“Lyanna, paki-serve naman ito sa table number seven.” utos ng manager ng café at iniabot sa akin ang isang tray na may lamang iced coffee. Mabilis ko itong inabot saka naglakad patungo sa tatlong lalaki na kasalukuyang gumagawa ng draft para sa kanilang gagawing plates. Nang makita nila akong papalapit ay agad silang tumahimik at saka mabilis na niligpit ang kanilang mga gamit na nagkalat sa lamesa.
Kilala ko ang tatlong lalaking estudyante dahil halos gabi-gabi silang narito. Minsan ay para mag-aral, minsan naman ay para magkuwentuhan. Madalas ko rin silang makita sa eskwelahan kung saan ako nagtatrabaho bilang assistant professor at part-time teacher.
“Buenas noches, Señorita. (Good evening, Miss.)” bati sa akin ng isa sabay abot ng iced coffee na ilalapag ko pa lang sana sa lamesa.
“Buenas noches.” ganting bati ko sa kanila.
“El café esta delicioso. (The coffee is delicious)” nahihiyang sambit naman ng isa sa akin.
“Ah, mucias gracias. (Ah, thank you.)”
Alanganin akong ngumiti saka naglakad pabalik ng counter.
Nang makabalik ako roon ay agad kong nakita ang pagtaas ng kilay ng manager na si Kuya Leo, isang Pilipino na matagal ko na ring kasamang nagtatrabaho rito sa coffee shop.
“Ano na namang sinabi sa’yo?”
Bumuntong-hininga ako bago humarap sa kaniya.
“Masarap daw ang kape.”
Natawa naman siya sa sinabi ko.
Apat na taon na kaming magkaibigan ni Kuya Leo. Nakilala ko siya noong bagong dating pa lang ako rito sa Barcelona. Miyembro siya ng isang tourguide team kung saan umiikot sila kasama ng mga turista sa mga magagandang pasyalan dito sa buong si yudad. Nagkataong naghahanap ako ng lugar na pwedeng pagtrabahuhan ng mga panahong iyon kaya nirekomenda niya ako sa isang coffee shop na pinagtatrabahuhan niya.
“Pakiramdam ko may gusto sa’yo yung isa sa mga ‘yon. Yung matangkad. Kanina pa panay ang tingin sa’yo eh.”
Napangiwi ako sa sinabi niya.
“Imposible ‘yan. Sobrang daming magaganda rito sa Espanya kaya imposibleng magustuhan ako no’n. Ang gwapo niya para magkagusto sa kagaya ko.”
Naiiling na sambit ko habang inaalis ang suot na hairnet.
“Oh bakit? Maganda ka naman ah.”
Mabilis kong hinubad ang suot kong apron saka iniabot sa kaniya.
“Mukhang kailangan mo na talagang magsalamin.”
Natatawang saad ko. Umikot ako papasok sa loob ng counter para kunin ang backpack ko nang bigla siyang humarang sa dadaanan ko.
“May trabaho ka pa?” kunot-noo niyang tanong.
“Oo. Doon sa La Rambla, sa bagong bukas na pastry shop. One hour ang duty ko roon. 8:30 to 9:30.”
Sinubukan ko siyang itulak pero mas lalo lang siyang humarang sa daan.
“May plano ka bang magpakamatay?”
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.
“Pinagsasabay mo ang tatlong trabaho at pag-aaral mo. Hindi pa ba sapat ang kinikita mo sa pagiging assistant professor mo at sa pagpa-part time sa pagtuturo?”
Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin sa kaniya.
“Kuya Leo, kaya ko naman. At isa pa, marami akong pinag-iipunan. Magkokolehiyo na si Aeron sa sunod na taon. Ayoko namang si Papa ang gumastos sa pag-aaral niya.”
“Pero may trabaho naman ang Papa mo hindi ba?”
Tumango ako. Nagtatrabaho sa isang Architecture and Engineering company si Papa at aaminin kong malaki ang kinikita niya sa pagiging inhinyero. Pero hindi sapat na basehan iyon para talikuran ko ang responsibilidad ko sa kapatid ko. Nangako ako kay Mama bago siya mamatay na pag-aaralin ko sa kolehiyo si Aeron sa university na gusto nitong pasukan. Kaya kailangan kong magtrabaho at mag-ipon hangga’t kaya ko.
“Lyanna, magpahinga ka naman kahit minsan. Magbakasyon ka. Kumain ka ng mga pagkaing gusto mo. Mag-enjoy ka rito sa Barcelona.”
Ngumiti ako nang mapait. Gustuhin ko mang gawin ang mga sinabi niya, alam kong hindi ko kaya. Hindi ko kayang humiga lang sa kama buong maghapon. Hindi ko kayang mamasyal nang hindi iniisip ang kalagayan ng pamilya ko sa Pilipinas. Darating ang panahon na kakailanganin ni Aeron ng malaking pera para sa kaniyang matrikula. Papa is growing older too. Ilang taon na lang at magreretiro na rin siya sa pagiging inhinyero. What if there’s a sudden emergency? Saan kami kukuha ng pera kung sakali?
“Hindi ko naman inaabuso ang katawan ko. Sinisuguro ko namang nakakatulog pa rin ako nang maayos.” pagpapaliwanag ko.
“Pupunta ako sa Madrid sa Sabado. Bibisitahin ko yung kapatid kong si Jominique. Sumama ka sa akin, sagot ko lahat.”
Paulit-ulit akong umiling. Hindi puwede. May trabaho ako sa Sabado.
“Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”
Makikipagtalo pa sana ako kaya lang biglang tumunog ang alarm ko. Mabilis ko siyang tinulak para makapasok ako sa counter. Agad kong kinuha ang gamit ko sa loob bago tumakbo papalabas ng shop. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos dahil sa pagkataranta. Hindi ako puwedeng ma-late sa trabaho lalo na at unang araw ko ngayon sa pastry shop.
Mabuti na lang at sa kabilang street lang iyon at pwedeng lakarin. Pero dahil malapit nang mag-alas otso y media, tumakbo na ako para mabilis akong makarating doon. ‘Laking pasasalamat ko dahil hindi gaanong matao ang main road ng La Rambla kapag ganitong oras.
Hingal na hingal ako nang makarating sa shop. Agad akong pumasok sa loob at nagtungo sa staff room para kunin ang apron at magsuot ng hairnet.
“Buenas noches” bati ko sa may-ari ng shop nang lumabas ito sa kaniyang opisina.
Tumango lamang ito sa akin bago tuluyang lumabas ng shop. Nakahinga ako ng maluwag at dahan-dahang napaupo sa monoblock chair.
That was close. Kundi ako dumating sa tamang oras panigurado mawawalan ako ng trabaho. Nang may pumasok na costumer ay tumayo na ako para tanungin kung ano ang nais nitong bil’hin.
Hindi naman matagal ang isang oras. Pero dahil sa dami ng costumer ngayong gabi, pakiramdam ko tatlong oras ang itinagal ko roon. Bago ako umalis sa shop ay dumaan muna ako sa opisina ng may-ari para makapagpaalam. The owner thanked me and gave me my daily salary.
Hindi naman ganoon kalaki ang sahod ko sa coffee shop at pastry shop, sapat lang ito para mabayaran ang gastusin ko sa apartment na tinutuluyan ko at pambili na rin ng mga pangangailangan ko. Ang sweldo ko sa pagiging assistant professor ay tinatabi ko nang buo. Iyon ang iniipon ko para kay Aeron. Hindi ko iyon pwedeng galawin dahil nakalaan iyon para sa kaniya.
Kapag alam kong maso-short ako sa budget, naghaharap ako ng ibang part-time jobs na pwedeng pasukin. Nasubukan ko nang maging baby-sitter, maging taga-bantay ng matanda, at maging taga-linis ng bahay. Ang kagandahan lang dito sa Barcelona, malaki magpasweldo ang mga tao rito. Kapag magaling kang makisama at maayos kang magtrabaho, paniguradong tatagal ka sa magiging amo mo.
Saglit akong tumigil sa paglalakad at inikot ang aking paningin sa kahabaan ng La Rambla. Marahan akong pumikit at inalala ang hitsura ni Mama.
Ma, nandito na ako sa Barcelona. Masaya ako na nakatupad ko ‘yong pangarap mo para sa akin. Pero bakit pakiramdam ko may kulang sa akin?
I started to have this feeling since last year. Parang may gusto akong mangyari sa buhay ko pero hindi ko alam kung ano ‘yon.
Kuya Leo told me that maybe I should start seeing someone. Para raw mabago naman ang takbo ng buhay ko. Para kahit papaano ay may masasandalan ako ‘pag nahihirapan na ako.
I took his statement as a joke. Well, nakakatawa naman talaga. Kailan pa naging sagot sa problema ang pagkakaroon ng boyfriend? Hindi ba nakakadagdag lang ‘yon sa problema? At isa pa, wala akong alam sa pakikipagrelasyon. Kung hindi ako nagkakamali, huling beses akong nagkaroon ng ka- M.U ay noong college pa ako. Kaya wala talaga sa isip ko ang pagkakaroon ng boyfriend ngayon.
I shook my head rapidly before I opened my eyes. Nang maalala kong hindi pa ako kumakain ay dumaan muna ako sa Viena para bumili ng ham sandwich at soda. May mga tao pa rin sa labas, karamihan ay mga turista. May mga iilan na kumukuha pa ng litrato. Habang ang iba naman ay masayang nagkukwentuhan habang naglalakad.
Malapit nang mag alas dies kaya nagmadali na ako sa paglalakad. Hindi ako masyadong nagpapagabi sa daan dahil natatakot akong mabiktima ng mga nagkalat na siga sa bawat kanto. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko pero hangga’t maaari ay umiiwas ako sa gulo lalo na at babae ako. Hindi porke marunong akong mag-taekwondo, ay masisiguro ko nang ligtas ako. Mabuti na yung nag-iingat.
Humugot ako ng malalim na hininga bago muling naglakad. Papaliko na sana ako sa eskinita nang makarinig ng ingay sa hindi kalayuan. Natigilan ako sandali at tahimik na pinakiramdaman ang paligid. I’ve grown more curious dahil palakas nang palakas ang ingay. Parang may binubugbog dahil may naririnig akong dumadaing sa sakit.
Maglalakad na sana akong muli nang bigla akong matalisod dahil naapakan ko ang sintas ng suot kong rubber shoes. Kailan lumuwag ang pagkakatali no’n at hindi ko man lang napansin? Yumuko ako sandali upang ayusin ang sintas ng aking sapatos na natanggal sa pagkakabuhol. Humugot ako ng malalim na hininga nang marinig kong muli ang daing ng lalaki. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang sarili. Hindi ako pwedeng makialam.
Nang muli kong marinig ang pagdaing nito ay saka ako mabilis na tumayo. Hindi ko kayang magbingi-bingihan. Mabilis kong tinungo ang lugar kung saan nanggagaling ang ingay. At nakita ko roon ang tatlong lalaki na walang tigil na sinisipa ang isang matangkad lalaki. They are all Spanish people and the guy that they’re beating is obviously an Asian based on his face features.
“Excuse me?” sambit ko nang makitang dumudugo na ang labi ng lalaki.
Hindi ko ugaling nangingialam sa gulo. Pero hindi ko rin ugaling magbulag-bulagan sa mga bagay na alam kong mali.
Sabay-sabay na lumingon sa akin ang tatlong lalaki. Maangas akong nginisihan ng lalaking may hikaw sa ilong. Halatang mga sanay sa gulo at kayang-kayang pumatay ng tao.
Pasimple kong in-adjust ang strap ng suot kong backpack para sikipan iyon. Ngumiti ako sa kanila at saka naglakad na palapit. Sandali akong tumingin sa lalaking nakahiga at muling bumaling sa mga lalaking nakangisi sa akin.
“This girl is really pretty.” kagat-labing saad ng isang lalaki sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Napangiwi ako nang marinig ang sinabi nito. Mukhang manyak pa yata. Gustuhin ko mang mainis pero pinigilan ko ang sarili na magpakita ng kahit anong emosyon. I have to act like I wasn’t offended. Ang gusto ko lang naman ay makaalis sa lugar na iyon kasama ang lalaki nang hindi ko na kailangan pang makipag-away.
“Ella es tu novia, Andres? (Is she your girlfriend, Andres?)” may halong pang-aasar na tanong ng lalaking may hikaw sa ilong.
The guy named Andres didn’t answer. Sinamaan lang niya ng tingin ang lalaki kaya nakatikim ulit siya ng isang sipa mula rito.
I squeezed my eyes shut when I saw what just happened. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Pero pilit ko paring pinakalma ang sarili ko. Kailangan kong kumalma para makapag-isip ng maayos.
“Stop kicking him.” saad ko sa lalaki ngunit pinagtaasan niya lang ako nang kilay. Nang akmang muling sisipain niya ang lalaki ay agad kong iniharang ang paa ko para masalag ang kaniyang sipa. Gumalaw ako upang apakan nang mariin ang kaniyang kaliwang paa saka mabilis siyang sinipa sa sikmura. Napangiwi ako nang marinig sunod-sunod nitong pagmumura. Ang dalawa nitong kasama ay mukhang nabigla dahil sa ginawa ko. Masama ang tingin ng mga ito na bumaling sa akin.
“Can you stand up?” agad kong tanong sa lalaki.
He immediately nodded. Agad naman siyang tumayo at pinagpag pa ang alikabok sa suot nitong pantalon. Mukhang hindi naman siya napuruhan. Suwerte niya at dumating ako.
“Can you run?” tanong ko ulit.
Nakita ko ang pagngiwi niya tila pinag-isipan kung kaya ba niyang tumakbo.
“Bibilang ako ng hanggang tatlo, ‘pag umabot na sa tatlo, tumakbo ka kaagad okay?”
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. Oo nga pala, nasa Barcelona nga pala ako. Ba’t ba ako nagtatagalog?
“If I say run, just run. Don’t you ever look back. Do you understand?”
Tumitig lang siya sa akin. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko.
“Mierda!” sigaw ng lalaki na sinipa ko.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nakabangon na ito.
Naglalakad na sila ngayon palapit sa amin.
Oh s**t!
Muli akong napalingon sa lalaking kasama ko. I have two solutions in mind to get away with this. First, ang labanan at makipagbugbugan sa tatlong lalaki. Second, ang tumakbo ng mabilis hanggang sa matakasan ang namin sila.
Paatras ako nang paatras habang palapit naman sila nang palapit sa amin. Mariin akong pumikit. I think I don’t have a choice but to do this. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Andres.
“Run!” sigaw ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang pagkataranta sa hitsura niya kaya mabilis din siyang tumakbo para masabayan ako. Lumingon ako sandali upang tingnan ang mga lalaking sumusunod sa amin. Malayo ang agwat namin sa kanila marahil ay dahil hindi nila inaasahan na tatakbuhan namin sila. Dinig ko pa ang pagmumura nila habang hinahabol kami.
“Keep running!” sambit ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.
May mga eskinita kaming dinaanan na walang tao. Naghahanap ako ng pwede naming pagtaguan pero wala akong makita. Mukhang wala kaming ibang pagpipilian kundi patuloy na tumakbo. Palayo nang palayo ang agwat namin sa kanila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Huminto muna kami sandali upang magpahinga.
Nang makita kong magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa ay agad akong napabitaw. Nang makita kong nakatitig siya sa akin ay bigla akong umiwas.
“Your nose is bleeding.” aniya sabay labas ng kaniyang panyo sa kaniyang bulsa at inilahad sa akin.
Mabilis kong kinuha iyon upang punasan ang ilong. Tumingala pa ako sandali at inipit ang sariling ilong para pigilan ang pagdurugo no’n. Ah! Bakit? Hindi naman mainit ah!?
Nang masiguradong hindi na dumudugo ang ilong ko umayos na ako sa pagkakatayo. Pinagpag ko pa ang suot na pants at inayos ang suot na denim jacket. Muli akong napatingin sa lalaking nakamasid lang sa akin. I cleared my throat before speaking pero naunahan niya akong magsalita.
“Gracias. (Thank you.)”
Tumango lang ako.
“De nada. (You’re welcome.)” tipid kong sagot.
Nang masiguro kong wala nang nakasunod sa amin ay agad akong tumalikod at mabilis na naglakad.
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko siyang magsalita.
“Gracias, Lyanna.”
Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang sinabi niya.
Awtomatikong kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Nakangiti siya habang itinuturo ang maliit na nameplate na naka-pin sa chest pocket ng denim jacket na suot ko.
Tsk. Bakit ko ba nakalimutang alisin ‘yon kanina?
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago tumalikod at naglakad papalayo. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang bigla siyang huminto at muling humarap sa akin.
“That handkerchief you’re holding. Pakisauli na lang sa akin kapag nalabhan mo na. That’s really important to me.”
Bumaba ang tingin ko sa hawak na panyo na halos magkulay dugo.
Sa bandang ibaba ay may nakaburdang pangalan. Inilapit ko pa iyon sa aking mukha para mabasa nang malinaw ang nakasulat.
Antonio Andres Gonzales III
Kumunot ang noo ko nang maalala ang sinabi niya. Nagtagalog siya!
“Pinoy ka?!” dismayadong tanong ko.
Tinawanan niya lang ako bago inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks. Itinaas pa niya ang kamay at kumaway ng hindi humaharap sa akin.
“See you again, señorita.”