Chapter 35 ** Dolly POV ** Tawa ako ng tawa habang kumakain kami kasi si Jigs nag rereklamo na. ‘Yung iba naiinis na, Naka costume pa kasi sila at ayaw ni Mat na mag bihis sila hanggang di pa kami tapos sa date namin! Pasko pa naman tapos hindi pa sila kumakain. 12:18am na at talagang sinasadya namin ni Mat na kumain ng mabagal! "Bilisan niyo nga kumain! Nagugutom na kami! Tama na yang date niyo!" naiinis na sabi ni Jigs saka lumapit sa mahabang lamesa at kumuha ng fried chicken. "Shut up, Jigs!" Sabi ni Mat habang ini-enjoy ang date namin. Napailing nalang ako sa inakto niya. Tiningnan ko ang suot niya. Pareho parin kaming naka couple shirt pa. Perfect na perfect ang larawan naming dalawa. "Why?" Mat asked. "Kala ko tinapon mo na ‘yang couple tee natin."

