chapter 60

1574 Words
Bhella pov Nakaligo na ako at nakapagpalit na ng damit dahil ang suot ko ay puro matsa ng dugo ni mommy ko. Ipapa-laundry ko nalang siguro ito Kung hindi kayang labhan ni ate Beth. Bakit parang may kausap si daddy? Baka si doctor Basco ang kausap niya. Inayos ko muna ang basa kong buhok. Kailangan ko na yatang pagupitan ito dahil ang bigat na sa ulo ko. Pagkalabas ko ng washroom, agad tumayo si Ryan at inilang hakbang ang pagitan namin. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya mas lalong nainis ako sa kanya. P#tangina ang baho ng hay*p hindi yata naligo. Bitiwan mo ako dem*nyo ka, huwag kang lumapit sa akin. Pakkkk! Tapos na tayo Ryanair Park, tinatapos ko na ngayon ang laro mo. Salamat nalang sa Sub-Saharan trip natin at na-enjoy ko naman iyon kahit kasinungalingan lang. Paano mo kaya nasikmura ang isang Bhella Valdez samantalang nagpapanggap ka lang naman pala. "What??? Ano ba yang pinagsasabi mo bhe? Nasa conference ako iniwan ko ang aking cellphone sa office kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. Mahigit dalawang oras kaming nakababad sa meeting. Kaya nang makita ko ang missed call mo tinawagan kita kaagad. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo dahil nag-aalala ako. Alam mo bang sobra akong nabahala dahil hindi mo sinagot ang ilang ulit kong pagtawag. Lalo pa akong nag-aalala dahil may babae daw na nabaril sa lobby ng aking kompanya. Hindi ko na inalam kung sino ang nabaril dahil agad na kitang pinuntahan sa bahay ninyo. Pati si tito tinawagan ko na ngunit pati din pala siya hinahanap si tita."mayabang litanya ni Ryan. May hindi kami napag-unawaan ni daddy ko kaya tinawagan kita. Nang hindi ka sumagot minabuti kong puntahan ka nalang sa office mo. May kalandian ka pala sa opisina mo. Palabas mo lang pala ang lahat ng kabaitan mo para makuha ang loob ng mga anak ko. Sampung kaso ang isasampa ko sayo huwag mo lang magalaw ang mga anak ko. Hihintayin ko lang na magising si mommy para tanungin siya kung paano niya nalaman na may nais palang pumatay sa akin. Tama ang narinig mo na may binaril na babae. At ako ang target ng kriminal na animal na yon. Hindi ko rin alam na naroon pala si mommy ko sa kompanya mo. At kung hindi dahil sa kanya tiyak ako ang nakaratay dyan. Ako sana ang nasa kritikal na condition ngayon or worst baka na tsugi na ako. Did I told you na masama akong damo? Hindi ako agad namamatay mister Park. At hindi ko rin ugali ang makipag-agawan sa mga babae mo. Sa kanila kana dahil hindi kita kailangan sa buhay ko. Kaya kong mabuhay na walang lalaki. Itong sing-sing mo kuno, kay Elsie Salvador mo yan ipasuot dahil sa kanya nababagay iyan. Siya ang pakasalan mo dahil hinding-hindi na ako magpapakatanga pa. Ayan kunin mo ang sing-sing at dumiretso kana sa kanya. Pakisabi na rin na huwag na niya akong gulohin. Baka Kung ano pa ang magagawa ko sa kanya. Paalalahanan mo siya na ayusin ang pagsisinungaling niya dahil baka kapag ako na ang nakaharap sa kanya maisisiwalat ko ang katotohanan. "Bhella! Ano ba yang mga pinagsasabi mo. Kung anuman ang narinig mo na mga sinasabi ni Elsie puro kasinungalingan lang yon. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya dahil hinahanap ko ang mga papeles na kakailanganin ko sa meeting. Kung may kinalaman man siya sa nangyari kay Tita Arabelle ako mismo ang magpapakulong sa kanya. Sayo ko ibinigay ang sing-sing na yan kaya isuot mo yan Bhella Valdez. May pangalan nating dalawa yan in case may doubt ka sa pagmamahal ko sayo,"saad ni Ryan. Si daddy ko ay nakikinig lamang sa aming bangayan. Daddy ko, ano ang gusto mong lunch? "Wait me here ako na ang bibili ng lunch natin. Sabay na tayong kakain, saglit lang ako."sabi ni Ryan at kumaripas na ng takbo. "Bakit siya na naman ang inaway mo anak ko. Baka mali lang ang narinig mo, o baka totoong ang babaeng iyon lang ang naunang nang-akit sa fiance mo. Huwag kang magpadalus-dalos anak ko. Pero mag-iingat ka parin anak dahil kapag nalaman ng kriminal na hindi ka namatay. Hindi matatahimik ang kaluluwa nun, babalik at babalik yon para gawaan ka ng masama."saad ni daddy ko. Daddy ko ikaw na muna ang bahala kay mommy. Maraming dugo ang upuan ng sasakyan ko kaya kailangan ko itong palinisan. At tsaka may gusto akong kainin, hahanapin ko somewhere. Aba ma-atittude itong ama ko dahil tinamaan pa ako ng kilay. "Hintayin mo si Ryan na bumalik Reilley Bhella Valdez. Kanina lang may nagtangka sa buhay mo tapos ngayon lalabas kana naman na mag-isa? Huwag matigas ang ulo anak ko, makinig ka kay daddy. Nasa panganib pa ang buhay ng mommy mo, paano nalang kung pati sayo may masama na namang mangyayari."nag-aalalang Sabi ni daddy ko. Ayokong makita ang Koreanong hilaw na yon daddy ko. Nasusura ako sa pagmumukha nang buknoy na yon. Lalabas ako at maghahanap ng pagkain. Baka may lason pa ang pagkain na ipapakain sa akin. Hindi na ako nagtitiwala sa mga sinungaling na katulad ng Koreanong hilaw na yon. Huwag mo akong pigilan daddy ko dahil gutom na talaga ako. At tsaka mag-aaway lang tayo kapag pinipilit mo akong manatili dito. Kinuha ko ang aking wallet at cellphone para makaalis na. Pati ang damit na may mantsang dugo dinala ko na rin para ipa-laundry. Nakapamaywang nalang ang aking ama dahil wala na siyang magagawa. Nagmamadali na akong umalis para hindi ako maabotan ni Koreanong hilaw. Gusto ko nang letsong manok na may maraming gravy. Nakita ako ang Patok sa Manok. P*tangina bigyan nyo ako ng parking dahil naglalaway na talaga ako. Mabuti nalang at may sasakyan na paalis na kaya grab the opportunity na ako. Hello po, may privacy table po ba kayo? "Ma'am sa itaas po meron kami, maaliwalas din po doon dahil open area siya for fresh."sabi ng babaeng waitress. Yes darling that's what I want. One whole chicken, two rice, one large mango shake please. Kailangan ko na bang bayaran ngayon or after I eat ko nalang bayaran. Pasyensya na hindi ko kasi kabisado ang payment system dito sa Davao. "Okay lang po ma'am pagkatapos nyo na pong kumain bayaran."sabi ng cashier. Pwedi pagkatapos kong kumain tumakbo nalang ako para hindi nyo na ako paghugasin ng pinggan. Nagtawanan tuloy kaming pareho ng cashier. May lalaki sa gilid na biglang sumilip, nakatitig lang siya sa akin kaya medyo kinabahan naman ako. Sir hindi po ako myembro ng budol gang kaya huwag nyo na pong kabisaduhin ang hitsura ko. "Fiance ka ni Engineer Ryanair Ramos Park right? You are Atty/doctora Reilley Bhella Valdez."sabi ng lalaki. Naihilamos ko nalang ang aking mga palad sa aking mukha dahil napunta pa ako sa lugar ng aliporis ni Koreanong hilaw. Sir, gusto kong kumain ng solo flight at ayokong may kahati sa aking lunch. Kaya please huwag nyo pong balitaan ang Koreanong hilaw na nandito ako sa Patok sa Manok store ninyo. Luhhhh humalakhak pa ang ogag, mukha ba akong nagpapatawa. "I'm Rodzon Garcia kaibigan ko si engineer Ryan at siya ang personal engineer ko sa aking mga properties."pagpapakilala niya. Maliit talaga ang mundo sir noh? Partidang bilog pa talaga ang hugis nito. Mantakin mong gumulong lang ang gulong ng sasakyan ko gumulong pa talaga papunta dito sa letsonan ninyo. Nagsitawanan ulit sila sa aking sinabi. "Witty banter ka talaga atty ba o doctora ang itawag ko sayo?"tanong pa niya. We are not in a court room to call me atty. We are not in the hospital to call me doctora. Sa labas ng working place ko simpling mamayan lang ang nais ko. Call me Bhella nalang para maramdaman ko naman na pantay ako sa mga taong gumagalaw sa paligid. Na gets nyo po ba ang point of view ko? "Oo naman, gusto mo na walang mailang sayo. Kasi if someone call you attorney or doctora. Dapat nasa higher level ang respito na ibibigay ng mga nakakasalamuha mo sayo."sagot niya. Tompak bossing, matalino man ang matsing naisahan mo rin. Please po ibigay nyo na order ko. Mamaya na po kayo makipag maretesan sa akin kapag nabusog na po ako. "Ay sorry, sorry, nawili kami sa pagiging kalog mo eh. Sige akyat bahay kana doon sa itaas, the place is yours"sabi pa niya. Salamat po, pakidagdagan po ang gravy. "Noted ma'am!" Umakyat na ako sa itaas, aba maganda nga siya. Sulit ang aking pag-iisa sa bahay ni kuya. Naghugas muna ako ng kamay bago umupo. Nailapag na nila ang aking mga inorder. Pwedi ko na sigurong buksan ang aking cellphone. I missed my kids at gusto ko silang makausap. Hindi ko alam kung tinawagan na ba ni daddy ko Sina mommy Shaila at daddy Patrick. Pagkabukas ko pa lang sunod-sunod na ang mga missed calls. Syempre mangunguna na ang Koreanong hilaw sa pila. Sanjela calling.... Hello ate Sanjela kumusta po? "We are fine, how about you Bhella? Tumawag si Ryan at nakisuyo na kontakin ka. Nasaan ka ba ngayon? Bakit ka ba umalis mag-isa? Alam mo naman na nanganganib ang buhay mo. Nasa critical condition pa ang mommy mo. Pasaway ka talaga Bhellapot, paano kong may masamang mangyayari sayo dyan."sermon ng aking pinsan. Ang oa nyo naman kumakain lang ako eh. Gutom ako ate Sanjela, gutom na gutom. Kaya ngayon ay nilantakan ko Patok na Manok. Sige ate I will talk to you later. Huwag mo muna akong isturbohin... "Gotchaaaa! Done langga."sigaw ni kuya Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD