming nagtitigan na dalawa. “Dapat ako ang nagsasabi niyan sa ‘yo. Don't fall for me. Pero dahil pareho naman tayong sigurado na hindi mahuhulog sa isa’t-isa, let's seal our deal.” Pilya kong sabi rito. Kumunot naman ang noo nito. Dahan-dahan akong lumapit sa binata at mabilis na kinintalan ng halik ang kanyang labi. “There, it's already sealed. Sige na, magtrabaho ka na at maghihintay lang ako rito sa sofa mo,” pagkatapos ko ‘yong sabihin ay agad na akong nahiga sa pahabang sofa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang pagtibok ng aking puso. Damn heart! Why are you beating so fast! Kastigo ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD