CHAPTER 50 ** THIRD PERSON ** Pinili ni Kenji na lumabas na sila ng silid bago pa may mangyari sa kanila ni Dolly. Gusto niya man pero pinigilan niya. Alam niya sa sarili niyang walang karanasan si Dolly at inosente ito sa mga bagay tungkol sa mga kahalayan o ano pa. Hangga’t kaya niya ay pipigilan niya ang sarili niya. Hindi niya nga lang alam hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili niya. Ngunit kabaliktaran naman ito para sa dalaga. Gusto niyang ibigay na ang sarili niya sa binata pero kailangan niya ng lakas ng loob. Ramdam niyang nagpipigil ang binata sa kanya pero gusto niyang pigilan nito ang pagpipigil niya at sunggaban siya. Marupok na kung marupok pero para sa kanya wala namang masama dahil fiancé niya naman ito. Wala naman siyang pagsisihan kung mangyari man ang

