CHAPTER 62 Hanggang ngayon ay sariwa parin ang alaala ng binata para sa babaeng minamahal niya. Parang kahapon lang na magkasama at masaya silang nilalamnam ang panahon na mag kasama sila. Wala siyang pinagsisihan sa pag angkin sa dalaga bilang isang fiance. Naging masaya sila sa panahon na ‘yun. Natauhan siya ng bigla siyang sinuntok ng ama ni Dolly na kararating lang. Nagulat siya. Pero hindi siya nasaktan sa mga suntok na binibigay nito sa kaniya. Wala ng sasakit pa sa pagkawala ng babaeng mahal na mahal niya. "Gag* ka talaga! Dati pa binalaan na kita! Hayop ka! Di ka na nakontento sa panloloko mo! Pinatay mo pa siya! Hayop ka!" Puno ng galit ang bawat salita na binitawan niya sa bintang sinisi sa pagkamatay ng anak niya. "Tama na po tito." pigil ni Madix habang nilalayo nila ito sa

