Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Sa sobrang antok ko kagabi ay nakalimutan kong mag-set ng alarm sa cellphone ko. Nagmadali ako sa pagligo pati sa pagbihis. Hindi na rin ako kumain dahil fifteen minutes na lang male-late na ako sa pagpasok sa university. Hindi ko na naayos ang pagsusuot ng medyas sa sobrang pagmamadali. Bitbit ang sapatos ay lumabas na ako sa unit. Mabilis akong yumuko para suotin iyon. “Buenas dias.” Napatigil ako sa ginagawa ko nang makita si Andres na prenteng nakasandal sa pinto ng kaniyang unit. May hawak siyang mug at sumimsim doon ng kape. Napatulala pa ako saglit nang makita ang suot niyang damit. White shirt na fit sa kaniya, gym shorts at sneakers. Kung ganito naman kaguwapo ang bubungad sa’yo tuwing umaga, magrereklamo ka pa ba? “May dumi ba ako sa

