CHAPTER 48 DOLLY POV "Bakit kailangan pa nating mag impake? Magba-bakasyon lang tayo. Three days lang ‘yun at two nights lang tayo. Hindi tayo lalayas." I said. Paano ba naman kasama naming ang branded girls at ang black mamba sa bakasyon na ‘to. Akala ko pa naman masosolo ko ngayon si Kenji pero hindi pala. Err! Hindi naman sa gusto ko siyang solohin pero mas feel kong mapag-isa kami ngayon. “Sissy! Maraming keks dun, malamang maghahanda kami. Kailangan sexy tayo.” Sabi ni Gucci habang inaayos ang mga gamit niya. Umupo naman agad ako sa harapan nila habang sila busying-busy sa paghahanda. ‘Hindi na ba talaga sila pwedeng hindi sumama? Psh! What do you expect, Dolly?’ “Tama nga! Bakit hindi mo sinabi na may hot ka palang boytoy ha? Siya ba ‘yung sinabi mo sa ‘min na Kenji-the-Gr

