“So bakit ka pumikit?” nakangising tanong niya, halatang nang-aasar. “N-napuwing ako. Oo. Ang hapdi nga eh.” pagpapalusot ko. Kinusot ko pa ang mata ko para magmukhang makatotohanan ‘yong sinabi ko. Mas lalo siyang humalakhak dahil sa ginawa ko. “Alam mo kung mag- au audition ka para mag-artista, panigurado tanggal ka kaagad sa initial screening. Hindi ka marunong um-acting.” saad habang nakatitig sa akin. Edi siya na ang magaling umarte. Hiyang-hiya naman ako sa kaniya! Pinagtaasan ko lang siya ng kilay bago tumalikod at naglakad muli. “Akala mo siguro hahalikan kita ‘no?” tatawa-tawa niyang tanong habang sumusunod sa akin. “Bakit Lyanna, crush mo ba ako?” Napahinto ako at muling humarap sa kaniya. “Ako? Magkaka-crush sa’yo?” tanong ko habang itinuturo ang sarili ko. “Asa ka!” s

