Third person pov
Na check up na ang binti ni Arabelle at ang sabi ng doctor madali lang itong magwaan ng prosthetic leg. Kinuhanan pa nila ng larawan ang isang binti ni Arabelle para pagpantayin ang paggawa ng prosthetic leg sa original na leg nito.
Sakay sa wheelchair dinala ni Benedict sa chamber ni Doctor Ashi para sa check up ng hormones.
“Good morning doctor Ashi, how are you?”bati ni Benedict kay doctor Bernadette.
“Hello Doctor Valdez, okay naman po. Kayo po kumusta? Mano po! Sorry po at hindi ako naka-attend sa graduation ng prinsesa ninyo.”hinging paumanhin ni Adette sa ama ni Bhella.
“Im fine hija, okay lang bumawi kana lang sa birthday ni Bhella next week. Sabay tayong lilipad patungong Davao City. Wala absent huh, at kapag uma-absent 100k ang kailangan na bayaran.”nagbibirong saad ni Benedict.
“Naku Tito Benedict naging negosyante ka na rin pala ngayon. Sige po, kakausapin ko si Jonin para i-cancel ang mga appointment niya. Kaninong patient po siya doc?”tanonh ni Adette at kinuha ang files ni Arabelle.
“Doctora Ashi, this is Arabelle Santiago ang mommy ni Bhella,”benedict introduce Arabelle to Adette.
“Hello po, kumusta po kayo? May mga itatanong lang po ako sa inyo. At ang iba ay makikita na natin sa resulta ng mga test po ninyo,”saad ni Adette.
Nang matapos ma-check up ni Adette si Arabelle lumabas na ng kanyang chamber ang mga ito. Tiningnan pa ni Adette ang iba pang mga pasyente. Nang magkaroon siya ng break ay pumunta kaagad siya sa chamber ni Yette.
Bago pa man makapag-maretes si Adette nakita niyang kinausap ni Yette ang ginang.
“Oh doctor Ashi tapos kana ba sa mga pasyente mo?”tanong ni Yette.
“Yes, doc Smith tapos na ako sa mga pasyente ko. Nandito ako para yayain kang kumain dahil gutom na ako.”palusot na sabi ni Adette para hindi mahalatang maretes siya.
“Ito nga pala si tita Arabelle Santiago ang mommy ni Atty. Bhella Valdez. Naaksidente siya kaya naputulan ng paa.”sabi ni Yette.
“Oo kanina pasyente ko siya,”sagot ni Adette.
“Tapos na kayo? Ay si tita Arabelle pala pasyente mo doc Yette.”si Sanjela.
“Nagkita na pala kayo doctor Galanza?”tanong ni Yette.
“Oo kanina sa waiting hall nakita ko sila no tito Benedict. Tita Arabelle if you don't mind can I asked you something? Okay na po ba kayo ni tito Ben ko?”tanong ni Sanjela.
“Humingi ako ng tawad sa kanya dahil sa mga kasalanang nagawa ko. Ang mapatawad niya ay dapat na sa akin. Kahit hindi na niya ako kilalanin okay lang sa akin. Ngunit hindi ko naman iniasahan na tutulongan pala niya akong makalakad ng maayos. Matagal na kayong magkakilala kaya sa tingin ko alam nyo na ang ginawa kong pagkakamali.
Sarili kong anak nagawa kong patayin, maswerti siya dahil iniligtas siya ng panginoon.
After ng libing ng mga magulang ko, naaksidente ako at ang aksidente na yon ang dahilan ng pagkaputol nitong isa kong binti. Sinadya o hindi sinadya ba ang mga pangyayari iyon ay hindi ko alam. I was in comatose for a few months hanggang sa naka-recover na ako. Pagkauwi ko sa bahay namin, wala na akong karapatan sa bahay ng aking mga magulang. Sinaktan, kinaladkad palabas ng bahay na walang kahit anong dala. Naging palaboy at tiniis ang matinding gutom.
Saka ko lang na realized na bumalik na sa akin ang karma. Sinaktan ko ang inosenting bata na ako nalang sana ang kanyang kakampi nang mamatay ang lolo at lola niya. Lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng twenty years walang araw na hindi ako nagsisi. Lagi kong iniisip na sana kasama ko si Bhella. Sana may taga-akay sa akin kapag naglalakad, sana may katuwang ako. Minsan kapag sobrang bigat na ang dinadala ko naisipan ko nalang na magpakamatay. Pero hindi ko ginawa dahil gusto kong namnamin ang sakit ang hirap na pinaranas ko sa walang muwang kong anak. For twenty years hindi ko sinisisi ang panginoon kung bakit ako pa ang nawalan ng paa. Ang aking pagka-comatose ay isang wake up call sa pagkakamali na aking nagawa.
Nang malaman ko na buhay pala si Bhella at nasa poder siya ng kanyang ama. Labis ang pasasalamat ko sa diyos. Ako ay naging pabayang ina ngunit may diyos na hindi pinabayaan ang aking inabandonang anak. Pasyensya na kayo, hindi ko mapipigilan ang aking mga luha. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi nauubos ang mga luha ko parang tanga lang. Sa totoo lang napakasaya ko kasi may pagkakataon pa pala akong makahingi ng tawad sa anak ko. Kahit hindi niya ako patawarin basta mabawasan lang ang bigat na aking dinadala sapat na.”naiiyak na saad Arabelle.
“Tita, si tito Benedict lang po ba ang nakarelasyon ninyo? Oh may iba kayong nakarelasyon bukod Kay tito Benedict. Kasi matagal kayong hindi nagkita alam mo yon,”Adette asked.
“Wala eh, kasi pangarap ko lang noon ay maging supermodel sa Paris. At ang baklang fashion designer na nag- handle sa akin sobrang mahigpit. Ayaw niyang may karelasyon ang mga modelo niya hanggat nakapirma ng kontrata sa kanya. Nang kumita ako ng malaki na obsessed na rin ako sa pagmomodelo. At gumagamit ako ng drugs para mas magalingan ko pa ang aking pagrampa. Madalas stressed dahil sa kabi-kabilang endorsement ng kanyang mga obra. Drugs at trabaho ang pinagkakaabalahan ko pero hindi lalaki.”kwento pa ni Arabelle.
Hala tita, nakaya mong mamuhay na walang kaeyutan? OMG loyal pala kay tito Benedict itong kiffy mo. Sige tita higa kana dito, pagandahin natin ang kiffy mo para mabigyan ninyo ng bunso si Atty. Bhella. Bibigyan po kita ng active vitamins para lumakas po ang stamina ninyo. Kalokoka mga bakla, loyal ang titty ni Tito Benedict at ang kiffy ni tita Arabelle.
Tita check up ko lang po huh baka nilumutan na ng husto. Tanggalin ko lang mga sea urchin, sea weeds. Check nyo po phone nyo tita Arabelle baka nag-chat si tito Benedict ng “Shave ka ha!”baliw na sabi ni Yette.
“Hoy bunganga mo gaging ob-gyne ka talaga Doctor Smith. Hindi mo na ginalang si tita Arabelle.”si Sanjela.
“Totoo naman ang sinabi ko ah, loyal si tito Benedict at loyal si tita Arabelle. Kaya pala nagmana si Bhella sa kanila. Can you imagine one night stand lang sila ni kuya Ryanair Park tapos nabuo kaagad ang kambal. Six years na no boyfriend, no fling, no s*x si Bhella pot. Kahit may edad kana tita ang ganda parin ng kutis nyo po. Eka nga nila mala porselana.
“Kutis na maganda,
kutis na mala porselana.
Waring yamang dagat,
na palagi ni tita'ng iniingatan.
Babaeng maputi at makinis,
Arabelle ang kanyang pangalan.
Sinubok ng tadhana,
Ngunit ang mga nagdaang taon ay hindi alintana.
Hinihintay ang prinsepe'ng tagabantay,
Na sa kabibi niya ay taga-salakay.
Si tito Benedict na naging maretes,
Sa usapan natin nakikinig na walang mintes.
Sa pintuan napatunganga,
Habang nakikinig nakabuka pa ang bunganga.”kabaliwang tula ni Yette.
Napahalakhak naman silang lahat sa kalokohan ng pasaway na ob-gyne. Si Benedict naman na napahiya ay tumalikod at naglakad palayo sa chamber ni Yette.
“Walanghiya ka Yette, pinahiya mo naman ang tito Benedict ko. Namula tuloy sa kilig, humanda ka mamayang gabi tita Arabelle.”natawang sabi ni Sanjela.
“Ihanda ang kiffy tita Arabelle,
Mamayang gabi lulusob na si twinkle bell.
Kalampugan ng bola iyong pakinggan,
Humanda ka sa paglusob ng machine gun.
Si tito namin huwag nyo pong bitinin,
Hayaan mo siyang ikaw ay kainin.
Alam mo naman na matagal na siyang tigang,
Tiyak mamaya makikita mo ang kanyang pananabik na tiim bagang.”sumigunda naman si Adette.
Si Arabelle naman ay labis ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa narinig. Hindi niya lubos akalain na ganito kakulit ang mga kaibigan ng kanyang anak. Naisip niya na napaka-swerti ng mga ito dahil magkasundo palagi. She wish na sana mas makilala pa niya ng lubos ang mga ito.
“Tita Arabelle okay na po kayo, at nakahanda na mo ang kiffy ninyo para sa honeymoon ninyo ni tito Benedict mamayang gabi. Tita may mga vitamins po akong prenescribed. Inumin mo time to time po huh para walang mintes ang inyong bunso hahaha.
Seriously tita, para sa kalusugan po ninyo ang ibinigay kong mga vitamins. Alam nyo naman po tayong mga babae, kailangan nating maging healthy dahil katawan lang natin ang ating puhonan. Magiging okay na po ang lahat kaya huwag na po kayong ma-stressed. Ang tungkol kay Bhella po, kung magalit man siya sa inyo hayaan nyo po muna siya na makapag-adjust sa situation.”payo ni Yette.
“Bigyan nyo po siya ng time para matanggap niya ang muli ninyong pagkikita. Alam nyo naman kung gaano kalaki para sa kanya ang impact ng nakaraan. Patience is the key lang po tita Arabelle. Katulad ng paghihintay nyo ng mahabang panahon, you never expect na mangyayari ito di ba? Ang magkita kayong muli ni Tito Benedict. Hindi naman siguro aabot ng isang taon ang pagproseso ni Bhella sa inyong muling pagkikita. Nandito naman kami para pakalmahin siya. Hindi na siya nag-iisa kaya sigurado ako na maiintindihan niya kayo kaagad.”payo ni Sanjela.
“Salamat mga hija, napakabuti ninyong kaibigan sa anak ko.”naluluhang saad ni Arabelle.
“Girls tapos na ba kayo? Lunch na tayo, sumabay na kayo sa akin. Ililibre ko na kayo ng lunch today,"saad ni Benedict.
“Uy si tito Benedict nagpapalakas kay tita Arabelle. Arat na tito, hindi namin aayawan ang grasya,”si Sanjela.
Sabay na silang lumabas ng hospital para makapag- lunch somewhere....