CHAPTER 47 Nanatili ang binata sa condo ng dalaga. Ang sabi niya ay babantayan niya ito hanggang sumapit ang umaga. Napailing nalang si Dolly dahil mas naging mahigpit ngayon si Kenji sa kanya. Inaya niya pa itong humiga sa tabi niya. Nung una ay tumanggi ang binata dahil kahit papaano ay lalaki parin siya pero hindi siya pinakinggan ng dalaga. May tiwala naman siya sa binata. "Love?" tawag ni Kenji sa kanya. "Yeah?" saka humiga si Dolly sa dibdib nito at pinakinggan ang pintig ng puso ng dalaga. "Are you okay now?" naramdaman niya ang paghaplos ng binata sa buhok niya. Pagkatapos ng ginawa ni Raul at ang pagkikita nila ni Kenji ay naging okay na ang nararamdaman niya. Hindi tulad kanina na halos gusto niya nalang kainin siya ng lupa dahil sa hiya, inis at galit niya sa sarili

