chapter 51

1725 Words
Bhella pov No, this is just a dream, this is not happening. Ate Nelly, pakidala ang mga bata sa loob. Ayokong marinig nila ang dramang mangyayari. Tumingin si Bryn sa aking mga mata asking what happen? Sabi ko okay lang pero hindi niya pweding marinig ang mga sasabihin ko. Naintindihan naman niya kaya sumunod na siya sa yaya nila. Kaya ka naging balisa daddy ko? Simula ng lumabas ako ng dormitory napapansin ko na hindi ka mapakali. Alam mo na kaya kong alamin ang lahat ng bumabagabag dyan sa utak mo. At dahil nirerespito po kita hindi ko ginawa. Hinayaan ko na ikaw mismo ang magsabi sa akin. Binabalaan pa kita daddy ko, ilang buwan kitang pinagbigyan pero hindi ka nagsalita. Ngayon ito ang ihaharap mo sa akin? Sa araw pa kung kelan niya ako isinilang. Sa araw pa na una niya akong inabandona. Nanunuod ba kayo ng national geographic channel? Nakikipag-paligsahan sila para mabuhay. A rivalry between preys and predators right? Makikita doon kung paano pinoprotektahan ang mga anak nila? Makikita doon kung paano sila lumaban sa mga mababangis na hayop huwag lang mabawasan ang lahi nila. Partida na yon na mga hayop sila walang sapat na utak. Para gumawa ng paraan upang maproteksyonan ang bawat isa lalo na ang mga anak nila. Eh kayo tao naman po kayo, nilagyan ng utak ng diyos sa ulo at nilagyan ng puso sa dibdib. Pero bakit ganun? Bakit hindi kayo nagkaroon ng konting awa para alagaan ako. Kung hindi ninyo ako kanyang mahalin sa mga panahon na iyon. Sana ipinaampon niyo nalang ako sa iba. Okay, ipagpalagay nalang natin na maswerti ako dahil may Lolo at Lola na nag-aaruga. Nang dahil sa kanila hindi mo magawang ipalaglag ako. Inalagaan nila ako at inako ang mga resposibilidad na ikaw dapat ang gumawa. Ngunit dumating ang nakatakdang araw na kuhanin na sila ng diyos. They meet an accident at hindi sila nakaligtas. Naalala nyo po ba ang nangyari sa araw na yon? Naalala nyo po ba kung pa-- “Bhella enough!”pagputol ni daddy ko sa aking nais sabihin. No daddy ko, kaarawan ko ngayon kaya may karapatan ako sa mga nais kong gawin o sasabihin. Hindi ka po pweding nagsalita, patawad. Naalala nyo po ba ang araw na iyon? Binugbog mo ako ng husto kahit anong pagmamakaawa ang ginawa ko. Hindi ka pa natuwa sa iyong ginawa. Sa kasagsagan ng malakas na ulan, nagliliyab ang liwanag ng kidlat at pumuputok ang mabangis na kulog. Nakatingin lang ang iyong mga kamag-anak na tila nanunuod ng isang pilikula sa sinihan na ikaw at ako ang bida at biktima. Habang ako ay iyong kinakaladkad wala na akong lakas para magmakaawa na huwag mo akong saktan. Sa isang tulay na may rumaragasang baha wala kang pag-aalinlangan na ako'y buhatin at itapon sa baha. Nasiyahan ka siguro noon dahil napagtagumpayan mo na alisin ako sa landas mo. Kaya mula sa araw na iyon wala na akong ina. Kasama sa aking pagkaanod sa baha, tinangay na rin ang titulo Mo bilang aking ina. Alam nyo po ba kung gaano kabuti ng panginoon? Hindi niya ako pinabayaan at hinayaan na mamatay kaya narito parin ako ngayon nakatayo sa harapan mo. Alam mo ba kung sino ang ipinadala ng panginoon upang iligtas ako? Look at this old man, ito ang nagbigay sa akin ng ikalawang buhay para manatili sa mundo. Nang binigyan ako ng diyos ng pangalawang buhay. Nabuhay ako hindi na para sayo, nabuhay ako para sa mga taong deserve ko. Sa mga taong pinagkaitan mo upang makilala ako. Inaasahan kong mangyayari ang araw na ito dahil alam ko na hindi madaling mamatay ang masamang damo. Isa ka sa damong iyon, damo na matinik at patuloy na lumalago kahit tumutubo sa kalagitnaan ng isang desyerto. “Bhella she's still your mother, you have to respect here.”sigaw ni daddy ko. No daddy ko, she's not my mother. She is just a surrogate woman, keeping your sperm for nine months. She is a woman who gets natural inseminated with the sperm donor which is you dad. Then she carry me and deliver it to her parents but not with you to raise. When her parents died in the car accident. What is the use of keeping me with her? Kung salot naman ako sa buhay niya at sa lipunan. Kaya niya ako gustong mamatay di ba? Di ba Arabelle Santiago? Di ba????? “Pakkk!!!”biglang sampal ni daddy ko sa akin. “Bakit mo siya sinampal Benedict? Ako ang dapat mong sampalin dahil ako ang may kasalanan,”sigaw na sabi ng babae kahit hilam sa luha ang mga mata. Magaling ka rin magdrama ma'am, ikaw tuloy ang nagmukhang biktima at ako ang kontrabida. I'm sorry mommy, I'm sorry daddy kung nasira ang surprisa ninyo para sa akin. “P-princess ko i-im s-sorry! H-hindi s-sinasadya ni daddy,"utal na sabi ni daddy ko. Drake give me key! “Hey b-bhella anak huminahon ka.”si mommy. Drake give me the f*cking key! Umiiling lang si Drake ibig sabihin ayaw niyang ibigay sa akin ang susi ng wrangler. Sa suot ni Ryan nakita kong nakasabit ang kanyang susi. Agad akong lumapit sa kanya at hinila ang keychain. Agad akong tumakbo patungo sa sasakyan ni Ryan. “Bhella!” “Reilley!" “Ate Bhella!” Halos sabay nilang sigaw at tawag sa pangalan ko. “Bhe, saglit lang huwag kang umalis.”si Ryan na sumunod pala sa akin. Huwag mo akong sundan kung gusto mong magkaayos tayo Ryanair Park. Hayaan mo muna akong umalis, gusto kong huminga mula sa toxic na tao na yan. Huwag mong dagdagan ang galit ko dahil sa kaarawan ko rin, seven years ago mo ginawa ang katarantaduhan mo. Natigilan siya sa aking sinabi, ang akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya. Hinayaan na niya akong umalis kaya nang mapaandar ko na ang sasakyan agad ko itong pinaharurot paalis ng golf club. Umuwi ako ng bahay para kuhanin ang aking mga gamit. Pera, cards, passport, ah basta ang shoulder bag ko. Mabuti nalang at hindi ko pa inilabas ang aking mga gamit. Iniwan ko ang sasakyan ni Ryan sa garage at ang dinala ko ay ang aking sasakyan. I will explore the Sub-Saharan Mindanao. Hanggat kaya ng aking sasakyan na ikotin ang Mindanao ay lalakbayin ko. May dalawa akong power bank na dala. Kailangan ko lang ng isa pang cellphone at sim card. Bahala na sila sa buhay nila, tuma-timing pa talaga sa birthday ko ang bruha. Binibilog na naman ang ulo ng ama kong duling. Bakit pa kaya pinagtagpo ang landas nilang dalawa? Wala na siguro siyang lalaking mahuthotan kaya nang makita niya ang daddy ko inakit na naman niya. Walanghiyang babae siya ang kapal talaga ng mukha niya. Kuya pakibuksan ang gate lalabas po ako. Heto po ang susi ng sasakyan ni Engineer Park pakibigay po sa kanya. “Ma'am Bhella saan po ba kayo pupunta? Tumawag si sir Patrick, huwag daw kitang paalisin ng bahay.”sabi ng guard. Ahhhh kabuang, bakit nyo po sinabing nandito ako sa mansion. Buksan nyo po ang gate, kung hindi nyo bubuksan ibabangga ko itong sasakyan. Mabuti naman at nakinig dahil binuksan na niya ang gate. Huwag ninyo akong pigilan kung ayaw ninyo ng gulo. “Bhe, open the car! Bhella buksan mo itong pintuan ng sasakyan mo,”sigaw ni Ryan sa labas. Ponyeto kang buknoy ka paano mo nalaman na nandito ako sa mansion? “I have my ways! Bubuksan mo ba ang pinto o magpapasagasa ako. Open the door immediately! Huwag mong pairalin ang katigasan ng iyong ulo kung ayaw mong--- Hhhmmmm....bit-hmmm--- Hinawakan niya ang aking leeg at hinalikan ang aking labi. Matagumpay niyang nabuksan ang pintuan ng sasakyan. Hoy ogag ka ibaba mo ako, hayop ka bwesit. Inilipat niya ako sa kabilang upuan at agad na bumalik sa driver seat. Anong ginagawa mo? Hayop ka bakit dyan ka umupo? Pakialamiro ka talaga, hindi naman kita pinakialaman ah. “Manong, sabihin mo sa kanila na kasama ko si Bhella. She is safe with me kaya huwag na kamo silang mag-alala pa. Itatanan ko lang kamo ang amo ninyo”sabi ni Ryan. Saan ka ba pupunta? Paano ka ba nakarating dito? Bakit hindi ka sa sasakyan mo sumakay? Wala ka bang pang Gasolina? Magpapalamig lang ako ng ulo dahil pinainit ng demonyetang babae na iyon. “Hayaan mo akong samahan ka bhe. Kahit wrong timing ang pagpunta ko dito. I think this is my chance para mas makilala ka ng lubosan.”sabi pa ni Ryan. So, ibig mong sabihin bubwesitin mo ang duration ng vacation ko. Isa ka rin sa mga walanghiya ano po? “I need to breath too mahal ko. Palagi nalang na ikaw ang laman ng isip ko kaya ito'y gulong-gulo. Ako'y nalugmok sa labis na kalungkutan, Ngunit ako'y namulat sa katotohanan kaya ang bakod ay aking hinigpitan. Tila nagbago ang mga pananaw, Ang pangarap nilang sumaya ay tila di na matanaw. Mabibigat na balakid lahat ay nalampasan, ngunit bakit ang isipa'y nabagabag ng karanasan? Muli kong binalikan ang masalimuot na nakaraan, ibinaling ang tingin sa masahol na pinanggalingan. Ang ama ko ay muling nalason, Sa kanyang isipan ay nanaig ang pag-apaw ng damdamin. Ngunit heto ako ang hapdi at kirot, ay muling bumalik lahat sa akin. Matagal na mula nang manghilom ang mga sugat, ngunit narito parin bilang tanda ang mga peklat na siyang ugat. Hindi ko labis maunawaan ang lungkot na nadarama, Gulong gulo ang aking isip at hindi makapagpasya dahil sa nakita kong drama. Tiyak na ang kahahantungan ko'y hindi kaaya-aya, Hanggang sa dulo pa ba ako'y magpaparaya? Kakalimutan ko nalang ba ng basta ang bakas ng kahapon? Buburahin ko nalang ba ng basta ang pighating inipon? Ang mga pasakit na dinaranas ay basta ko nalang ba itatapon? Sa muling paglitaw niya nasira ang aming pagtitipon. “Saan mo gustong unang pumunta? Can I tour you to General Santos, Marawi, next Zamboanga City, Zamboanga sibugay, ozamiz Oriental and Occidental, Pagadian City sa bahay nina Sanjela. Iligan City dadaan tayo sa pinsan ni Dylan. Then Agusan del Sur sa bahay ng kapatid ni Lessery kina Lerian. Then, babalik tayo dito sa Davao para magpakasal na.”sabi ni Ryan. Pala-desisyon ka rin pala ano? Bumaba kana kaya ng sasakyan at hayaan mo akong magpalamig. Huwag mong bwesitin ang trip kong manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD