Third person pov Nang umalis si Bhella napaupo nalang si Arabelle sa sahig kung saan siya nakatayo kanina. Labis ang kanyang pagsisisi kung bakit siya pumayag sa desisyon ni Benedict na magpakita sa kaarawan ng kanilang nag-iisang anak. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sinira niya ang masayang pagtitipon para sa kaarawan ng anak. “Belle, tumayo ka dyan magiging okay din ang lahat. She needs time para magpalamig ng kanyang ulo. Nabigla lang yon dahil syempre hindi naman niya inaasahan na magkikita kayo ngayon. Hayaan muna natin siyang mapag-isa at makapag-isip para huminahon.”payo ni Shaila. Si Shaila, Patrick, ang kuya Felipe at ate Nora, ang parents nila ay nabigla rin sa balitang narinig na natagpuan ni Benedict si Arabelle Santiago. Nahabag sila nang malaman na matinding karma

