chapter 64

1812 Words
Third person pov Sabay nilang pinagsaluhan ang masarap na haponan. Maging si Sanjela ay na amazed sa lasa ng Patok sa Manok. Sabi pa nga niya first time niyang maka-encounter ng lutong napakasarap at juicy chicken. “Tingnan mo pre ang takaw, hindi niya nakikita ang bar-b-que pre ang manok parang palipad-lipad lang sa kanyang harapan at nagbibigay saya.”si Ryan “Ayaw mo bang tumaba si Bhella? Natatakot ka ba na baka malugi ka kapag ganyan na siya katakaw.”sagot ni Axel. “Shhhhh hindi naman sa ganun pre nakakapanibago lang kasi. Btw, ngayong nakapag-propose na ako sa kanya I think maganda siguro kong pagplanohan na namin ang kasal. Gusto kong dalhin siya sa EPI.”sabi ni Ryan. “Uy kayong dalawa anong binubulong-bulong ninyo dyan? Galawang paretes tayo ah, kalalaki ninyo tao kung maka-paretes daig nyo pa tambay sa kanto.”si Sanjela. Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Sanjela. Pagkatàpos nilang kumain nagkwentohan saglit saka nagdesisyon na umuwi. Sina Sanjela ay sa mansion ng mga Miller hinatid. Ang mga matanda ay umuwi naman sa Hacienda Ramos. Nagpaiwan ang mag-ama sa hospital dahil sabay nilang daw nilang babantayan si Arabelle. Gusto sanang manatili ni Ryan, at plano lang niyang ihatid ang kanyang Lolo at Lola sa mansion tapos babalik siya kaagad. Kaya lang hindi pumawag ang dragonzilla. Sinamaan pa si Ryan nito ng tingin kaya hindi ito nakakapalag. oooOooo Alas sais y medya ng umaga na, Arabelle gain her conscious. Una niyang nakita ang kanyang mag-ama na mahimbing na natutulog. Si Bhella ay parang maliit na paslit na payapang nakasandal sa dibdib ng kanyang ama. Isang magandang tanawin na pinapalagpas ni Arabelle ng maraming taon. Kung naging sila ang nagkatuloyan noon ni Benedict. Malamang hindi lang si Bhella ang kanilang anak. “Isang patunay na lumipas man ang panahon, Kahit saan tayo dalhin ng buhay may pangalang tahimik nating dinadala sa mga sulok ng ating kaluluwa. Ang mga taong naging mahalaga sa ating buhay. Hindi lang sila bahagi ng ating kwento, Sila ang naging bahagi na ginawang makabuluhan minsan ang ating buhay. Sila ay nagpakita sa atin kung ano ang ibig sabihin at pakiramdam na pinapahalagahan tayo. Ang nagpapakita sa atin ng labis na pagmamahal. Minsan sila'y naging dahilan ng bawat ngiti na suot natin kapag naaalala natin sila. Bawat katahimikan sa pagitan ng romantikong mga kanta, Bawat ingay ng mga kuliglig sa hatinggabi. Bawat mahinang bulong ng hangin. Ang lahat ay nagpaalala atin sa mga gabing pinagpupuyatan natin sila. Hindi lang sila dumaan sa buhay natin. Nanatili sila. Sa mga alaala na ating iniingatan, Sa mga aral na ating natutunan. Kahit milya-milya ang agwat natin, Kahit hindi na magtagpo ang ating mga landas. Dito ka nakatira, Sa ritmo ng pintig ng puso aking puso. Sa init sa likod ng aking tahimik na pag-iisip, Sa walang hanggan bumulong ako noong una kong sinabi ang pangalan mo. Hindi ka lang isang alaala, Ikaw ay isang piraso ng aking buhay. Walang pagbabago. Hindi natitinag. Hindi malilimutan.”mga katagang binigkas ng isip ni Arabelle habang naluluhang nakatitig kay Benedict. “Napakasama kong ina sa anak ko, napakasama kong kasintahan kay Benedict. Sa maraming taon na nabuhay akong mag-isa habang tinatamasa ang karma. Saka kong lang naiintindihan ang aking mga kamalian. Hindi ko inaasahan na muli ko pang matatagpuan at makasama ang dalawang tao na inabandona ko.”umiiyak na saad ni Arabelle. Dahil sa hikbi ni Arabelle nagising si Benedict. Dahan-dahan niyang ihiniga sa coach ang anak. Nilagyan ng kumot saka pinutahan si Arabelle. “Belle anong nangyari sayo? May masakit ba tatawagin ko na ba ang doctor,”tarantang saad ni Benedict. Umiling naman si Arabelle and she mouthed sorry. Pinunasan ni Benedict ang mga luha nito at sinabing huwag umiyak. “I'm sorry! Patawarin ninyo ako sa pag-abandona ko sa inyo. N-nagpapasalamat a-ako sa d-diyos for giving me a second chance.”saad ni Arabelle. “Belle, ang lahat ay may mga dahilan. Ang mga pagsubok ay ibinigay ng diyos para tayo'y mamulat sa katutuhanan. Para matuto sa ating mga kamalian sa buhay. Sa araw araw ng ating buhay, Kaydaming pagsubok na sumasalakay. May araw na masaya at makulay, Meron din namang sadyang kay tamlay. Paano nga ba natin ito haharapin? Anung paraan ang dapat isipin? Kailan ba ang ginhaway kakamtin? Sino bang andiyan para tayo'y sagipin? Kanino ba dapat lumapit kapag tayo'y gipit? Saan ba tayo muling magsisimula? Minsan mayroong nariyan ngunit madalas wala. Minsan madalas na nauna pa tayong husgahan, Kaysa saklolohan at damayan. Minsan nauna pa tayong maging content at viral, Kaysa tulongan na iligtas sa kapahamakan. Maraming bagay dapat isa alang-alang, Kung alin ang sapat, alin ang kulang. Ang tama at mali dapat itimbang, Para sa huli'y walang maiwang patlang. Anumang tadhana ang sa atin nakalaan, Sari-saring tungkulin man ang ating gagampanan. Lahat ng hirap na ating mararanasan, Gawing inspirasyon at iyong kalakasan. Hindi lahat ng tao ay ating kaibigan, Minsan ang iba'y di mapapagkatiwalaan. Maaamong tupa sa ating harapan, Sa ating pagtalikod tayo'y sisiraan. Kaya laging maniwala sayong kakayahan, Sapagkat madalas sarili lang ang ating sandalan. Dito sa mundong puno ng kasalanan, Tibay ng loob gawin mong sandigan. Laging tibayan ang pananampalataya, Sa buhay na di tiyak kung kaob o kaya. Bumuo bawat araw ng mga memoryang sariwa, Pagmamahal ang laging sayo'y magpapalaya. Maligang pagbabalik mahal at ako'y naging masaya, Kapag muling kang mawala ay hindi ko na makakaya.”si Benedict. “Ahhhhhh ang aga-aga pinakilig nyo ako, sana all. Juskopo ang sarap palang manuod ng romantic drama. Ayehhhh ayehhhh binata na ang daddy ko.”pambubuska ni Bhella. “Kumusta ma? Hindi pa ba nagagamot ng mahiwagang makatahang banat ni daddy ko ang sugat mo? Tumayo kana dyan at tumakbo o di kaya'y naglupasay kana sa kilig.”patuloy na pang-aasar ni Bhella sa mga magulang. “Ssssshhhh huwag kang ganyan anak, nahihiya ang mama mo.”si Benedict. Dumating naman ang doctor at nurse para bigyan ng gamot si Arabelle at linisan ang sugat. Si Bhella ang nagpresenta na palitan ang bandage ng kanyang ina. “Doctor Valdez ang swerti mo naman sa anak mo. Matalino na napakabait pa, ang akala ko pa naman mananatili kang matandang binata.”saad ni Doctor Basco. oooOooo Nang malaman ni Elsie na iba pala ang natamaan ng bala at hindi si Bhella. Nagngingitngit ito sa matinding galit sa kapalpakan ng taong kanyang inutusan. “Napakatanga mo, g*go ka! Simpling trabaho lang ang ipinapagawa ko sayo hindi mo pa magawa ng maayos.”sigaw ni Elsie sa taong kaharap. “Hindi ko naman inaasahan na may biglang sumulpot para iligtas siya,”sabi ng lalaki. “Ang sabihin mo tanga ka, ang sabihin mo wala kang kwentang kriminal. Tao ang ipinapatay ko sayo, hindi pusa na may pitong buhay. Nagsasayang lang ako ng pera sayo g*go ka. Hindi mo naman nagagawa ang trabaho mo. Nakilala ka ba nang nakakita sayo? Plate number ng motor mo nakita ba nila?”tanong pa ni Elsie. “Ah hindi ma'am dahil tinakpan ko naman ang plate number ko. Hindi rin ako naghubad ng helmet kaya tiyak na hindi ako nakilala ng sino man.”sagot nito. “Good! Ipagpatuloy mo ang pagsunod sa kanya hangga't hindi mo siya napapatay. Kailangan na mapatay mo muna siya bago mo makuha ang bayad. Hindi mo ako pweding suwayin dahil buhay ng mag-ina mo ang nakasalalay. Baka mapaanak ng wala sa oras kapag niloko mo ako.”pagbabanta ni Elsie. “Sige ma'am gagawin ko ng maayos ang aking trabaho basta huwag mo lang idamay ang mag-ina ko.”,pagmamakaawa ng lalaki. Kaya ang lalaki ay sa hospital naman nakamasid kung saan naroon si Bhella. Walang kamalay-malay ang lalaki na may itinalaga na sina Axel at Ryan na magbabantay sa hospital. Lalo na't napaka pasaway ni Bhella at hindi marunong makinig na bawal lumabas o gumala sa kung saan. Sina Axel at Ryan ay maagang pumunta sa kompanya para makita ang cctv footage. Dapat kahapon pa ito inereport ni Ryan sa mga pulis. Dahil sa kakulitan ng kanyang fiancé naantala ang pag-report ng krimen. Mabuti nalang at anti-terrorist officer si Axel ang mga ahente nito sa Davao ang kumilos. Isang pagkakamali lang ng taong nais pumatay kay Bhella mahuhuli na nila ito. Nagpanggap ng janitor at ward boy ang mga tauhan. May mga nurse din na nag-iikot lang malapit sa silid na kinaruroonan ni Arabelle. Nakita nga nila na nakasunod lang ang armado sa pagpasok ng sasakyan ni Bhella sa kompanya ni Ryan. Naghihintay ito at palinga-linga sa kanyang paligid. Kalaunan ay kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Sakto naman na napadaan si Arabelle malapit sa lalaki. Mukhang nagduda ito sa kausap kaya napahinto at tiningnan ang lalaki. Nakita nilang balisa ang kanilang tita Arabelle na nakakoble sa isang sasakyan. “Pre, tingnan mo oh tumawag ulit ang lalaki. Si tita Arabelle tumayo, paano kaya siya makakatakbo sa kalagayan ng kanyang binti.”si Axel. “Wait tingnan nalang natin,”sagot ni Ryan. Nakita nilang tumakbo nga si Arabelle. Pero hindi nakaabot sa sasakyan ni Bhella, may isang sasakyan pa ang pagitan nito. Tinapos na ng lalaki ang tawag, ihinanda ang baril nito. “Look si Bhella galing pala sa loob ng building mo. Sh*t! Natanggal pala ang prosthetic leg ni tita Arabelle. Damn it! Tingnan mo kung gaano ka swerti ni Bhella. Kahit slow motion pa natin, it's a lucky encounter. Ang hayop walang plate number ang motor na ginamit. Isa nalang ang option natin ang bantayan si Bhella dahil siya ang target.”saad ni Axel. Froilan calling... “Hello pre, do you need a back up? Pupuntahan na ba namin kayo dyan?”sabi ni Froilan. “I think no need pre, Isang tao lang ang gunman na nakita namin sa cctv footage.”si Axel. “Hindi ba kaya ni oppa yan?”tanong pa ni Froilan. “F*ck you! Mahina ang takbo ng utak nito pre. Sabi ng asawa ko sumibol na ang pinunla mo wala ka paring alam. Taga ani lang ito, pero kung paano alagaan ang punla hindi nito alam.”pang-aasar ni Axel. “Uy, Uy, Uy kuya Axel huwag kang magmalinis. Minana ka lang ni kuya Ryan. Ikaw din nakadalawang punla pero di inaalagaan ang punlang sumibol.”sigaw ni Yette. “Hahaha wala kang kawala sa amazona ko pre, hindi ka makakaligtas dito kaya mas mabuti kung tumahimik ka nalang.”pang-aasar ni Froilan sa kaibigan. “Anong pinag-uusapan nyo?”si Ryan. “Kuya Ryan hihintayin namin na iutos ni ate Bhella sayo saluhin mo ang durian. Oh di kaya'y paakyatin ka sa durian.”natatawang saad ni Yette. “Luhhhh kinakain ko ang Durian ni Bhella, hindi inaakyat o sinasalo,"wala sa isip na saad ni Ryan. Sa kabiglaan nagkatinginan ang tatlo. Nang ma gets nila walang humpay na humahalakhak ang mga ito. Mweeeessssiiitttttt ka pre....si Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD