CHAPTER 51 Pagkatapos ng eksena kanina ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Nakakapagod rin kasi. Wala paring ilaw. Kainis naman ‘to. Mabuti nalang talaga at may hiniram si Kenji dun sa isa sa mga staff ng resort na ilaw na may electricfan. Battery daw ang gamit nito eH. At na cha-charge. Ewan ko anong tawag. Pero at least may ilaw kahit konti lang at may hangin rin. Binuksan ni Mat ang may balcony sa kwarto naming at tanaw na tanaw namin ang swimming pool at dagat sa ibaba. "Tabi nalang tayo." I said ng humiga ako sa kama at dumeretso siya sa may sofa. Napatingin ako sa labas ng balcony. Ang lamig ng hangin. Sinulyapan ko ulit si Mat pero humiga lang siya sa sofa. Parang may mali sa kanya ngayon eh. Ilang beses na kaming nagkatabing matulog. Tapos ngayon sobrang tahim

