Hindi na mabilang ni Ashley kung ilang hakbang na ang kanyang ginawa. Hindi na din niya alam kung nasaan na siyang lupalop ng Pilipinas. Ramdam na ramdam niya ang labis na gutom at pagkapagod dahil sa napakatagal niyang paglalakad. Hanggang sa huminto sa paglalakad si Ashley. Nilibot niya ng kanyang tingin ang paligid. Bahagyang kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka. Hindi siya sa pamilyar sa lugar kung nasaan siya pero sa tingin niya ay isa itong barangay dahil sa mga nakahilerang bahay at mga tindahan na nasa gilid ng kalye. Napatingin si Ashley sa karinderya. Natakam siya sa amoy at biglang kumalam ang kanyang sikmura dahil sa mga pagkaing nakikita at nakaramdam nang inggit sa mga taong kumakain. Labis na ang pagkagutom na nararamdaman niya. “Hoy! Umalis ka nga rito! Ang baho-ba

