chapter 61

1820 Words
Ryan pov Pagkatapos ng meeting ay bumalik na ako sa aking opisina. I checked my phone kung may tumawag ba. Nakita ko ang tawag ni Bhella at mayroon din na tawag ni Tito Benedict. I call back to Bhella's number. I tried several times pero hindi niya ito sinagot. Galit kaya si Bhella sa akin? Oh baka nakatulog lang, minsan din naka silent mode ang cellphone niya. “Ryan sabay na tayong mag lunch hinanda ko na ang lunch natin oh.”si Elsie. Hindi ko na pinansin at nagmamadali na akong lumabas ng aking opisina. Pinakuha ko na sa lobby ang aking sasakyan at pinahintay ko na ito sa entrance. Narinig kong nagbubulong-bulongan na may nabaril daw sa lobby. Ngunit wala na akong oras para maki-usyuso. Saka nalang ako makikibalita kung ano ang nangyari. Pagpunta ko sa bahay nila Bhella wala naman siya doon. Saan na naman kaya pumunta ang maldita at mukhang tinupak na naman. oooOooo Nataranta na ako nang tumawag si Tito Benedict at sinabing nasa hospital si Tita Arabelle at Bhella. Hindi ko alam kung sino ang pasyente kaya nagmamadali na akong pumunta sa hospital. Pagdating ko sa hospital nakita kong nakadapa si Tita Arabelle. Paupo pa lang sana ako sa tabi ni Tito Benedict ngunit lumabas naman si Bhella mula sa washroom. Kaya agad akong tumayo para yakapin ito. Damn it! Ang dami niyang sinabi, galit na galit. Parang napakalaki ng kasalanan ko ngunit wala naman akong kamalay-malay. Pumunta pala sa aking opisina at nakita ang ginawa ni Elsie. Hindi ko naman pinansin yon dahil busy ako sa kinuha kong papeles. WTF, hinubad pa ang sing-sing na ibinigay ko dahil hindi na daw siya magpapakasal sa akin. World war three na yata ang kakaharapin ko. Nang sinabi niyang nagugutom na siya. Napresenta kaagad ako, na ako na ang bibili ng pagkain dahil ayokong lumabas siyang mag-isa. Ngayong may nagbabanta na sa buhay niya kailangan niyang mag-ingat. Alamin ko kung sino ang nasa likod nito. After 15 minutes nakabalik na ako sa hospital dala ang pagkain. Labis naman akong nadismaya nang malaman na hindi napigilan ni Tito Benedict ang kanyang dragonitang anak. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok. Naka-off parin ang kanyang cellphone. Ahhhh pasaway ka talaga Bhella Valdez. I dial Axel's number dahil kailangan ko na ng tulong. Nanganganib na ang buhay ni Bhella pero patuloy parin na nagmamatigas. Pre, SOS....may gustong pumatay kay Bhella. Pumunta siya sa opisina ko around 10 am. Nang nasa lobby na siya may bumaril sa kanya. Luckily naroon si Tita Arabelle at siya ang sumalo sa balang dapat kay Bhella tumama. “Whatta f*ck! Kumusta naman Si Tita Arabelle ngayon?”si Axel. She's out of danger but still she is in a critical condition dahil dalawang bala ang tumama sa kanyang likuran. Lumabas lang ako para bumili ng lunch umalis din kaagad si Bhella. Hindi ko alam kong saan na siya pumupunta ngayon. Pwedi ba paki-trace ng location nya gamit ang cellphone ni Bhella. “Okay susubokan ko, send ko nalang sayo kapag na trace ko na.”sabi ni Axel. Salamat pre. Ibinaba ko na ang tawag, hindi na talaga ako mapakali. “Pasyensya kana sa anak ko hijo. Kapag galit kasi yon mas lalong tumatapang. Hindi natatakot sa mga banta kapag nangingibabaw na ang kanyang galit. Yong mga sinasabi niya tito walang katotohanan iyon. Tinawagan ko na ang security guard ng aking company at pati ang namamahala sa cctv room para i-secure ang footage sa araw na ito. I will work for it tito at kung may kinalaman si Elsie sisiguradohin kong sa kulongan ang bagsak niya. Nagpalakad-lakad na ako dahil sobra na akong nag-alala kung saan na siya nagpunta ngayon. Sana ay walang masamang mangyayari. After 10 minutes tumawag na si Axel at ibinigay ang location ni Bhella. Thank you so much pre I owe you one. “Ogag, may bayad yan hindi ako nagtatrabaho ng libre. Btw, papunta na kami ni Sanjela dyan sa Davao.”saad ni Axel. Okay pre ingat sa pagpapalipad ng helipad mo. “Noted pre, Adiós!”sabi ni Axel at tinapos ang tawag. Tito Benedict susundan ko muna si Bhella. Nasa Patok sa Manok siya ngayon, nasa tindahan ng aking kaibigan. Kumain na po kayo tito Benedict, pasyensya na hindi kita masasamahan sa lunch. “Sige hijo mag-iingat ka at habaan mo ang iyong pasyensya dahil active ang kamalditahan ng dragonita ko.”natatawang saad ni tito Benedict. Nagmamadali na akong umalis ng hospital at binaybay ang daan papunta sa restaurant ng aking kaibigan. Tinawagan ko si Rodzon Garcia na huwag paalisin ang aking pasaway na fiancé. “Tang*na bro, binalaan ako ng asawa mo na huwag sabihin sayo na narito ka. Paano mo nalaman na nandito nga siya? May anting-anting ka na ba ni madam auring bro?”sabi ni Rodzon Garcia. Nagulat yata kung paano ko nalaman na nasa restaurant niya ang pasaway kong Bhella. I have my ways bro, basta huwag mo siyang palabasin hanggat hindi pa ako dumating. oooOooo Bro, what's up? Nasaan na ang pasaway? “Nasa itaas at mukhang gutom na gutom ang dragon mo engineer,”pambubuska pa niya. Kung ano ang inorder niya, padalhan mo ako sa itaas. Pakibilisan bro, gutom na rin ako 4 pm na wala pa akong lunch kakahabol sa pasaway. “Sige mahigugma pa more!”pang aasar pa ni Rodzon. Umakyat na ako sa itaas, nakita ko siyang nasa dulo at nakaharap sa Garcia Eco Park. Ninanamnam ang mabining hangin na humahampas. Puro buto nalang ng manok ang aking nadatnan. Murder na murder na ang manok! “Ay eyot pesti buang ka!”bigla siyang napasigaw sa gulat. Relax bhe ako lang ito ang gwapo mong oppa. “Maretes talaga ang kaibigan mo ano? Binalaan ko nang huwag sabihin sayo pero hindi nakinig at talagang ibinalita na narito ako. Sarap tirisin ng kaibigan mo, humanda siya mamaya. Hindi ko talaga siya babayaran nitong mga kinain ko. Ang ogag sarap balatan at isawsaw sa suka na maraming sili at ipakain sayo.”inis niyang sabi. Kawawa naman ang kaibigan ko niyan bhe. Napaka brutal ng utak mo, minorder mo na ang manok niya, minorder mo pa siya. “Huwag kang magpapatawa kung hindi ka naman clown,”si Bhella. Oppa mo ako at Koreanong hilaw mo kamo dahil ayaw mo naman aminin na misteso ang combination ng Filipina at koreano. Kaya matik na hindi ako clown pero kaya kitang patawanin. Gusto mo sayawan kita ng chicken banana, chicken banana, banana, banana. Tamang-tama na marami na tayong banana na kailangan i-harvest this week. “Tumigil ka buknoy ka, para kang tanga,”yes napapangiti ko na ang bhebhe ko. “Sir heto na po ang order nyo,”sabi ng waiter na may kaedaran na. Thank you! And pwedi another chicken for my wife with drink okay. “Sige sir!” “Anong ginagawa mo? At sino ang nagsabi na asawa mo ako?”reklamo ni dragonzilla. Madam paki check po ng oras. Madam umalis ako ng bahay na hindi nakapag-breakfast. Na late ako dahil ang sabi mo gigisingin mo ako. Ginising mo ba ako? Hindi di ba? May masamang nangyari sayo at kay tita. Bumili ako ng lunch nating tatlo para sabay na tayong kumain pero anong ginawa mo madam tumakas kana naman. Kaya nandito ako at nakikikain. And about the asawa, kahit anong mangyari handa akong mamatay at magpakamatay maging asawa ka lang. Heto isuot mo ulit engagement ring mo. “Paladesisyon ka, umayaw na ako eh,”sabi niya sabay kuha ng singsing. Hindi ka pweding umayaw, at wala kang karapatan na umayaw. Ang nakita mo ay walang katuturan at kapag nalaman kong sangkot siya sa pagbanta ng buhay mo. Nakahanda akong ipakulong siya habangbuhay. Alam kong pinagkalat niya sa opisina na girlfriend ko siya. Kung ang pagtulong ko sa kanya ay makakasama o makakasira sa ating relasyon handa akong paalisin siya sa aking kompanya. Huwag kang maniwala sa mga mapanira na nakapaligid sa atin. Kung noon ko pa gustong magloko eh di sana kaliwa't kanan na ang naging karelasyon ko. “Kumain kana nga ang ingay-ingay mo. Para kang mangingitlog na manok putak ng putak dyan,"pairap niyang sabi. Aba marunong nang magbiro ang maldita. “Sir, order na manok.”sabi ng matanda. Thank you! “Walay sapayan(walang anuman)!”sagot niya. “Tay, pwedi po bang makahingi ng isang platong rice?”sabi ni Bhella. “Sige ma'am!”sang-ayon pa nito. Nakatingin lang si Bhella sa waiter na umalis. May problema ba bhe? “May problema ang matanda, at nagugutom siya.”sagot ni Bhella. Heto na naman siya binabasa na naman ang laman ng utak ng matandang waiter. Bumalik kaagad ang waiter at nagbigay ng isang platong rice. “Tay, lingkod ka(upo ka)”si Bhella. “Dili na ma'am kay naa ko'y trabaho. Makasab-an sad ko ni sir kung magdugay ko.(Huwag na ma'am dahil may trabaho pa ako. Mapapagalitan ako ni sir kung magtatagal ako.) “Uupo ka po o ikaw ang pagbayarin ko ng lahat ng kinain ko? Kasabot ka magtagalog ko?”saad ni Bhella. “Ginagmay ra ma'am(konti lang ma'am)si manong. “Ah murag amigas ba tay? Sige na lingkod na magtunga ta aning isa ka manok.(Para bang langgam tay? Sige upo kana hati tayo nitong isang manok).”si Bhella. Nagpupunas ng luha ang matanda at tumingin ito kay Bhella. “Tawagan mo ang kaibigan mo oppa, sabihin mo sa kanya na kailangan ko ng kausap kaya si tatay--(unsa gani ngalan nimo?)anong pangalan nyo po?"tanong ni Bhella. “Ronilo Flores ma'am, Nilo akong angga(aking palayaw)”sagot nito. Kaya agad kong tinawagan si Rodzon. “Kaon na tay, ayaw ug kabalaka sa imong anak kay palitan naku siya ug letson. Naunsa gani ang imong anak?”(Kumain ka tay, huwag kang mag-alala sa iyong anak dahil bibilhan ko siya ng letson. Anong nangyari sa anak mo?”tanong ni Bhella. Nagulat siguro ang matanda kaya tumingin sa akin. Huwag kang matakot tay, may kakambal na engkanto yan kaya alam niya na kung ano ang iniisip mo po. Tumingin ulit ang matanda Kay Bhella. “May appendix pala anak mong lalaki, wala kang ipambayad. Sige po ako na ang bahala sasamahan kita sa hospital at babayaran ko lahat.”sabi ni Bhella na panay lantak ng manok. Namutla na ang matanda sa kanyang mga narinig. “Huwag mo nang tingnan ang mata ng asawa ko tay. Baka pati nakatago mong kayamanan matunton niya hahaha,”halos hindi na ako makakain sa kakatawa. “Tumigil ka nga, tinatakot mo ang matanda eh,”reklamo ni Bhella. Tinawagan ko na ang aking kaibigan na hindi muna baba si tay Nilo. Bawal kako suwayin si misis baka ma-outside de kulambo pa ako. “Kaon na dili na ibawas sa sweldo nimo tay,”si Bhella. Napapansin ko lang kung bakit biglang tumakaw sa manok itong magiging asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD