chapter 63

1788 Words
Ryan pov Pagdating namin sa hospital saka ko na ginising ang amazona. At tama nga ako marami na ang naging bisita. Kakalapag lang din ng mag-asawang Galanza at ng tito at tita ni Bhella. “What's up pre! Saan ba kayo galing? Attorney bagong gising tayo ah. Saan ka naman natulog?”si Axel. Naghanap ng manok, nagpalinis ng sasakyan ang ending tulog. “Tumigil ka bao, kupad mo walang ligo amoy tae,”galit na saad ni Bhella. At nagmano na ito kina lolo, lola,tito Felipe at tita Nora. Nga pala pakilapag nitong pagkain na dala ni tatay Nilo. Kawawa naman ang matanda nakalimotan kong may marami pala itong bitbit. “Separate mo ba ang para kay tatay Nilo oppa? Daddy ko samahan mo ako sa pasyente niya.”si Bhella Oo yang isang medyo maliit na plastic sa kanya yan Bhe. Guys ito pala si tatay Nilo nakilala namin kanina sa restaurant ng aking kaibigan. May pasyente siya dito, naoperahan sa appendix ang anak niya gustong tulongan ni Bhella dahil kapos sila sa pera para nakalabas ng hospital. “Good job Bhellapot!”si Sanjela. Lumabas na muna sina tito Benedict at Bhella para puntahan ang anak ni tatay Nilo. Umupo naman ako sa tabi ni Lolo Sergio at tito Felipe. Tito kumusta na po kayo? “Okay naman hijo, sobrang nag-alala lang nang marinig ang balita sa nangyari sa mama ni Bhella. Ikaw kumusta ka naman?”tanong ni Tito Felipe. Medyo hindi po okay dahil sa biglaang pangyayari nga rin. At ang pamangkin po ninyo masyadong tinutopak at hindi nakikinig. Kritikal pa si tita Arabelle pero siya gumagala sa labas naghahanap ng manok. Ayan po mga manok niya oh, lalantakan niya yan mamaya. Hindi ko na alam po kung paano siya suyuin. Kapag nasa malapit niya ako, mabaho daw ako hindi daw naligo. “Ryan apo, alamin mo dapat ang isang bagay tungkol sa isang malakas na babae na katulad ni Bhella. Siya ay maaaring dumaan sa impiyerno at pabalik. Dahil sa taglay niyang katapangan at hindi mo malalaman maliban kung sasabihin o ipapakita niya sa iyo. Magpapakita siya nang may ngiti, dadalhin ang sarili nang may kagandahang-loob. Tatawa na parang hindi pa umiyak sa pagtulog, at hahawakan ang kanyang araw na parang hindi siya nakikipaglaban sa isang digmaan nang tahimik.”kwento ni Lolo. Anong ngiti lo? Mahirap pangitiin eh sa sobrang tapang daig pa ang kapeng barako. “Pinagkadalubhasaan niya ang sining ng kaligtasan. Hindi siya sumisira sa harap ng sinuman. Hindi niya isinusuot ang kanyang sakit sa kanyang manggas. Dinadala niya ito sa kanyang dibdib ng tahimik, dahil natutunan niya na hindi lahat ay karapat-dapat na ma-access ang kanyang mga peklat. Hindi mo makikita ang kanyang paghihirap maliban kung gusto ka niya. You won't hear her story unless she trusts you enough to let you in. She's not emotionless... she's just exhausted from all the times she let her guard down and ended up with more wounds than healing. Kaya ngayon ay maingat siyang gumagalaw. Hindi bitter, mas matalino lang. Hindi malamig, ngunit binabantayan lang ang kanyang sarili. Siya ang uri ng babae na pinupunasan ang kanyang sariling mga luha. At nagpapatuloy na parang ang mundo ay hindi itinapon sa kanya ang buong bigat. Minsan naranasan niya ang mga bagay na nakakasira ng kanyang mahinang espiritu. Nagmahal siya ng mga taong hindi siya minahal pabalik. Ibinigay niya ang lahat sa mga taong iniwan siyang walang laman. Nagtiwala siya sa mga mali. Nanatili siya kahit alam niya na dapat siyang umalis. Naniniwala siya kapag magmahal siya ng buo, may tatanggap sa kanya ng totoo. At gayupaman pinanatili niyang buo ang kanyang puso. Gayunpaman, nagmamahal siya ng malalim. Gayunpaman, nagpapakita siya na may matamis na ngiti sa iba. Gayunpaman, sumusulong siya kahit na pagod na pati ang kanyang kaluluwa. That's the thing about a strong woman. She's not a strong because she live in an easy life. She's strong dahil kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok. She's not a strong because she don't have choice. She's strong dahil kahit ilang ulit pa siyang durogin kaya niyang maging buo. Ngunit wala nang tiwala sa mga taong pilit siyang ibinaba. Kahit sa mga araw na parang gumuho na siya, nagpatuloy siya hindi para sa lahat kundi para sa sariling umaasa sa kanya. Kaya kapag may nakilala kang babaeng ganyan, parangalan mo siya. Huwag mong balewalain ang kanyang lakas. Huwag ipagpalagay na ang kanyang pananahimik ay nangangahulugan na siya ay okay. Huwag ipagkamali ang kanyang kalayaan ay isang kakulangan ng pangangailangan. Nagdadala siya ng sakit na parang sikreto, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi niya ito nararamdaman. Alam lang niya kung paano patuloy na lampasan ito, dahil ang buhay ay nagturo sa kanya na walang kahit sino ang darating upang iligtas siya. Siya ay tahimik tungkol sa kanyang mga unos at bagyo buhay. At kung sakaling maging malapit ka para sabihin niya sa iyo ang kanyang kuwento, alamin na hindi ka niya sinasadyang pinili. Pinili ka niya dahil, sa wakas, naramdaman niyang ligtas siya para makita ang totoong siya. Bihira lang yan kaya huwag mong sirain o baliwalain. Intindihin mo nalang muna siya, kung saan siya mayasa suportahan mo.”mahabang kwento ni Lolo. Sa hinaba-haba ng hinabi nyong kwento, wala akong naintindihan lo. “Ogag ka nga Ryanair Park, expert ka sa pananim pero ang iyong itinanim na tumubo na hindi mo napapansin.”si Sanjela. What do you mean doc? Anong kinalaman ng aking mga pananim sa hacienda sa topak ni Bhella? “Ewan ko sayo, lola pingotin mo nga ang tainga ng apo ninyo. My ghussshh Ryan ang tanda mo na isip bata ka parin.”reklamo ni Sanjela. Busy sila ni tita Nora sa paghanda ng haponan. “Langga, bakit hindi ninyo tinuruan ang kaibigan ninyo. Grabeh buhay na buhay pa ang kompanya ng mga tanga.”inis na sabi ni Sanjela. “Langga, hayaan mo siyang maging tanga, mas maigi na rin na namnamin niya ang paghihirap kung paano pag---nga pala dapat sabay tayong kumain. Pre, puntahan na natin sina Tito Benedict para sabay na tayong makapaghapunan.”si Axel. oooOooo Third person pov Doon naman sa room na kinaruroonan ng anak ni Ronilo. Nilapitan nila ang isang binata. Mahaba na ang buhok at may kapayatan. Nagmano kaagad ito sa kanyang ama. Ipinakilala ng matanda sina doctor Benedict at Bhella sa anak nito. “Gakaon naka dong(kumain kana dong?)”tanong ng ama ni Bhella. Wala pa doc pero ganihang hapon ginahatagan ko ug pan niya ba.(Hindi pa doc pero kaninang hapon binigyan niya ako ng tinapay). Turo niya sa babaeng katabi ng kanyang hospital bed. May masakit pa ba sayo bukod sa operation mo? Nag-aaral ka pa ba? “Wala naman ma'am, kaninang umaga tinanggal na ang tahi. Second pa lang po ako sa veterinary doctor course ko po sana kasi yon lang ang low cost ang tuition. Baka next year po hihinto muna ako para makatulong sa pagbayad ng mga utang ni papa."sagot ng binata. “Tay, ilan po ba ang anak ninyo?”tanong ni Bhella. “Duha sila ang isa gatrabaho dayon eskwela pud. Nag-maestra man to iyang kurso. Ilang mama duha ka tuig naman nga namatay maong naningkamot lang gyud sila.(Dalawa sila, ang isa nagtatrabaho at nag-aaral rin. Teacher ang kanyang course. Ang kanilang mama dalawang taon ng namatay kaya pagsisikap sila.)sabi ng matanda. “Daddy ko, ako na ang magbabayad ng hospital bill nila. Ano nga ba pangalan mo dong?”tanong ni Bhella. “Renjie Flores ma'am,”sagot nito. “Kaya mo bang alagaan ang kabayo ko habang nasa ibang bansa ako. Ako na ang bahala sa pag-aaral mo hanggang mag-graduate ka na. At ikaw tatay Nilo ipapakausap ko kay Koreanong hilaw sa boss mo na kay daddy kana magtrabaho. Tutulong lang po sa paglilinis ng bakuran. Libre na lahat, baka palarin bigyan ka pa ng bahay ni daddy, di ba daddy?”nag thumbs up naman Si doctor Benedict dahil napapasubo na siya sa kanyang prinsesa. Hindi naintindihan ni Nilo ang sinabi ni Bhella kaya ipinaliwanag naman ng anak nitong si Renjie. Naiyak tuloy ang matanda dahil hindi makapaniwala sa biyayang biglang dumating. “Renjie, wala kaming ibang hihilingin mula sa inyo kundi ang inyong katapatan at kabutihan. Kung anuman ang inyong kailangan huwag kayong mahiyang magsabi basta kaya naming ibigay ibibigay namin.”paalala ni Bhella. “Salamat ma-- ate Bhella nalang!”putol ni Bhella sa sasabihin sana ng binata. “Ilan kayong pasyente dito?”sigaw ni Bhella. Nagsibilangan na kaagad ang mga naroon. “Labing-anim ma'am!”sigaw ng isnag ginang. “Sarado na po ang Bangko ngayon, hindi na ako makaka withdraw ng cash. Bukas po ay bibigyan ko kayo ng tig- 10k okay na po ba sa inyo yon?”saad ni Bhella. Lahat naman ay napasigaw sa tuwa. “May isang kahilingan lang po Ako sa inyo. Hindi po ako tatakbong kandidato dahil hindi natin kayang maging katunggali ang mga Duterte (kidding aside). Ako Si Reilley Bhella Santiago Valdez ang nag-iisang anak nina Doctor Benedict Valdez at Arabelle Santiago. Kaninang umaga may bumaril sa akin, pero ang dalawang bala na dapat sa akin tumama ay sinalo ng aking ina. Ngayon ang mama ko ay nasa kritikal na kalagayan parin. Hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising. Ang ibibigay kong halaga sa inyo bukas ay pagbabahagi ng aking biyayang natanggap lamang. Ang bawat buhay natin ay walang kasiguraduhan. Ang diyos ay nagbibigay ng mga pagsubok at ito ay maaaring malalampasan at maaaring doon na rin ang katapusan. Please help me to pray for my mother. Matagal namin siyang hindi nakakasama ni daddy ko. Ngayong nagkita na kami at kung muli niya kaming iiwan ay parang ang hirap tanggapin.”kusa nang tumulo ang mga luha ni Bhella. Pinapalakas naman ng mga naroroon ang loob ni Bhella. At sabay nilang sinasabi na may awa at makapangyarihan ang diyos. Ang ama naman ni Bhella ay inakbayan ang kanyang anak. “So proud of you bhe.”sabi ni Ryan na yumapos kay Bhella mula sa likuran. “Valdez ka nga attorney/doctora Bhella.”sigaw ni Axel. “Alam nyo po ba kung sino itong kausap ninyo? Siya lang naman ang top 2 sa bar exam sa America nang taong ito. At siya rin ay top 1 sa pagkuha ng lisensya bilang isang doctor ng taon na ito.”pagmamayabang pa ni Axel. “Kuya Axel naman nakakahiya po. Grabeh kailangan talagang ipagsigawan.”nahihiyang sabi ni Bhella. “Proud lang kami sayo, sobrang proud.”sabi ni Axel sabay pingot ng ilong ni Bhella. “Totoo pala iyang ilong mo Bhellapot, akala ko prosthetic din hahaha.”pang-aasar pa ni Axel. Sabay tuloy na nagsitawanan ang mga naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD