CHAPTER 36 ** SEBASTIAN Point of View ** Finally, nakauwi narin kami! Miss ko ng mga chikabebs ko dito. Anong oras na ba? 10:35am? Ang aga pa pala. Hindi ako sanay umuwi ng alas dyes. Nakakapagod palang magbakasyon. Naglog-in ako sa f*******: ko. Oh! Online ang group chat ng Black Mamba. Agad akong humiga sa kama ko at pinindot ang cellphone ko para e chat sila. Seb Pogi: Mga ULOL! Online kayo? Pinalitan ko ng Seb Pogi ang nickname ko sa group chat namin. Paniguradong maiingit na naman ‘yung mga loko. Roj: Ang bading! Pogi? Pweeee.. Kakasabi ko lang ‘di ba? Unang nag react si Roj. Number 1 fan ko talaga si Roj. Psh! Yael: Online? malamang. ‘wag tanga! Subukan mong mag chat ng hindi online kong mababasa ba namin. Bupols! Isa rin ‘to si Yael.

