chapter 48

1968 Words
Third person pov “Daddy ko naman eh kanina pa ako nagsasalita ng mag-isa dito. Ano ba kasi iyang iniisip mo?” reklamo ni Bhella dahil walang reaction ang kanyang ama sa kanyang mga sinabi. “I'm sorry princess ko, pakiulit nga po ng sinabi mo?”si Benedict. “Ang sabi ko po! "Daddy ko sarap ng buhay natin palipad-lipad lang. Di ba marunong kanang magmaneho ng eroplano bumili ka nalang daddy ko ng jet plane para hindi kana mahirapan pang mag-commute.”pag-ulit ni Bhella sa kanyang sinabi. “Tamad akong magmaneho anak kaya ayokong bumili. Kapag normal passenger lang ako pwedi akong matulog sa duration ng byahe.”sagot naman ng ama ni Bhella. Ang mga apo naman ni Benedict ay may mga listahan na ng mga pasalubong sa pagbalik ng daddylo nila. Si Brent naman ay busy sa mga kasong hinahawakan nito. Ang kaso ni Mr. Jones ay na dismissed na dahil matibay ang ebedinsyang naisumite ni Brent sa korte. Agad na naipanalo ito ni Brent na walang kahirap-hirap. Si Mr. Jones ay 80% na ang improvement nito. He is ready to back to life. Ang anak naman nito ay nakaka recover na. Nasa poder ito ng mga magulang ni Mr. Jones. Palagi na itong nagpapasalamat kay Bhella araw-araw dahil sa kanyang pagtulong. “Daddy ko, ano nga po ba ang bumabagabag dyan sa utak ninyo? Bakit po napapansin ko na parang lutang po kayo? Daddy ko may napupusuan na po ba kayo?”pangungutsa ni Bhella sa kanyang ama. Napaisip si Benedict kung sasabihin na ba niya sa anak ang lahat. Ngunit naisip din ni Benedict na baka magalit ang anak. Flashback.... “Pwedi ko bang makita ang hitsura ni Bhella. Sana makahingi ako ng tawad sa kanya. Sana mapatawad niya ako sa aking mga nagawang kasalanan.”sabi ni Arabelle. Kaya ipinakita ni Benedict ang mga larawan ni Bhella. Ang mga videos nito at ang mga apo nila. “May asawa na si Bhella? Napaka ganda na niya at kamukhang-kamukha mo siya Ben.”puri ni Arabelle. “Wala pa siyang asawa, mahabang istorya. Anak niya sa pagkadalaga ang kambal. Susubukan ko na magkausap kayong dalawa Belle. But I can't promise na mapatawad ka niya kaagad. Malaki ang pinsala na naidulot mo sa kanya. At ang mga karanasan na iyon ay nag-udyok sa kanya na pagtibayin ang bakod para protektahan ang kanyang sugatang puso.”saad ni Benedict. “Okay lang kahit hindi niya ako kilalaning ina basta makahingi lang ako ng tawad sa kanya. Gusto ko lang maibsan ang bigat na aking dinadala. Kahit murahin pa niya ako o kahit ipamukha niya na kinamumuhian niya ako hanggang sukdolan tatanggapin ko ben.”naluluhang saad ni Arabelle. Nahabag naman si Benedict sa mga sinabi ni Arabelle. Hindi niya maipagkakaila sa sarili na si Arabelle parin ang babaeng mahal niya. Kahit pa alam niya kung gaano kalaki ng kasalanan na ginawa nito sa sariling anak. Hindi makuhang kamuhian ni Benedict si Arabelle. Sa kabila ng hitsura nito ngayon ito parin ang babaeng nagpapalakas ng t***k sa kanyang puso. Kaya siguro hindi na siya nakapag-asawa pa dahil ito parin ang hinahanap ng kanyang puso. Hindi nila namalayan na lagpas alas dose na pala. Walang sinaing si Arabelle, isang sardinas at dalawang noodles lang ang meron ito. Kaya iyon nalang ang kanilang niluto at nilagyan ng maraming sabaw para magkalaman ang kanilang tiyan. Habang kumakain silang dalawa panay ang iyak ni Arabelle na halos hindi na niya malunok ang kanyang kinakain. Labis na pagsisisi ang kanyang nadarama dahil sa pag-abandona niya sa sariling anak at paglayo sa lalaking labis ang karapatan sa kanya. “B-benedict patawarin mo ako, kahit pagpapatawad lang masaya na ako”saad ni Arabelle. “Huwag ka nang umiyak, nagiging Chinese na hilaw kana eh. Alam mo ba kung ano ang tawag ni Bhella sa ama ng mga anak niya Koreanong hilaw. Half Korean half Filipina kasi ang mga magulang ni Ryanair Park. Si Ryan ay apo ng taong nakasagip kay Bhella 20 years ago.”kwento pa ni Benedict. “Mag-ama talaga kayo, pati ugali mo nakuha ni Bhella,"Natawang sabi ni Arabelle. “Bhelle, bukas babalik na ako sa America,”saad ni Benedict na ikinalungkot naman kaagad ni Arabelle. “Kailangan kong bumalik para sa graduation ni Bhella. Magiging lawyer na ang anak natin, top 1 si Bryn at top 2 si Bhella. Ang magpinsan ang nangunguna sa bar exam sa America sa taong ito. Lalabas na rin siya sa dormitory niya dahil patapos na ang exam niya at magiging ganap na doctor na rin,”kwento pa ni Benedict. Mas lalo naman na nanliit si Arabelle sa kanyang mga narinig. Paano pa siya mapapatawad ng kanyang anak gayong napakalayo na ng narating nito. Kinabukasan hindi inaasahan ni Arabelle na isasama siya ni Benedict sa Manila. Sa condo ni Benedict siya pinatuloy nito. Ipinag-grocery at binigyan ng cellphone at allowance para sa iilang linggo nitong pananatili bago makauwi si Benedict ng Pilipinas. “Kompleto na ang supply mo sa pagkain dito sa bahay. Huwag kang magpapagutom haat mag-iingat ka palagi. Wala na akong sapat na oras para ihanap ka ng kasambahay. Pag-uwi ko nalang dito, hahanap tayo ng kasambahay.”saad ni Benedict. “Hindi na kailangan Ben, sobra na itong tulong na ginagawa mo para sa akin. Kaya ko na ang aking sarili at maraming salamat sa lahat ng ito.”arabelle said. End of flashback.... oooOooo Kaya nang nasa America na si Benedict sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga videos nakikita ni Arabelle ang lahat ng mga activities ng kanyang anak at mga apo. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. Magsisi sa ginawa sa sariling anak. Hindi na makakain ng maayos, nakailang ulit na niyang pinapanood ang mga videos. Napapangiti sa kakulitan ng mga apo habang kalaro si Benedict at Shaila. At ang amerikano na asawa yata ni Shaila. Ang gwapong anak ni Shaila na lalaki. Kamukhang-kamukha ito sa hitsura ng asawa ni Shaila. Kay ganda nilang pagmasdan bilang isang pamilya. “Daddy ko gusto mo po bang basahin ko ang bumabagabag dyan sa loob ng utak mo? Naiinis na ako sayo dahil malakas ang kutob ko na naglilihim kana sa akin.”maktol na sabi ni Bhella. “Naku ito naman tampururot kaagad, huwag mo nang basahin naka doctor's prescription ang nakasulat eh. Hug mo nalang si daddy, magpapahatid na ako sa driver natin ready na yata.”sabi ni Benedict. Agad namang yumakap si Bhella sa kanyang ama. “Sabi ko naman sayo ako na ang maghahatid sayo daddy ko. Ingat ka po doon huh, saka update mo ako sa ganap mo doon daddy ko. I love you so much, mwahhh,”paglalambing ni Bhella sa kanyang ama. “I love you too princess, ingat ka rin dito at ang mga bata huwag mong pabayaan. Remind yaya na bantayan ng maayos ang mga nakukulit.”paalala ni Benedict. “Noted po daddy ko, bon voyage!”si Bhella. oooOooo Isang linggo na at naging busy na rin si Bhella sa kanyang trabaho. Bumalik na rin sina Drake at Erica mula sa kanilang honeymoon. Pagdating nila agad naman ibinigay nina Patrick and Shaila ang regalonh handog nila sa bagong mag-asawa. Bago pa sila dumating ipinaghanda ni Bhella ng mga masasarap na pagkain ang mag-asawa para na rin sa house blessings na gaganapin. Sinundo ni Brent ang dalawa at bago makarating sa bahay nila piniringin sila. Nang buksan ang kanilang mga piring na shock pa ang dalawa. “Heto na ang original na papeles sa bahay at lupa ninyong mag-asawa. Regalo nina mommy at daddy para sa inyong dalawa. Kami ni Brent ang lawyer ninyo kaya asahan ninyo na legal ang mga iyan”sabi ni Bhella. Naiyak naman ang dalawa sa labis na pagkagalak. Sabi nila, hindi nila ito inaasahan. “Thank you tito Patrick, thank you tita Shaila. My dear bestie and Brent thank you so much,we love you guys. And we are neighbor now, honey this is our home now. Don't we need to stay away from each other anymore?”si Drake. “Yes my love! Thank you so much guys. Thank you for the love and kindness. This gift of yours is very valuable to us.”si Erica. After ng basbas, mesa at dasal ng pari ay pinagsaluhan nila ang mga masasarap na pagkain na ihinanda ni Bhella. “Dear bigla akong naiinggit sayo, aralin ko na rin kaya ang law.”saad ni Drake. “Dear kuhanin mo na lahat ng books namin ni Brent. Total magkapitbahay lang naman tayo tutulongan kita sa pag-aaral mo. Kapag nakapagtapos kana magpapatayo na tayo ng sarili nating law firm dito sa Scottsdale. Don't forget dear kapag tapos na ang project na ko ikaw ang magiging managing director nito. Alam mo naman na ikaw lang ang pwedi kong asahan dahil ang kapatid ko ay busy sa pagiging CEO. Back and forth na yan between Pilipinas at America.”imporma ni Bhella sa kanyang kaibigan. “Noted boss!”sagot ni Drake. oooOooo Sa Pilipinas naman habang busy si Ryan sa pag-aasikaso ng kanyang mga trabaho. Si Elsie ay nagsimula ng pasimpling lumalandi. The worst thing is pinagkalat pa niya sa ibang kasamahan na girlfriend siya ni Ryanair Park. Nanggigil siya nang makita ang masayang live videos ni Ryan kasama ang pamilya ni Bhella. At ang mga anak ng mga ito. Mas lalo siyang naiinis dahil nagkaroon pala ng anak ang dalawa. Pero hindi siya susuko at gagawin niya ang lahat para makuha niya ang attention ni Ryan. Ngayon pa ba na wala na ang kanyang anak. Malaya na siyang makakagalaw sa ayon sa gusto niya. Ang ama naman ni Bhella ay inadmit si Arabelle sa Della Torres Medical Hospital para sa check up ng binti nito. Gusto niyang pagawaan ng prosthetic leg para muling makalakad ng normal. Nagalit pa si Benedict dahil hindi naman halos nabawasan ang kanyang mga iniwang grocery. Pati ang pera na iniwan niya sa drawer hindi ginalaw ni Arabelle. Ang laki ng pinagbago nito, ang dating maluho, palaging gustong kumain sa mga expensive restaurant ay nawala. Dahil ba sa twenty years nitong paghihirap kaya nagbago ang pananaw nito sa buhay? “Anong kinakain mo habang wala ako? Puro iyak at mukmok lang siguro ang ginawa mo dito kaya nakaligtaan mo nang kumain,”sermon ni Benedict. “Sanay naman ako na isang beses lang kumain. Tsaka gulay muna ang inuna kong niluto dahil agad silang nabubulok. Mag-isa lang naman ako tapos ang dami mong iniwan na grocery. Gusto ko lang mamuhay ng simply lang. Sapat na sa akin na pinatawad mo ako sa mga kasalanan kong nagawa Ben.”saad ni Arabelle. Kinabukasan ay maagang pumunta sina Benedict at Arabelle sa hospital para sa check ni Arabelle. Ipapa-check up na rin ni Benedict ang lahat-lahat para malaman kung may iba pang sakit si Arabelle. Nakaupo sila sa waiting area at naghihintay na tawagin ang pangalan ni Belle. “Tito Benedict nakauwi kana pala? On duty kana po ba tito?”tanong ni Sanjela at nagmano sa tiyohin. Nagtaka naman si Sanjela ng makita ang babaeng katabi ng kanyang tito. “Kahapon lang ako dumating hija. Nga pala this is Arabelle Santiago. Belle, siya ang nag-iisang anak ng kuya ko si Doctor Sanjela Valdez. She is a cardiologist and a heart surgeon at may check up ka sa chamber niya mamaya.”pagpakilala ni Benedict sa dalawa. “B-Bhella's mom? Alam na ba ito ni Reilley Bhella Valdez tito?”sanjela asked. “Hindi pa, ipapaayos ko muna ang binti niya bago ko sila pagharapin.”benedict said. Nahabag naman si Sanjela sa kanyang nakita. “Okay mag-uusap nalang tayo mamaya work mode muna ako tito, tita and nice to meet you po.”sabi ni Sanjela sabay alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD