Bullet's point of view
Kinaumagahan ay binisita ko si Lolo sa kanyang kwarto. Pinakain siya ni Manang, halata sa kanyang mukha na nanghihina ito dahil halos hindi niya malunok ang soup na kinakain niya.
"Lo, dalhin ko na kayo sa hospital." Pero agad siyang umiling.
"I am, okay pagod lang ako." Mahinang sagot niya.
Kalahati lang ang naubos niya at inalalayan ko siyang humiga ulit. Pagpikit ng kanyang mga mata ay napahalik ako sa kanyang kamay. "I love you, lo." Sambit ko, siya nalang ang nag-iisang natira sa buhay ko. I am not ready yet na iwan niya ako.
Nang tulog na siya ay lumabas na ako, papunta na ako sa kusina ng tumunog ang aking telepono. Ang Atty. ko ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
Me: Atty.
Atty: It's done, Mr. Valdemor.
Me: Done ang alin?
Atty: Kasal ka na.
Me: What? pinirmahan niya?
Atty: Actually, the youngest one who signed the marriage certificate.
Me: Ano! The Lesbian Kid?
Atty: She is 18, not a minor anymore.
Nagulat ako sa aking narinig pero naisip ko na Lesbian naman at may kasintahan. Pwede kaming mag-usap na kahit hindi na ako mag balatkayo pa.
Me: Send her here immediately
Pinutol ko na ang tawag at deretso na ako sa kusina.
"Sir, breakfast na ba kayo?" Tanong ng bagong katulong.
"Ano sa tingin mo kakain ng hapunan?" Inis na sagot ko at namutla siya. Wala pa man din ako sa mood dahil ang akala ko ay walang pipirma sa mga Fernandez sa Marriage Certificate na pinadala ko at ang malaking pagkakamali ko ay napirmahan ko na. May instant tomboy tuloy akong asawa.
Nawalan na tuloy akong gana na kumain ng agahan kaya umalis na lang ako at pumunta sa isang companya ni lolo.
Pagdating ko ay mukahang nagulat sila sa biglaang kong pagdating, may nadatnan pa akong natutulog.
Mas lalo tuloy hindi maganda ang araw ko kaya nagpa call ako ng biglaang meeting sa secretary ni Lolo.
"Sir, lahat po ba ng mga employees?"
"Hindi ba sinabi ko lahat? ano sa tingin mo?" Inis na pabalang na tanong ko.
"Sorry po Sir."
"I want it now." Sabi ko at pumunta na ako sa conference room. Malaki ang room kaya sigurado ako na magkakasya lahat.
Wala pang tao ng dumating ako, kaya uminom na muna ako ng kape habang binabasa ang mga transactions report. Napanatili nilang kumikita ang kumpanya kahit na matagal na hindi pumapasok si Lolo.
Wala din akong nakita na anomalya sa mga shipment. Kaya lang ayokong may natutulog sa oras ng trabaho.
Ilang saglit lang ay isa-isa na silang pumasok at marami sa kanila ang hindi makatingin sa akin. Lalo na yung mga naabutan kong nagtatawanan habang nagkakape sa oras ng trabaho.
Maluwag si Lolo sa kanyang mga tauhan na kabaliktaran sa akin.
Kinuha ko ang mikropono at agad na nag salita.
"Pinatawag ko kayong lahat dahil hindi ko gusto ang naabutan ko. Why don't you just quit your job kung matutulog o mag chichismisan lang kayo? One by one pumunta dito sa harapan ang mga tulog kanina at mga walang ginagawa sa oras ng working hours. I don't want to humiliate them pero dapat mabigyan sila ng leksyon.
Kinse katao pumunta sa harapan isa-isa ko silang pinagpaliwanag kung bakit wala silang ginagawa.
Tauhan 1: Sir, bagong panganak po ang misis ko at walang gatas na lumalabas sa kanya kaya napuyat po ako kagabi Cesarean po kasi siya Sir kaya hindi masyadong makagalaw.
"Walang bamg paternity leave ang companya ni Lolo?" Tanong ko sa secretary ko at umiling siya.
"Mula ngayon at magkakaroon kayo ng paternity benefits for 3 months. Kompleto ninyong matatanggap ang inyong sahod ng tatlong buwan na hindi kayo pumasok. Pero, after 3 months, make it sure na hindi na kayo matutulog sa inyong working hours dahil kapag nahuli kayo ay tanggal kayo agad sa kumpaya."
Tauhan 1: Naku salamat Sir.
Nakangiti nang sambit niya ay napahinga lang ako ng malalim.
Tauhan 2: Sir, nakiki balita lang po ako sa kabit ng asawa ng kaibigan ko.
Sabay turo niya sa kanyang kaibigan na mugto ang mga mata.
Tauhan 3: Sorry po Sir kasalan ko po, siya lang po kasi ang mapagsasabihan ko ng sama ng loob.
"What is your plan?"
"Gusto ko po silang idemanda sir pero hindi ko kayang magbayad ng abogado.
"Use our company lawyer for free." seryosong sagot ko at nagulat sila.
Nagpasalamat sila at sabay na silang umupo.
Sumunod na tumayo ang walo nag tatawanan kanina.
Tauhan: Sir may umutot lang po kanina at walang umamin kaya po kami nagtawanan.
Tinignan ko siya ng masama kaya siya napa Yuko.
Pinaupo ko na lang sila at basta nalang akong umalis.
Sumunod sa akin ang secretary ni Lolo. May mga pinirmahan lang ako at pinaayos sa kanya. Pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay.
Agad kong pinuntahan si Lolo sa kanyang kwarto pero wala ito kaya kinabahan na ako baka tinakbo na siya sa hospital pero bakit walang tumawag sa akin.
Bumaba ako agad at nakasalubong ko ang isang kasambahay na hindi ko alam ang pangalan.
"Nasaan si Lolo?"
"Sir, lumabas po sila ni Manang."
"Kailan pa?"
"Mga isang oras na po mahigit mula ng umalis sila."
Agad kong tinawagan ang mayordoma pero pinatay ko rin ng makita ko silang papasok na sa mansyon.
"Manang saan kayo galing?" Tanong ko na napatingin kay Lolo na mahimbing ang tulog sa wheelchair."
"Senyorito nagpasama po si Lolo sa mall."
"What, hindi ba mahina siya kanina? anong ginawa ninyo doon?"
"Apo, gusto ko lang makakita ng maraming tao." Sagot niya na biglang nagsalita.
"Sana sinabi ninyo sa akin at sinamahan ko kayo."
"Wala ka naman paano mo ako sasamahan?"
"Pinuntahan ko lang ang kompanya ninyo Lo dahil matagal na akong hindi nakakapunta doon." Sagot ko na ipinasok na ang wheelchair ni Lolo sa elevator.
"Kumusta naman sila?"
Napailing ako dahil mas unang kinamusta ni Lolo ang mga tauhan niya kaysa sa kalagayan ng kayang kompanya.
"Okay naman lo." Sagot ko nalang na ipinasok na siya sa kanyang kwarto.
"Sir saan ko ito ilalagay?" Tanong ni Manang sa isang plastic na may laman.
"Diyan lang sa drawer ko."
"Ano yun lo?"
"Mga vitamins ko, pampalakas daw ng tuhod." Sagot niya na humiga na sa kanyang kama. Hindi ko na tinignan pa ang plastic dahil galing naman ito sa isang pharmacy.