CHAPTER 61 ** Third person ** Sinundan ni Kenji si Dolly. Kahit naka boxer lang siya ay sinundan niya parin ito. Di niya kayang makitang nasasaktan si Dolly ng ganun. Kailangan niya mag paliwanag. Kailangan niyang makausap ito bago pa mahuli ang lahat. Pinindot niya nang pinindot ang elevator pero nakababa na ito. Binuksan niya ang pinto pababa nang hagdan at dali-daling sinundan si Dolly. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Ang nasa utak niya sa mga oras na ‘to ay ang umiiyak na mukha ni Dolly habang nakatitig sa kanya. Gusto niyang bugbugin ang sarili niya dahil sa pagiging tanga niya at hinayaan niyang masaktan ang babaeng mahal niya. Nang makababa siya ay nakita niya ang kotse nang pamilya ni Dolly na paalis na sa parking lot. Dali-dali siyang pumasok sa kotse niya at sinundan a

