Kabanata 2- The Tourists

2306 Words
Ilang minuto na akong nakatitig sa wall clock ng opisina habang nakasandal sa backrest ng sofa. Kanina pang ala-una natapos ang shift ko rito sa faculty. Halos mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito. Gustuhin ko mang umalis pero hindi ko magawa. Lahat kasi ng propesor ay nasa kani-kanilang mga klase kaya kailangan ko pang hintayin yung isang assistant professor na papalit sa akin dahil hindi pwedeng iiwan ang faculty ng walang tao. “Lo siento, Lyanna. Lo siento mucho. (I’m sorry, Lyanna. I’m very sorry.)” saad nito pagkapasok sa loob ng opisina. Nagmamadali nitong inilapag ang mga gamit sa sariling lamesa saka lumapit sa akin para muling humingi ng pasensya. Nginitian ko ito bago ako tumayo at naglakad patungo sa table ko para kunin ang aking gamit. Paulit-ulit itong humihingi ng pasensya sa akin dahil na-late siya ngayong araw. Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat at sinabing okay lang. Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag dahil sa sinabi ko. Agad akong nagpaalam nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Kumunot ang noo ko nang makitang si Benjamin iyon. Dati kong katrabaho sa tourist agency na dati kong pinapasukan. “Hola! Lyanna, busy ka?” bungad agad nito nang sagutin ko ang tawag. “Hindi naman. Katatapos lang ng shift ko sa faculty. Bakit?” “Kailangan ka kasi namin ngayon. Kulang kami ng isang tour guide. Puwede ka ba?” Saglit akong natahimik. Pumikit ako at pinag-isipang mabuti kung tatanggapin ko ba ang alok ni Ben o hindi. Marami pa kasi akong plates na kailangang tapusin ngayong araw. Kung tatanggapin ko ang alok niya, maisasantabi ko na naman ang mga gawain ko. Kung hindi ko naman tatanggapin, sayang din yung perang kikitain ko ngayong araw. “Lyanna, sige na. Malaki ang bigayan ngayon dahil artista yung ito-tour natin.” Ganoon naman palagi. Maituturing na suwerte kapag may mga artistang pumupunta rito sa Espanya at grupo namin ang napili nilang guide sa pag-iikot sa buong siyudad. Huminga ako ng malalim bago sumagot. “Sige. Saan ba tayo magkikita?” “Sa Sagrada Familia. Doon kami unang pupunta. 2:30 pm sharp. H’wag kang male-late” sagot naman ni Ben. Agad kong pinatay ang tawag at naglakad na palabas ng unibersidad. May mga nakakasalubong akong estudyante na bumabati sa akin. Ngiti lamang ang iginanti ko sa mga ito. Saglit akong bumaling sa suot na relo at napagtantong alas dos na. Agad akong pumara ng taxi at sumakay roon. Hindi naman malayo ang Sagrada. Kung sa tutuusin ay pwedeng lakarin iyon mula rito sa unibersidad kaya lang sobrang init at wala pa akong dalang payong. “A donde vas, señorita? (Where to go, Miss?)” tanong ng driver. “Sagrada familia.” tipid kong sagot. Mabilis kong inayos ang mga gamit sa loob ng bag ko at nagtext kay Kuya Leo na baka ma-late ako sa pagpasok sa shop mamaya. Hindi ko kasi alam kung anong oras matatapos ang tour. Nakadepende lahat ng iyon sa mga turista. Ilang sandali lang ay huminto na ang taxi. Agad akong nagbayad bago tumakbo patungo sa bench na bakante. Uupo pa lang sana ako nang makita ang tourist van na kapaparada lamang sa parking area. Mabilis akong tumakbo patungo roon. Pagbaba ni Ben ay agad niyang iniabot sa akin ang dati kong tourist guide ID. Sinuot ko ‘yon bago muling humarap sa kaniya. “Nasaan na yung mga turista? Ilan sila?” “Tatlo. Puro lalaki. Yung isa sa kanila artista sa Pilipinas. Sikat.” Ngumisi ako. Talaga lang ha? Minsan lang kami magkaroon ng kliyente na lalaki tapos artista pa. “Sino? Kilala ko ba?” excited na tanong ko kay Ben. Pinagtaasan ako nito ng kilay. “At kailan ka pa nagkainteres sa mga artista? Malay ko. Hindi ko alam kung kilala mo. Eh bida nga sa Mara Clara hindi mo kilala eh.” Sinamaan ko siya ng tingin. Umikot na lamang ako sa kabilang parte ng van para pumasok sa loob. Sobrang init kasi sa labas. Pakiramdam ko masusunog ang balat ko kahit naka-jacket ako. Dali-dali kong binuksan ang pinto at umupo sa bakanteng upuan. “Lyanna?” gulat na tanong ng taong katabi ko. Napakurap-kurap ako nang makilala kung sino iyon. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin sa baga. “Lyanna, right?” tanong nito sa akin. Alanganing napatango ako bago umiwas ng tingin sa kaniya at lumayo ng bahagya sa kaniya. Akalain mo nga namang makalipas ang dalawang linggo, nagkita pa ulit kami. Pagkatapos ng insidenteng iyon hindi ko na inisip na magkikita o magtatagpo pang muli ang landas namin. Sa lawak ng Barcelona, matatawag mo nang tadhana kung makikita mong muli ang estranghero na minsan mong tinulungan. “Do you know each other?” tanong ng isang lalaki saka dumungaw mula sa likuran. Tumingin ito sa lalaking katabi k, mukhang naghihintay ng sagot sa tanong niya. “Yeah. I know her. Siya yung sinasabi ko sa inyo na nagligtas sa akin.” Narinig ko ang pagpalakpak nito. “I thought you were making up stories two weeks ago, bro.” natatawa nitong saad bago tumayo at umupo sa tabi ko. Ngayon ay napapagitnaan na nila akong dalawa. The guy offered his hand to me. I managed to give him a polite smile bago ko tinanggap ang kaniyang kamay. “Dylan.” pagpapakilala nito. “Lyanna.” sagot ko naman. Mukhang wala pa ata itong planong bitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano iyon babawiin nang hindi ko siya ma o-offend. Nagulat ako nang biglang hilahin ni Andres ang braso ko dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Dylan. Dylan smirked at him. Umiling-iling pa ito bago tumayo at muling lumipat sa likurang upuan. “Territorial.” dinig kong bulong pa nito bago tuluyang umupo. “Ah, sino sa inyo yung artista?” tanong ko para maiba ang usapan. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Andres. Maya-maya ay nakarinig ako ng halakhak sa likuran. Naghahampasan pa yung dalawang lalaki tila tuwang tuwa dahil sa tanong ko. “Sino sa inyong tatlo?” pag-uulit ko. Apat na taon na akong wala sa Pilipinas at hindi rin ako mahilig manuod ng mga palabas sa TFC kaya hindi ako aware kung sino sa kanila. “Is she even real? May pinoy pa palang hindi nakakakilala sa’yo?” natatawang turan ng isa kay Andres. Nang tumingin ito sa akin ay inilahad nito ang kaniyang kaliwang kamay. “Luke.” Tinanggap ko ito at nakipagkamay sa lalaki bago muling bumaling sa katabi ko na ngayon ay mukhang naiirita na dahil sa pang-aasar ng kaniyang mga kaibigan. Nang lumingon siya sa gawi ko ay nagtama ang aming paningin. “What?” tanong niya. Mukha yatang na-badtrip siya kaya biglang nagbago ang kaniyang aura. Mabilis akong umiling saka dali-daling isinuot muli ang aking bag at lumabas ng van. His aura is really intimidating. Bigla akong natakot dahil baka sigawan niya lang ako. Pero seryoso ba? Artista siya? Napailing ako nang ilang beses bago naglakad papunta kina Ben at sa kadarating lang na si Leandro. “Kumusta ang libreng meet and greet mo kay Andres Gonzales?” nakangising tanong sa akin ni Leandro. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. “Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo yung artista, so I had to ask them.” Agad na nasapo ni Ben ang kaniyang noo. Si Leandro naman ay natawa. “Seryoso ka ba? Hindi mo kilala si Andres Gonzales? Napakasikat niyan sa Pinas.” palatak ni Ben saka naglakad pabalik sa van. Sinundan ko ng tingin si Ben na kasalukuyang kinukuha ang gamit sa likod ng sasakyan. “Totoo bang sikat yun sa Pinas?” naiintrigang tanong ko kay Leandro. Tumango naman ito. “Oo. Muntik pa ngang maging partner ‘yon ni Kathryn Bernardo sa isang movie kundi lang siya pumunta ng Espanya para mag-aral.” My mouth formed an “o” Talaga ba? Kung sabagay, guwapo naman talaga ito. Matangkad at mukhang magaling din umarte. “Anong kurso?” Muling ngumisi si Leandro. “Architecture. Gaya ng kursong tinapos mo.” Ilang sandali pa ay bumaba na silang tatlo sa van. Nasa hulihan si Ben at may dala itong DSLR camera. Inayos ko ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago sila sinalubong ng isang matamis na ngiti. “Buenas tardes. My name is Lyanna Perez at ako ang magiging tour guide niyo rito sa Barcelona ngayong hapon. Tara.” Nauna akong naglakad patungong bungad ng Sagrada. “Ito ang Basilica de la Sagrada Familia. The construction of this masterpiece began nearly 150 years ago but it was never completed because most of Gaudi’s original design documents were lost in the fire during the Spanish Civil War. However, according to The Verge, this iconic church will be finished by architect Jordi Fauli and his team in 2026. Kapag natapos ang Sagrada, ito ang magiging pinakamataas na simbahan sa buong mundo.” Muli ko itong nilingon. Among all tourist destinations here in Barcelona, this one’s my favorite. My mom told me that Sagrada Familia was built as an atonement for the city’s sins. Mas mataas, mas malapit sa langit. Mas mabilis makakarating ang sorry natin sa Diyos. “Ang sabi sa akin ng Mom ko kaya raw hindi ito natapos ay dahil na-heartbroken si Gaudi.” tatawa-tawang sambit ni Luke. “Ah, parang si Andres?” pabiro namang sambit ni Dylan. Bumaling ako kay Andres na kunot-noong nakatanaw sa pinakamataas na bahagi ng Sagrada. Mukhang hindi niya naman narinig ang sinabi ng kaibigan niya. Nakatanaw lang siya roon at halatang-halata ang pagkamangha sa kaniyang hitsura. Sa guwapo niyang iyon, broken-hearted pa siya? Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan siyang maigi. Siguro kung magkakaroon ako ng boyfriend na kasing guwapo niya, hindi na ako titingin pa sa iba. Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Leandro sa balikat ko. “Crush mo?” Napangiti ako at marahang umiling. Hindi. Hindi puwede. Masyadong malayo ang agwat ng mundo namin. Artista siya, samantalang ako normal na tao lang. Saka wala naman akong mapapala sa kaniya kapag naging crush ko siya. Kaya hindi. Never in a million years. Nang matapos kaming mag-ikot sa loob at labas ng Sagrada ay sumunod naman naming pinuntahan ang Barri Gothic. For 2000 years, Barri Gothic has been the spiritual and secular center of Barcelona. Relics old ancient Roman buildings are still found here. Sa sentro naman ng Barri matatagpuan ang Cathedral of the Holy Cross and Saint Eulalia. Sumunod naman naming pinuntahan ang Casa Mila o mas kilala bilang La Pedrera. Nagpapicture lang ang tatlo roon bago saglit na nag-ikot. Nang gumabi na ay dumiretso na kami sa The Magic Fountain sa Montjuic. Mabuti na lang at Huwebes ngayon dahil may fountain show sa ganitong araw. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang tatlong lalaking aliw na aliw sa pinapanuod na fountain show. Nang tumunog ang cellphone ko ay saglit akong nagpaalam kay Leandro. “Hello Kuya Leo.” bati ko agad sa kabilang linya. “Lyanna, papasok ka ba? Hinahanap ka na ng mga costumer dito.” Napakagat-labi ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Mukhang nag-eenjoy pa kasi ang tatlo rito sa Montjuic. Nakakahiya naman kung iiwan ko sila. “Absent din si Marco. Wala akong ibang pwedeng mautusan dito. Please, Lyanna pumasok ka na.” Saglit akong napaisip. Kung aabsent ako sa shop, wala akong sasahurin ngayong araw. Sayang din yun. “Sige kuya. Papasok ako.” Mabilis akong lumapit kay Leandro at Ben at sinabing kailangan ko nang pumasok sa shop. Tumango naman silang dalawa. Ito na rin naman ang huling destinasyon na pupuntahan ng mga turista kaya pwede na akong mauna. “Gracias.” sabi ko sa dalawa. Mabilis akong nagtungo sa van para kunin ang bag ko. Pagkasara ko ng pinto ay muntik akong mapatalon sa gulat nang makita ang isang lalaki na nakasandal sa pintuan ng front passenger seat ng van. Napahawak pa ako sa dibdib ko para kalmahin ang sarili. Humarap sa akin si Andres bago ngumiti. Ang kamay nito ay nasa bulsa ng suot nitong slacks. “It’s nice to see you again, Lyanna.” Tumango naman ako bilang sagot. “Aalis na ako.” pagpapaalam ko ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ako. Naguguluhang tumingin ako sa kaniya sandali at ibinaba ang aking tingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. “Bakit?” Marahan niyang binitiwan ang braso ko. He even cleared his throat bago siya nagsalita. “My handkerchief.” Yun lang naman pala. Akala ko may sasabihin siyang napakaimportante. Umiling ako. “Hindi ko dala. Hindi ko naman kasi alam na makikita pa ulit kita.” Nakatingin lang siya sa akin, marahil ay pinagmamasdan ang reaksiyon ko. Bigla naman akong na-conscious sa hitsura ko. “Do you have a pen?” tanong niya. Mabilis naman akong tumango at kinuha sa bag ko ang ballpen. Nang makuha niya ang ballpen ay mabilis niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at may isinulat doon. Kunot-noong pinagmasdan ko ang aking palad. Number? Para saan naman? “Babalik ako rito sa Barcelona sa Sabado. Pwede mo akong tawagan sa numerong ‘yan para maibalik mo sa akin ang panyo ko.” aniya saka mabilis na naglakad pabalik sa mga kasama niya. Napalunok na lamang ako nang ma-realize kung anong nangyari. Ilang beses ko pang tiningnan ang numerong nakasulat sa palad ko. What did he just say? Babalik siya ng Barcelona sa Sabado? Hindi ko mapigilang mapangiti. Sandali akong tumigil sa paglalakad para lingunin siya sa huling pagkakataon. Ngunit saktong paglingon ko ay nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Bigla akong kinabahan. Mabilis akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad papalayo. Okay? That was really weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD