CHAPTER 8

1834 Words
Chapter 8 While we are eating, tanong naman ng tanong sakin ang mga gangmates ni Kenji. Ang pinuno naman nila ay nakikinig lang habang tahimik na kumakain. "Ilang taon ka na ba?" — tanong ng may highlights na yellow. "I'm seventeen years old." I answered while eating. "Ahhh. Saan ka naman nakatira?" "Sa Davao talaga kami nakatira pero may condo ako sa Makati. Malapit lang rin dun ‘yung school ko." Smile ako ng smile habang sumasagot sa kanila. Katabi ko si Mr. Kenji Suzuki habang kumakain. Di ko parin siya kinikibo. As if naman gusto ko siyang kausapin noh? Our feelings is mutual. We are against in our engagement at hanggang parehas ang nararamdaman naming dalawa ay wala akong problema roon. "MAKATI????" Sabay pa talaga sila.."Kung ganun nasa iisang lugar lang pala tayo ng ginagalawan.'' sabi ng lalaking cute. Di ko parin sila kilala. Yeah! Nasa iisang lugar lang tayo pero of course hindi ko sila kilala since nasa all girls school ako nag aaral. "Ah . Oo, Saan pala kayo nag aaral?" I asked. Curious rin kasi ako. "Sa Delinquent High!" Haaaaa? O__O DELINQUENT HIGH???? DELINQUENT??? Diba sa mga not so good reputation na mga students ang nandun? Like? From the school it self halata naman kung anong klaseng mga istudyante ang nasa iskwelahan ‘yun. Well, ano bang aasahan ko. They are gangsters! "Teka lang ha. Mali ang iniisip mo. Di kami killer or ano pa yang iniisip mo. May gang lang kami pero mabubuti ang budhi namin. May gang nga kami pero alam namin ang limits namin." nakangiting sabi ni Jigs. I smiled. Why so cute? At kung sumagot siya super defensive at super pang contest ‘yung mga sagot niya. HAHA. Hindi naman ako nag iisip ng ganun, mga slight lang. "Tss." narinig ko pang singhal ng pinuno nila kaya tiningnan ko siya ng masama. Medyo napaatras pa ako sa kinauupuan ko ng mapansin kong nakatingin pala siya sakin bago siya tumingin kay Jigs, "What's the point of explaining Jigs?" Hindi namin siya pinansin saka ako nagtanong ulit, "So, why Delinquent High? Sa mga narinig ko tungkol sa skwelahan na ‘yun ay its really not good. They don't have a good reputation at all." Sabi ko pa habang ngumunguya. Let's talk about manners, anyway. "Tsss. Ganun talaga! Exclusive for boys lang din kasi ang mga nag-aaral dun. At alam mo naman kung puro lalaki ang skwelahan mas maraming siga, mas maraming pa cool at mas maraming basagulero. You can't blame us. Hindi naman pwedeng magpatalo lang kami. That is why nabuo ang grupo namin. We have our story, a very long one." Sabi ng may highlights sa hair. "Ahhh." Matipid kong sagot. Isa lang ang napansin ko sa kanila. They can answer well. At talaga namang hindi ko maipagkakailang matalino rin ang mga gangster nato. Body and brain din tung mga lalaking to. Hindi ko pa naman sila nakitang nakipag away pero sa napansin kong hubog ng katawan nila for sure may ibubuga ang mga lalaking to. Specially Kenji! He has this aura, a black aura! Ay basta! May something sa kanya na gusto ko pang makilala at makita. Nang matapos kaming kumain. Nag usap parin kami at panay tanong nila sa kin habang si Kenji naman ay nakikinig lang. Now, I wonder kung pinapakinggan niya ba talaga ang pinag uusapan namin. Curious kaya siya sakin. Hindi namin kilala ang isa't isa. Siguro naman gusto niya rin akong makilala? Papunta pala kami sa pool ng resort. Oo may pool at sobrang laki! Ngayon ko lang napansin na kami lang pala ang nadito sa resort. Nung tanungin ko si Jigs sabi niya naka exclusive ang pool nato para sa min at ‘yun nga nalaman kong sa kaniya pala to. Another information from them, they are smart and rich! Plus points pa kung malakas talaga sila. I want to see them fight. Anyway, what a nice vacation! There's pool, foods and a view! "Eh. Saan ka ba nag aaral?" tanong ni Jigs. Hanggang ngayon ay si Jigs lang at si Kenji ang kilala ko. Wala ba silang planong magpakilala? Gusto ko silang makilala isa-isa pero syempre ayokong tanongin ang pangalan nila dahil baka sabihin pa nilang interesado ako. Like duh? Never in my life na nagka interest ako sa isang gangster! "St. Mary's Academy." Matipid na sagot ko. "Pfffft! BWAAAAHHHAAHAHAHAHA." Sabay pa silang tumawa. Madapa sana kayo. Si Mr. Suzuki lang naman ang hindi tumatawa eh. Alam niya na kaya ang mga tungkol sa akin? Tss. As if I Care. At isa pa malaking school ang SMA. Imposible namang nakita niya ako sa labas ng campus kung nag ka girl friend man siya sa skwelahang ‘yun. Marami kasi akong naririnig sa school ko na may nagiging boy friend sa DH. "Anong pinagtatawanan niyo? Hindi niyo ba narinig ang school na SMA? Like duh? One of the biggest girl school!" I rolled my eyes. "Hahaha. Wala. Matagal na nga kaming napapadaan sa school niyo eh. Napaka random pa ng mga name ng school natin." sagot nung isa. "Yes. Maraming naging ex d’yan si Seb." sagot pa nung isang may cute na dimple. "Hindi ah! Wala akong ex run." Ah. So ‘yung naka highlights pala si Seb. "Teka nga. Bago niyo ako tanungin ng kung ano ano baka gusto niyo munang magpakilala?" suggest ko. Medyo nalilito na kasi ako sa kanila. Umupo muna kami sa may cottage. Malaki din naman ‘yung cottage and as usual tabi na naman kami ng tahimik na pinuno nila. Ano kaya ang iniisip nito? Bakit ang tahimik niya? Baka mapanis na ‘yung laway niya? Namula ako sakin naisip. Naalala ko na naman ‘yung kiss namin kanina. "Sige, ako muna. Ako si Seb!" Sabi ng lalaking may highlights. I know him ng sinambit ng kasama niya ang pangalan niya kanina. "Ako naman si Kean." sabi ng lalaking may dalang gitara. Actually ang sisiga nila tingnan pero gwapo naman. Napaka attractive nilang lahat. Crush na yata ko silang lahat! Landeeee! HAHA eh ang gwapo kasi nila para silang mga BTS! Drools! "Ako naman si Jigs! At your service! (winked)" Wooaaah! I giggled ng makita siyang nagpa cute. Nakita ko pang nakayukom ang kamao ni Mr. Suzuki. Teka, baka guni guni ko lang. Its not like he likes me kasi we just met 'di ba? Err. So assuming, Dolly. "Chill dude." Sabi ni Jigs na nakatingin kay Mr. Suzuki. Tiningnan ko ulit si Kenji sa tabi ko pero iniwan niya na naman ang tingin niya. "Tsss." Tipid na sagot ng katabi kung si Mr. Suzuki. Problema nito? "I'm Kirby." Sabi ng matangos ang ilong na medyo pinkish ang pisngi. CUTE pero ang tipid niyang sumagot halatang hindi interesado sa mga nangyayari sa paligid niya. "Ako si Jakob." Siya naman ‘yung naka shades. Shocks! Ang gwapo rin ng isang to. Lahat sila may ibubuga talaga. Saan ba galing ang mga ganitong mukha? Darn! "Ako si Bryle." Sabay smile. Drools. Another pogi! "I'm Yael and this is Lex! Di kasi siya palasalita kaya ako nalang magpapakilala sa kanya." Sabi ni Yael na medyo mahaba ang buhok parang rocker. At si Lex naman ‘yung may dimple, kanina lang halos siya nalang ‘yung kausap ko eh. WEIRDOS! -___- "Ako naman si Lawrence! Pero Rence nalang itawag mo sa akin." he smiled. Gwapo siya at may kissable lips pa. Makalaglag panty smile! Naks! "Ako naman si Roj!" Matipid na sabi ng medyo brownish yong eyes. Bakit lahat sila may itsura talaga? Siguro nung umulan ng kagwapohan ay nanguna sa linya tung twelve na lalaking to. "And I'm Kent!" Sabi ng isang Gwapong nilalang na kanina lang kakaiba kung tumitig sa akin. Isa pa tong may galit sa mundo ah. "Ahh. So ‘yun nga, I'm Dolly Fiona Ferrer. Thanks sa pag welcome niyo sakin kahit kanina nainis talaga ako sa inyo." sabay rolled ko pa ng eyes. Dapat lang e welcome nila ako dahil pinuntahan ko ang pinuno nila rito. Gusto ko lang maklaro na wala akong planong magpakasal sa kanya at alam kong ganun rin siya. "HAHAHA :D Pasenya naman kanina kung napagtawanan ka namin! Ang cute mo kasi." Sabay pinch ni Jigs sa pisngi ko. Shocks! Namula ako sa ginawa niya. Kyaaaaaaaaaaa! I think I'm in love. Wow, Dolly! Agad-agad? "And Lastly, I'm Kenji Mathew Suzuki!" Sabay higit sa braso ko papalapit sa kanya. Tss. Ano bang problema ng Mr.Suzuki nato? Kanina pa siya ha? Kung makahigit naman siya akala niya sobrang lakas ko! "Ah. Okay." Tipid na sagot ko at inisnaban siya. "May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Rence. Spell Random L.A.W.R.E.N.C.E. Random niyang mag ask huh? Naalala ko tuloy ulit si Raul. "Ah. Eh. Ang ibig ko lang naman sabihin dude may naging boyfriend na ba siya o may boyfriend ba siya ngayon na mag Fiancee na kayo, Diba? Curious lang kami dude!" Mahabang paliwanag ni Rence habang nakatingin sa katabing kong si Kenji. May black aura na talaga tung katabi ko, kanina pa. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan. At haller? Rence, no need to explain. Duh? "Hmmmm. Wala na eh." I answer coldly. "So meron kana palang NAGING Ex Boyfriend???" Tanong ni Jakob. Of course Jacob! Sa ganda kong to? Seryoso kayo sa tanong niyo? "Oo." matipid kong sagot. Ayoko lang pag usapan. Baka maalala ko na naman ‘yung bwesit na ‘yun. "Eh, Bat Kayo nag hiwalay?" tanong ni Jigs. Kulit din ng lahi ng mga 'to eh. "Ah.. he -he" I'm Busted. Hindi ko gustong sagotin. Ayokong sagutin! Err. "Let me guess!" Napatingin naman kami kay Mr. Suzuki, "Hindi ka marunong humalik? Kasi kung ‘yun ang dahilan, malala na yan. Pagtatawanan talaga kita." ngumisi pa siya. Biglang nawala ang ngiti ko. Nakatitig lang sila saakin habang hinihintay ang sagot ko. Damn! It's not like its the main reason pero parang ganun narin. Raul wants more than smack! At ‘yun ‘yung ginawa namin kanina ni Kenji na hindi niya man lang pinag isipan at agad akong hinalikan. "Tawa na!" Sabi ko. Simply because I don't want to explain! Napatawa sila sa sagot ko, "Seriously, Dolly?" Tanong ni Seb na parang hindi makapaniwala. "Actually, hindi naman sa ganun pero parang ganun na rin ‘yun. Basta mahabang istorya." sagot ko nalang at iniwas ang tingin ko. "We have a lot time to listen!" sabi pa ni Kent. "Kasi ganito ‘yun, sa tatlong taon na naging kami, dalawang beses lang kami nag kiss and smack lang ‘yun. Nag sawa siya, nag hanap siya ng iba and the rest is history." I explained with a lonely look. Oh! Let me rephrase With a PATHETIC look. In short, sinaktan niya ako. Niloko niya ako kasi nga nagsasawa na siya sakin. ‘yun ‘yun! "Tss. Mga babae talaga! Hindi mo ba nahalata? Simple lang ‘yun. Hindi ka niya mahal." Diin pa ni Kenji. Of course. I know that kasi kung mahal niya ako hindi niya ako ipagpapalit. Idiot! Kenji is so insensitive! I hate him! Alam mo ‘yung broken hearted ka na tapos pinagpainit pa nila ang ulo ko. Darn him! Tumayo ako, Nagulat sila kasi natahimik sila sa pag tayo ko. Naiiyak ako bigla. Bagod pa ako tapos ganito pa ako tatratohin nang walangyang Kenji to! Kanina pa siya ah! Manhid! "Asan ang mga bagahe ko at magpapahinga muna ako?!" I asked coldly. "Dun sa kwarto ni Kenji! Tabi kayo!" Napahinto ako. "What?!!! No way!" sigaw ko. Ayokong katabi siya eh siya nga ‘yung gusto kong iwasan. Like haler? Baka magkatotoo ‘yung tukso ng mga kuya ko at maging honeymoon ang ending neto! Asa naman ang gangster nato! "No choice babe! Mabuti narin ‘yun at makapag practice kayo ng kiss at mas mag ka mabutihan na kayo ng FIANCEE mo! BWAHAHAHAHA," sabi ni Seb. Seriously Seb? Kanina ka pa ah! Ganito ba talaga ang gang nila? BLACK MAMBA???? Ang mga BLACK MAMBA MEMBER ay mga sadist !!! Lalo na ang pinuno nila. Manhid ang mga black beans nato!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD