CHAPTER 49 Nauna akong magising kay Kenji. Ang tagal naman naming dumating. Halos madaling araw na ah! Tiningnan ko ‘yung mga kasama namin. Ang tahimik nila. Gutom pa naman ako. Tiningnan ko ulit si Kenji. ‘Tulog ba ‘tong lalaking ‘to? Ang gwapo niya parin kahit nakapikit ah.’ "Kenji? Beb? Tulog ka pa?" malambing na tawag ko sa kanya. Err. Parang naging instinct ko lang na tawagin siya sa malambing na tono dahil may kailangan ako. Psh! Ganito talaga siguro kaming mga babae. Pag gusto naming kumain nagiging anghel kami. Mehehe! "Yes, love tulog ako." sagot niya. Okay, ang tanga ko naman kasing mag tanong. Ch! Bakit kasi magtatanong pa kung alam mo namang hindi sumasagot ang totoong tulog. Hay nako, Dolly. Naiwan yata sa condo ang utak ko. Babalikan ko pa ba? "Beb? Malayo p

