Simula
“Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Ninoy Aquino International Airport. Please make sure one last time your seatbelt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up remaining cups and glasses. Thank you.”
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago bumaling sa mga pasahero na nag-aayos ng kani-kanilang mga gamit. May mga iilang nagre-retouch at nag-aayos ng buhok dahil ilang minuto na lang ay maaari na kaming bumaba ng eroplano. Halos labing anim na oras din ang byahe pero hindi man lang ako nakaramdam ng antok.
I tried to sleep but whenever I close my eyes, wala akong ibang naaalala kundi siya. His face the first time I met him, his face whenever he smiles, his hopeful and motivated aura, his laugh and jokes, feelings that I’m trying to burry deep in my chest and all the memories we had in Barcelona. Lahat ng iyon naaalala ko. Marahan akong tumingala para pigilan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Marahan ko ring tinapik nang paulit-ulit ang aking dibdib saka huminga ng malalim.
You did the right thing, Lyanna. You made the right choice.
“Ate!”
Rinig na rinig ko ang sigaw ng kapatid kong si Aeron habang kumakaway sa akin. Nasa tabi niya si Papa na panay rin ang kaway. May hawak pa silang cartolina na may nakasulat na pangalan ko. Saglit kong binitiwan ang handle ng maleta para kumaway pabalik sa kanila.
Ilang sandali pa ay tumakbo na sila sa kinaroroonan ko. Pareho nila akong sinalubong ng yakap. Hindi ko mapigilang matawa dahil parang maiiyak na silang dalawa habang panay ang tanong kung kumusta na ako.
“Ate, marami ka bang pasalubong sa akin?” excited na tanong ng kapatid ko.
Agad naman siyang sinaway ni Papa at sinabing sa bahay na lang ako nito kulitin dahil pagod pa raw ako sa mahabang byahe. Sinimangutan agad ni Aeron si Papa dahil sa pananaway nito sa kaniya. Tumawa na lang ako bago nagsimula nang maglakad papalabas ng airport. Medyo maraming tao. Hindi nakatakas sa paningin ko ang iilang sasakyan ng mga reporters na nakaparada sa labas ng airport. Baka may artista. Nawala ang atensyon ko sa mga ito nang hawakan ni Aeron ang braso ko at inalalayan papasok ng sasakyan.
Limang taon. Limang taon din pala akong nawala rito. Pero kahit ganoon ay pamilyar pa rin sa akin ang lugar. Ang traffic sa kahabaan ng Maynila, ang mga billboard ng mga kilalang artista, ang mausok na kalsada, ang mga street vendor na panay ang alok ng kanilang paninda sa mga taong mapapadaan sa lugar.
Pinagmasdan ko rin ang aking kapatid. Aeron is taller now. Twenty years old pa lang ito pero mas matangkad na ito sa akin ng ilang pulgada at dahil na rin miyembro ito ng lawn tennis team ng University na pinapasukan kaya maganda ang pangangatawan kumpara sa iba nitong kaedad. Hindi na nakapagtatakang maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagbabago sa hitsura ni Papa. He looks older now but remained handsome. I just can’t deny the fact that all guys in our family has handsome faces. Iyon yata ang swerteng dala ng genes nila Papa.
“How’s Barcelona, anak?” tanong ni Papa habang nagmamaneho
Napangiti ako bago bumaling sa labas ng bintana ng sasakyan.
“Beautiful as always, ‘Pa.”
Noong bata pa lamang ako, palagi kong tinatanong kay Mama kung gaano kaganda ang Barcelona. Nagtrabaho noon si Mama bilang assistant professor sa isang unibersidad sa Barcelona habang nagte-take siya ng kaniyang master’s degree sa Architecture. Palagi rin niyang sinasabi noon na napakaraming magagandang lugar mayroon doon gaya na lamang ng Basilica de la Sagrada Familia, Gothic Quarter, Casa Mila, at La Rambla. Mababait din ang mga taong naninirahan doon maging ang kaniyang mga katrabaho. When Mom went home to finally work in a big company here in the Philippines, palagi niyang binabanggit sa akin kung gaano niya namimiss ang buhay sa Espanya at kung wala lang naghihintay sa kaniya na malaking oportunidad dito sa Pilipinas, baka roon na siya naghanap ng trabaho.
Her stories about Barcelona made me admire the place the same way she did. I dreamt of visiting the place with her someday. Kaya lang maagang kinuha sa amin si Mama. She died so early because of heart attack. Masakit para sa amin ang pagkawala niya. Aeron and I were both young back then at hindi pa namin gaanong naiintindihan kung bakit kailangan niya kaming iwan nang maaga.
During her dying days, Mama kept on telling me stories about her adventures in Barcelona. Sinabi niya rin na magiging masaya siya kung makakarating din ako roon balang-araw.
And so I did. I fulfilled her dying wish. Nang makapagtapos ako ng Architecture sa Mapua, isa sa mga kapatid ni Mama ang nag-offer sa akin ng scholarship sa Barcelona. I was so happy back then. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga papeles na kailangan kong dalhin, ay agad akong lumipad patungong Espanya. Sa Madrid ako dumiretso dahil doon nakatira ang kapatid ni Mama na si Tito Jacob at ang asawa nito. Nanatili ako roon ng halos isang buong buwan sapat lang para asikasuhin ko ang mga papel na kailangang ipasa sa unibersidad.
Nang tuluyan na akong makalipat sa Barcelona ay saka ako nagsimulang maghanap ng trabaho. Panggabing trabaho ang tinanggap ko para sa umaga gagawa na lang ako ng mga plates at mga activities na kailangang ipasa sa mga propesor. Hindi naman ako nahirapan. Masyado kong mahal ang Barcelona para mag-isip ng kahit anong negatibong bagay.
“Ate, ilalagay ko na ‘to sa kwarto mo ah.” sambit ni Aeron sabay hila sa maleta ko papasok sa dati kong kwarto.
Nagmadali akong sumunod dahil naramdaman ko na lang ang biglang pagbigat ng katawan ko. Inaantok ako at nang makita ko ang kama para bang may magnet na humihila sa akin papalapit doon. Aeron is still talking while arranging my things inside the cabinet. He’s also asking if I will stay here for good. Pero hindi ko na nasagot iyon dahil nakatulog na ako.
Isang malakas na tili ang nagpagising sa akin sa pagkakatulog. Marahan kong sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko saka humugot ng malalim na hininga. Hindi pa rin pala ako nakakapagpalit ng damit. Nang tumingin ako sa relo ay saka ko lamang napagtanto kung anong oras na. Alas siete na ng gabi. Ilang oras din pala akong nakatulog. Ilang saglit pa ay nakaramdam na ako ng pagkalam ng aking sikmura. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain magmula kagabi.
Dahan-dahan akong tumayo sa kama at isinuot ang tsinelas na panloob bago naglakad palabas ng kwarto. Huminto ako sa sala at sumandal sa dingding.
“Sinong tumili?” tanong ko sa apat na taong prenteng nakaupo sa sofa.
Naroon ang dalawa kong pinsan na babae na tutok na tutok sa TV, mukhang may inaabangang balita.
“Itong pinsan mong si Abby, kilig na kilig sa crush niya.” natatawang saad ni Papa saka tumayo at naglakad patungong kusina.
“Nagugutom ka na ba anak? Sandali at ipaghahain kita.”
Tumango ako kay Papa. Muli kong nilingon ang dalawa kong pinsan na hindi maalis ang tingin sa telebisyon.
“May TV naman kayo hindi ba? Bakit dito pa kayo nakikinuod? Alam niyo namang ayoko ng balita. HBO channel na lang kasi.” reklamo ni Aeron
Sumimangot ang kapatid ko habang panay ang sulyap sa kamay ni Selyse. Napangiti ako nang makitang mahigpit nitong hawak ang remote at mukhang walang planong pagbigyan si Aeron sa gusto nito.
“Malay ba naming ngayon na mismo ibabalita. Sabi kasi kanina pangwakas na showbiz balita ipapalabas yung interview niya.” paliwanag ni Abby sa kapatid ko.
“Akin na ‘yang remote, Selyse!”
“Isa pa Aeron ha, papasakan ko ng basahan ‘yang bibig mo ‘pag nag-ingay ka pa.” pananakot ni Selyse.
Habang nakasimangot ang kapatid ko ay panay naman ang tili ng dalawa kong pinsan. Nagpasya akong maglakad patungo sa sala upang tingnan kung ano ang kanilang pinapanuod.
“Ano ba ‘yan?” tanong ko sabay upo sa sofa.
“Shh ate, teka yung crush ko.” saad ni Abby sabay takip sa kaniyang bibig, halatang kilig na kilig.
“What are surprise visit, Andres. Hindi namin akalain na babalik ka rito nang walang pasabi.”
Napatingin ako sa TV screen nang marinig ang pangalang binanggit ng interviewer. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang lalaking naroon. Why is he here? Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba nasa Barcelona siya para ituloy ang kaniyang pag-aaral.
“Are you here for good? Paano ang pag-aaral mo sa Spain?”
He smiled to the interviewer and finally let out a chuckle.
“I’m not sure yet about my plans. I’m here because I followed someone.”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ako ba ang tinutukoy niya? Sandali. Tama bang isipin ko na ako ang tinutukoy niya? Baka naman nag a-assume lang ako?
“Antonio Andres followed someone? That’s new. Ang alam namin mga babae ang naghahabol sa’yo.”
Tumawa si Andres. Ganoon din ang ginawa ng interviewer na halatang aliw na aliw sa kaniya.
“Well, everything has changed since I met this woman in Barcelona. She’s something I can’t explain.”
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtibok nito. Now I’m sure he’s talking about me.
“Are you in love?”
Andres smiled playfully and smirked to the interviewer. Hinimas pa niya ang nang marahan ang kaniyang baba bago ngumiti.
“Hmm. I’ll let you guess.” he replied
Nang matapos ang interview ay narinig kong muli ang tili ng mga pinsan ko. Naghampasan pa ng unan ang dalawa dahil sa labis na kilig. Samantalang ako ay halos maubusan ng hangin sa baga dahil sa napanood ko.
“Kaya pala maraming tao kanina sa airport kasi dumating din siya kanina.”
Walang ganang sambit ni Aeron sabay nguso sa TV kung saan ay ipinapalabas ang video footage ng pagdating ni Andres sa Pilipinas.
Antonio Andres. The famous Antonio Andres Gonzales.
Hindi ako umimik. Masyadong maraming tanong ang biglang nagsulputan sa isipan ko ngayon. Gusto kong mang malaman ang mga sagot sa tanong na iyon pero hindi bale na. Hindi na lang. Sa sandaling pagkakataon, muntik ko nang makalimutan ang dahilan kung bakit ako umalis ng Barcelona. Kaya nga pala ako umalis ay dahil ayoko siyang makita. Hindi na ulit. Pagod na ako. Ayoko na.