Nakatulala ako matapos ang pagbaril ng bago kong bodyguard. She pointed a gun at me! Mabuti na lang at hindi niya ako pinatamaan. Ang lakas ng t***k ng puso ko at nanginginig ang aking tuhod. Wala sa sariling napaupo ako sa aking swivel chair.
“My goodness! That woman is merciless!” bulalas ni Spark na nasa boses din ang takot.
“Damn that woman! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa niya!” hindi ko rin napigilan ang mag komento sa ginawa ng dalaga. Ni hindi man lang ito kumurap nang tutukan ako ng baril at ipaputok iyon.
“It’s your fault! You insulted her!” sisi ni Spark sa akin. Tiningnan ko ito ng masama.
“Paano ba naman akong hindi magdududa? Look at herself! She's like a w***e working in the club!” may inis sa boses kong pahayag kay Spark.
“Looks can be deceiving, pare. Maybe she has a reason why she wore that dress.” May pilyong ngiti sa labi ni Spark sa huling sinabi.
“At anong rason naman ‘yon?” naiinis pa rin ako at may takot pa rin sa puso ko dahil sa nangyari kanina.
“Maybe, she likes you and she wants to seduce you.” Simpleng sagot ng kaibigan ko. Tiningnan ko ito na para bang may nakakatawa sa sinabi nito.
“Are you insane? I'm not into a relationship, Spark. Alam na alam mo kung bakit. I want to give her the justice she deserves. At ayaw ko ng magmahal pa. I still love her Spark, na hanggang ngayon ay hindi ko kayang tumingin sa ibang babae.” Seryoso ang boses kong paliwanag sa kaibigan.
“Ikaw rin. Napag-iiwanan ka na ng panahon.” Komento nito. Hindi na lang ako nagsalita pa.
Umalis si Spark at may aasikasuhin pa ito. Ako naman ay naiwan sa underground. Iniisip ko si Stephanie, ang babaeng bumihag sa puso ko. Ngunit nang ipikit ko ang aking mga mata ay mukha ng bodyguard ko ang bumungad sa akin. Bigla ko na lang naidilat ang aking mga mata.
Pilit ko pa ring iniisip ang hitsura ni Stephanie, ngunit bumabalik sa balintanaw ko ang dalaga. Rahlze Borja, my personal bodyguard.
Hindi ko naman maikakailang maganda ang dalaga. I love her eyes, it's cold, mysterious but it melted me for some reason. Napailing ako sa pagpuri ko sa dalaga. But she's dangerous also.
Upang mawala sa isipan ko ang dalaga ay nagtungo na ako sa aking opisina sa top floor. Ang secretary ko ay sa intercom lang ako kinakausap. Ayaw kong makipaghalubilo sa maraming tao.
Halos matapos ko na ang mga papeles na nere-review ko nang malakas na tumunog ang cellphone ko. Agad ko ‘yong sinagot nang makitang si Mang Roger ang tumatawag.
“Ano pong nangyari at napatawag kayo?” tanong ko kaagad sa namamahala ng mansion namin.
“Sir, ang kapatid niyo po nagwawala na naman, at mukhang nakainom.” Pagbabalita ni Mang Roger sa akin.
“Sige po, papunta na ako.” Ani ko saka ko binaba ang tawag. Kumuyom ang kamao ko. Hindi talaga nila ako titigilan.
Mabilis kong inayos ang mga papeles sa aking mesa at hinablot ko ang jacket ko. Isinuot ko na iyon habang naglalakad ako papasok sa elevator.
Nang makarating sa ground floor ay agad kong pinatunog ang sasakyan ko.
Mabilis ang pagpapatakbo ko. Medyo traffic pero hindi iyon naging hadlang para mabilis akong makarating sa bahay namin. Pagpasok ko pa lang ay dinig na dinig ko na ang sigaw ni Jefferson sa loob ng bahay.
Huh! Sa loob pa talaga nagwala. Ang kakapal manira ng gamit na hindi naman sa kanila.
Bumaba ako sa aking sasakyan at malalaki ang hakbang na tinungo ang loob ng kabahayan.
“Nasaan na si Everest! I will kill that bastard!” malakas nitong sigaw sabay bato ng baso. Nagkandapira-piraso ang babasaging baso. Mas kumuyom ang kamao kong tiningnan ang step-brother ko.
“Anong ginagawa mo?!” malakas kong sigaw na siyang nagpalingon kay Jefferson.
Binalingan niya ako at nginisihan. Halata sa mukha nitong nakainom ito.
“Oh! prince Everest is already here. Bravo!” parang baliw nitong pahayag.
Mas dumilim ang mukha ko nang tingnan ko ito.
“Bakit nagwawala ka at bakit mo ako hinahanap? Alam ko namang hindi mo ako mami-miss.” Pang-iinis ko sa kapatid ko.
“Hindi kita na-mi-miss. Sana nga namatay ka na rin kasama ng kapatid mo. Pareho naman kayong walang silb-”
Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Jefferson nang bigla ko itong undayan ng suntok sa mukha. Dala ng kalasingan ay agad itong natumba.
“Damn you!” mura nito sa akin.
“Watch your words, Jefferson. Kapatid ko ang iniinsulto mo. Bakit? Kayo ba ang nagpapatay sa kanya? At sino ang isusunod niyo ng tatay mong patayin? Ako? Para ano? Para pagharian ang kayamanan namin? The hell na ibibigay ko sa inyo ang mga pinaghirapan ng mga magulang ko!” puno ng galit at poot ang kalooban ko. Hindi ako makakapayag na basta-basta na lang nilang insuluhin ang aking kapatid. Hindi ko pa nga siya nabibigyan ng hustisya.
“Ang damot-damot mo kasi! Pinagmumukha mo kaming alipin mo! Bakit mo kinuha ang kotse ko! Ha?! Ibalik mo ‘yon sa akin!” malakas nitong sigaw. Ayun! Lumabas din ang totoo. Gusto lang nitong makuha ulit ang kotseng binawi ko.
“Hindi sa ‘yo ang kotseng ‘yon! Sa kapatid ko ‘yon!” malakas kong sigaw rito. Tumayo ito at gumewang pa. Malakas itong tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
“Matagal ng patay ang kapatid mo! Kaya niya bang magmaneho ng sasakyan ha?! Hindi! Kahit kailan ay hindi na siya mabubuhay pa! Kaya tigilan mo na ‘yang ilusyon mo! Gago!” sigaw din nito sa akin.
“Gago ka rin! Respetuhin mo naman ang taong namatay na!” ani ko sabay suntok dito.
Nagpagbugno kami ni Jefferson, dahil lasing ito ay mabilis ko lang itong nabugbog.
“Anong nangyayari rito?! Jefferson anak! ‘Tang ‘na mo Everest! Bakit mo binugbog ang kapatid mo?!” malakas at galit na sigaw ng aking amain sa akin.
“Hindi ko siya kapatid. At kahit kailan ay hinding-hindi ko siya ituturing na kapatid. He just insulted my late sister. Kapag hindi pa tumino ‘yang anak mo, sa kalye na ‘yan pupulutin sa susunod.” Mariin kong warning sa kanila.
Matalim naman akong tinitigan ng aking amain. The hell I care!
“Hah! Napakadamot mo talaga sa amin at wala kang respetong bata ka! Kung nabubuhay sana ang asawa ko ngayon ay baka itinakwil ka na!” sigaw ni Tito Gregorio sa akin. I gritted my teeth in so much anger.
“Huwag niyong idamay ang aking ina. Nagkamali siyang pinakasalan ka niya. Siguro kung nabubuhay siya ngayon ay nakita niya na ang tunay mong kulay.”
Tinalikuran ko ito habang matatalim ang tingin sa akin.