“Handa ka na bang makilala ang lalaking babantayan mo?” seryosong tanong ng aking ama.
Tiningnan ko ito ng seryoso sa kanyang mga mata.
“I am ready, Dad.” Nakangisi kong wika rito. Tiningnan ni Daddy ang hitsura ko. Mula ulo hanggang paa at pabalik.
Tinaasan ko ito ng kilay. Halata sa mukha nito na hindi nito gusto ang suot kong damit.
“Can you change your clothes? Something formal?” alanganing pakiusap ng aking ama sa akin. Malakas akong tumawa sa sinabi nito.
“Dad, I have a beautiful body! Bakit ko naman itatago ang ganda ko. At saka isa pa, you want me to hide my identity. Kaya itong suot ko ay para hindi halata na isa akong bodyguard no! So, hayaan niyo na ako sa suot kong damit. ‘Kay?” malambing kong pahayag sa ama ko at kinindatan ito.
Malalim itong napabuntonghininga. Wala siyang magagawa, dahil matigas ang ulo ko at s‘yempre mana ako sa kanya.
“Fine. Nasaan na ba si Viper? Ang tagal dumating!” tila naiinis ng pahayag ni Dad. Siya namang pagdating ni Viper.
“Speaking of the devil.” Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng aking ama.
“I am not! Baka ikaw.” Nakangising biro ni Viper sa akin. Matalim ko itong tiningnan.
“Gusto mo bang masilayan pa ang sikat ng araw bukas?” seryoso kong tanong sa binata. Napasimangot naman ito sa sinabi ko at hindi na umimik pa.
Nakita ko rin ang paghagod ni Viper sa suot ko. Tinaasan niya ako ng kilay at napailing-iling.
“Ganyan talaga ang susuotin mo?” hindi nito napigilang tanungin ako.
“Isa ka pa. Para ka ring si Dad. Gusto niyong pag-umpugin ko ang ulo niyo?” naiirita na ang boses ko. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ‘yong pinapakialaman ako sa damit na susuotin ko.
Kungsabagay, magtataka talaga ang lahat sa suot ko. Nakasuot lang naman ako ng isang spaghetti bodycon strap na hapit na hapit sa aking katawan, pinatungan ko lang iyon ng cardigan. Hanggang sa may hita ko ang haba niyon. Naka-messy bun din ako at may mangilan-ngilang buhok ang nalaglag mula sa pagkakatali ng buhok ko. Sinadya ko iyon. Pulang-pula rin ang kulay ng labi ko. Well, manipis lang ang make-up na inilagay ko sa mukha ko.
Malaki ang pabilog kong earrings sa aking tenga at suot ko rin ang gold kong kwintas. All in all ay para akong isang pukpok. But the hell I care.
“Rahzle! Ama mo pa rin ako, kaya you should respect me!” sigaw ng aking ama nang marinig ang sinabi ko. Inikotan ko lang ito ng mga mata.
“Let's go at baka ma-late na tayo sa usapan ng ating kliyente. Bye, Dad. See you when I see you,” paalam ko kay Daddy at hinalikan ko ito sa kanyang pisngi.
Niyakap ako ng mahigpit ni Dad. Para bang ayaw niya akong pakawalan.
“Take care of yourself, hija. Kapag may nangyari, tawagan mo kaagad ako. Alam mo namang nasa likod mo lang ako palagi.” Sinserong pahayag ni Dad. Niyakap ko rin ito ng mahigpit.
“I know that, Dad. Sige na alis na kami. Take good care of yourself too. ‘Kay?” bilin ko rito.
Hindi na kasi muna ako uuwi dito sa mansion namin. I will stay in my penthouse habang nasa mission ako. At ang penthouse ko rin na binili ay hindi nakapangalan sa akin. I used someone to buy that penthouse for me. Nasa iisang building din naman nakatira si Viper. Kasama ko siya, pero in case of emergency ko lang siya dapat tawagan o may mahalaga kaming transaction na dalawa.
Sa isang hotel kami magkikita ng babantayan ko. Iniisip ko pa lang ang gwapong-gwapo na kliyente ko ay natatawa na ako sa magiging reaction nito mamaya kapag nakita na isang diyosa pala ang kanyang makakaharap.
Hindi kami gumagamit ng kotse na galing sa mansion. We are very careful of our every move. Dapat hindi pumalpak ang mga plano namin ngayon.
Pagdating sa isang sikat na hotel na pagmamay-ari ng CEO na babantayan ko ay napahanga ako sa laki at ganda ng hotel. Well, he's a genius after all.
Iginiya kami ng isang lalaking naka-itim papunta sa palikong pasilyo. May pinindot ito at agad na bumukas ang isang private elevator.
Pumasok kaming dalawa ni Viper. Hindi na sumama pa ang lalaking naghatid sa amin. I'm a little bit nervous, for the first time kasi ay humanga ako sa isang lalaki. Medyo napakapit tuloy ako sa hawak kong clutch bag.
Nang makarating sa underground ay muli akong humanga sa ganda ng interior design ng buong paligid.
“Nandito na sila.” Dinig kong wika ng isang lalaki. Bawat hakbang ko ay naglilikha ng ingay ang takong ng sapatos ko sa buong paligid.
Nakatalikod ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Ang isang lalaki naman ay prenteng nakaupo sa isang upuan.
“We're here to meet our client, Mr. Raj Everest Hendrix,” si Viper ang nagsalita.
Walang emosyon na makikita sa mukha namin ni Viper.
Biglang pumihit paharap ang kinauupuan ng lalaking nasa harapan namin.
Nang magtama ang paningin naming dalawa ay biglang sumikdo ang puso ko. Tinitigan ko ang kanyang magagandang mga mata. Ngunit habang tumatagal ay ramdam ko ang lamig sa mga titig nito.
“I am Raj Everest Hendrix, take a sit.” Baritono ang boses nito. Nanunuot ang sa buong sistema ko ang swabe ngunit malamig nitong boses. Ni hindi man lang nagbago ang emosyon sa mukha nito nang makita ang kagandahan ko.
‘Bakla siguro.’ Anang isipan ko.
I crossed my legs to hide my the thing between my thighs. Sa ikli pa naman ng aking suot ay sigurado akong masisilipan ako.
“Let me introduce ourselves. I am Viper, and this is Rahlze Borja, your bodyguard Mr. Hendrix.” Pakilala ni Viper sa aming dalawa.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo ng banatang kaharap namin. Nilingon niya ako at parang hindi makapaniwalang ako ang magiging bodyguard nito. He's underestimating me. Huh! Baka limang segundo lang ay bawian na ito ng buhay kapag ako ang kinalaban niya.
Biglang tumayo si Mr. Hendrix at nakapamaywang na tumingin sa amin.
“What? Are you freaking serious? Isang babae ang magiging bodyguard ko?!” galit nitong tanong sa amin. Nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi nito.
Tumayo ako at hinarap si Mr. Hendrix.
“So, sinasabi mo bang mahina ako at hindi kita kayang ipagtanggol? ‘Yon ba ang pinupunto mo?” galit at inis na harap ko sa binata.
“I'm not saying that, pero dahil ikaw na mismo ang nagsabi, then yes, hindi ako kampante na kaya mo nga akong ipagtanggol. Look at yourself? You're like a w***e than a bodyguard.” Pang-iinsulto nito.
Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi nito. Hindi mahaba ang aking pasensya. Kaya bigla ko na lang binunot ang riffle ko na nakatago sa aking clutch bag at mabilis na itinutok iyon sa binata.
Naging alerto ang kasamahan ni Mr. Hendrix at bumunot din ng baril at itinutok sa akin. Tumayo rin si Viper at itinutok naman nito ang baril sa kasama ni Mr. Hendrix.
Nagkaroon ng tension sa loob ng silid na iyon. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang ininsulto ako.
“I can kill you right here and right now, Mr. Hendrix. Don't push me in my limitation. Hindi mo gugustuhing kalabanin ako.” Malamig kong wika rito.
Nakita ko ang pagngisi niya. Para bang ayaw niya akong paniwalaan kaya mas lalo akong nainis sa binata.
“Then pull the trig- damn it!” malakas nitong hiyaw nang kalabitin ko ang gatilyo ng aking baril. Malakas ang naging tunog sa buong paligid. Kitang-kita ko ang pagkabigla nito sa ginawa ko. Nang tingnan ko ang riffle ko ay umuusok pa iyon. Napangisi ako.
Hindi rin nakagalaw ang dalawa naming kasamahan sa loob ng silid na iyon.
“I told you, don't push me on my limit. And take note, I am not a w***e. At isa pa wala ka ng magagawa kundi ang tanggapin ako bilang bodyguard mo. Wether you like it or not.” Seryoso kong wika sa binata. Hindi ito umimik o nagsalita man lang.
“I will be here tomorrow. Sisimulan ko na ang pagbabantay sa ‘yo. And I will make a deal,” sabi ko pa, “Viper, let's go. Tapos na ang usapan nating ito.” Malamig kong utos kay Viper. Itinago ko na ang baril ko sa aking clutch bag at tinalikuran na ang dalawang lalaking manghang-mangha pa rin sa ginawa ko.
‘Serves them right. Ang kapal ng apog niya para insultuhin ako.’ Ani ko sa aking isipan.
“Good job.” Nakangising bulong sa akin ni Viper.
“Easy peasy,” nakangisi ko ring bulong kay Viper. Sabay kaming natawa.