Third person pov
Lakad dito, lakad doon. Ang nakakahilong pabalik-balik na paglalakad ni Ryan sa pasilyo ng clinic. Namamawis ang buong katawan dahil sa takot.
Hindi niya lubos inakala na ang simpling biro ay umabot sa isang aksidente. Napapasabunot sa sariling buhok, umuupo, tumatayo, naglalakad ulit ng pabalik-balik.
“Hoy ano ba Ryan ako ang nahihilo sayo. Umupo ka nga at huminahon dyan dahil walang masamang mangyayari kay Bhella. May sa pusang buhay yon, katulad ng isang pusa may pitong buhay. Kaya huwag kang matakot dahil hindi kaagad mamamatay yon.”sabi ni Elsie.
“Nasa dilikadong situation siya tapos ganyan parin ang sinasabi mo? Kaibigan mo ba talaga siya? Ikaw lang naman ang nag-utos sa akin na hampasin ko ng patpat ang kabayong sinasakyan niya.”sabi ni Ryan.
“Malamang hindi kaibigan ang turing ko sa kanya. Alam mo ba kung bakit? Dahil simula ng napulot siya ng lolo mo at dinala sa mansion siya na ang naging bida. Siya na ang mabait, masipag, matalino at iba pa. Naiinis ako sa pagiging bida-bida niya. Nakakasura dahil nakikipag-plastikan lang naman ang babaeng iyan eh. Tinawag ngang matalino di ba? Syempre ginamit ang talino para mananatili sa poder ng lolo mo.
Alam ni Bhella na hindi intrisado ang mga tito mo sa Hacienda Ramos. At ang mommy mo maraming negosyong hinahawakan. Kaya alam niyang walang maghahawak sa Hacienda kapag namatay nag lolo at lola mo. Hanggang ngayon hindi parin alam ng lahat kung saan galing si Bhella. Malay natin baka patibong si Bhella para kamkamin ang mga ari-atiqn ng lolo mo.”mahabang pahayag ni Elsie.
Nang marinig ni Ryan ang sinabi ni Elsie napatiim bagang siya at mahigpit sa kanyang kamao. Pumasok sa isip niya, paano kung totoo nga ang mga sinabi ni Elsie. Matagal nang kasama ni Elsie at buboy si Bhella kaya sila ang mas nakakaalam sa tunay nitong pag-uugali.
“What happened to Bhella?"
Dumadagundong na sigaw ni Don Sergio. Labis namang ikinagulat ito nina Elsie at Ryan.
“Nasaan ang doctor?”tanong pa nito.
“Don Sergio, sa opisina ko po tayo mag-usap.”pag-aya ng doctor sa Don.
Masamang tinitigan ni Don Sergio si Ryan na napuno ng dugo ang suot nitong damit. Saka sumunod sa doctor natumingin kay Bhella.
“Maupo po kayo Don Sergio, malaki ang sugat na natamo ni Bhella sa ulo. Hindi ko pa naitanong ang nagdala sa kanya dito kung paano naaksidente si Bhella.
Kailangan mo siyang dalhin Davao Medical Hospital sa lalong madaling panahon para mailigtas ang buhay ni Bhella."Saad ng doctor.
“Okay doc, bilisan natin hangga't may oras pa. Kahit gaano kalaking halaga magbabayad ako basta mailigtas lang ang buhay ni Bhella.
Bakit nangyari ito sa kanya? Panginoon iligtas mo si Bhella,”naiyak na sabi ni Don Sergio.
Agad na isinakay sa chopper so Bhella kasama ang dalawang nurse at ang doctor. Nakatingin lang sina Elsie at Ryan sa dahan-dahan na pag-angat ng chopper.
oooOooo
Pagdating sa Davao Medical Hospital agad na inaasikaso si Bhella. Naka life support na ito dahil humina na ang pintig ng kanyang puso. Maswerti si Bhella dahil bumisita ang neuro surgeon na galing pang Maynila. Agad nitong sinuri ang kalagayan ni Bhella. Isinalang sa matinding surgery ang inosenting babae. Sinigurado ng doctor na walang blood clots na namumuo sa ugat o utak nito. She's still lucky dahil hindi nasagi ang kanyang utak.
After give hours dineklara ng doctor na safe na ang pasyente at under observation ito.
“Sir huwag na po kayong mag-alala dahil nasa maayos nang kalagayan ang inyong apo. Ligtas na siya sa kapahamakan kaya ipagpasalamat ninyo sa panginoon.”saad ng doctor.
“I'm doctor Benedict Valdez.”Pagpapakilala pa nito Kay Don Sergio.
“Thank you doctor, I owe you big time. I am Don Sergio Ramos, nice meeting you doc. Napatitig si Don Sergio sa hitsura ng doctor. Bakit pamilyar sa kanya ang hitsura nito? Bakit parang kahawig ni Bhella?”anas ng kanyang isip.
“Don Sergio may problema ba?"tanong ng doctor.
“Ah wala doc, may naalala lang ako. It doesn't matter doc, salamat ulit huh. Napaka swerti ng aking apo dahil nagkataon na bumisita ka dito sa Davao Medical Hospital.”sabi ni Don Sergio.
oooOooo
“Anong nangyari kay Bhella Ryanair Park? Naghatid lang siya ng pagkain sa papa Kolas niya bakit naaksidente siya habang sakay kay Bhalla? Hindi magwawala si Bhalla kung walang nananakit sa kanya. Sabi ng katiwala sa kwadra umuwing mag-isa si Bhalla at may malaking latay sa hita. Nakita ko mismo ang latay na yon.
Ikaw ang nagdala kay Bhella sa clinic kaya ibig sabihin may kinalaman ka sa nangyari kay Bhella, tama ba ako Ryan?”tanong ni donya Ester sa kanyang apo.
“Puro nalang kayo Bhella, Bhella Bhella. Para kayong ginayuma na laging bukambibig ay walang iba kundi si bhella.”pabalang na sagot ni Ryan sa kanyang Lola.
“Anong maling ginawa ni Bhella sayo Ryanair? Iyon bang anim na taon na ang nakaraan na pagkahulog mo sa pool parin ang tangi mong dahilan para manakit? Ilang taon ka na ba ngayon Ryan? Fourth year college ka na di ba? Nasaan ang utak mo? Ganyan ka ba pinalaki ng mama mo? Na dapat magtanim ng galit sa kapwa, na dapat huwag tantanan ang may kasalanan sayo? Ngayong fifty-fifty na ang buhay ni Bhella anong pakiramdam mo Ryanair? Masaya ka na ba na nakagante ka na? Masarap ba sa pakiramdam na buhay sa buhay ang kabayaran para lang maging amanos kayo ni Bhella.
Kung alam lang namin kung sino ang pamilya ni Bhella hindi na niya kailangan na magtiis pa dito. Kung alam lang namin ng Lolo mo kung saan siya nakatira eh di sana naibalik na namin siya sa poder ng mga magulang niya.
“Ikaw Elsie Salvador matagal mo nang nakasama si Bhella ano ang pagkakilala mo sa kanya? Matagal ko nang nahahalata na ayaw mo sa kanya. Lahat ng projects, assignments at pati pag-uwi mo nang late si Bhella ang nagpapaliwanag sa mama mo. Sa mga gawain ng mama mo siya ang naging katuwang. Ikaw ang tunay na anak ni Perlyn at Nickolas di ba? Bakit hindi mo tinutulongan ang mama mo. Kapag nagkasakit ang mama mo bakit si Bhella ang nababahala at hindi ikaw? Sa pagdala ng pagkain sa papa mo sa sakahan. Bakit si Bhella ang gumagawa at hindi ikaw?
“Think of it Ryanair, sa palagay mo ba makatarungan ang mga pinaggagawa mo? Umuwi ka muna sa Maynila at kapag matino kana saka ka bumalik dito sa Hacienda Ramos,”sabi ni donya Ester sabay alis.
Nakiusap naman si Elsie kay Ryan na sana payagan siyang sumama dito sa Maynila. Nais niyang sa Maynila mag-aral sa kolehiyo. Hindi kumibo si Ryan dahil mas inintindi niya ang mga sinabi ng kanyang Lola. Nagi-guilty siya sa kanyang ginawa kay Bhella.
“Sana ligtas na siya sa kapahamakan, sana magiging okay na siya,”anas ng kanyang isip.
Nagalit rin ng husto ang mga magulang ni Elsie tungkol sa nangyari kay Bhella.
“Matagal ko nang nahahalata na ayaw mo kay Bhella. Matagal ko nang alam na palihim mo siyang pinapahirapan at inaabuso ang kanyang kabaitan. Ginawa ni Bhella ang lahat para ituring mong kapatid kahit alam niyang hindi kayo magkadugo. Palagi siyang nagpapakumbaba kahit sobra na ang mga pinaggagawa mo sa kanya. Kapag tinatanong ko siya kung bakit ka niya hinahayaan na apihin siya. Ang tanging sagot lang niya, “Ako po ang nakatatanda kaya dapat uunawain ko siya”.sabi ni Perlyn sa anak.
Palagi nyo nalang siyang kinakampihan. Lahat kayo si Bhella lang ang perpekto. Kami na ang masama, kami na ang walang kwenta. Ano ba kami sa inyo ma, pa? Anak nyo ba kami? O baka naman kami ang ampon ninyo. Saang basurahan nyo ba kami napulot at bakit hindi man lang namin naramdaman ni buboy ang pagpapahalaga at pagmamahal ninyo.
“Pakkk! Sumusobra kana Elsie Salvador, wala kang utang na loob sa mga magulang mo. Hindi namin alam kung kanino ka nagmana ng ugali.
Agad namang tumakbo si Elsie sa kanyang silid at humagulhol ng iyak. Nang kumalma na ang kanyang sarili ay agad siyang nag-impake ng kanyang mga damit. Buo na ang kanyang desisyon na sasama siya kay Ryan sa pag-uwi nito sa Maynila.
Doon siya mag-aaral o di kaya'y maghahanap ng trabaho.
oooOooo
Mahigit isang buwan na ang lumipas ngunit comatose parin si Bhella. Medyo nangangayayat na ito. Naghilom na ang kanyang sugat sa ulo. Madalas si Perlyn ang nagbabantay kay Bhella.
Inaalala rin niya si Elsie na nasa Maynila. Sumama nga ito kay Ryan nang masermonan niya sa kanyang maling ginawa. Mga kabataan nga naman, dahil sa makabagong teknolohiya nawawala na ang lambing, respito at pagmamahal sa mga magulang.
“Bhella anak gumising kana, hindi ka ba nangangalay diyan sa iyong hinihigaan. Ang lakas mo naman dahil nagawa mong matulog sa isang posisyon lamang ng mahigit isang buwan.”kausap ni Perlyn kay Bhella.
Gumalaw ang daliri ni Bhella. Nakita niyang dahan-dahan na gumalaw mga daliri nito. Agad na tumayo ang ginang at tinawag ang doctor.
Agad namang dumating ang doctor para suriin ang kalagayan ni Bhella.
“Kumusta naman ang pakiramdam mo hija? Sabihin mo sa akin kung mayasakit sayo huh.” Sinuri ng doctor ang mata ni Bhella. Nakita ng doctor na hindi kumurap o gumalaw ang piluka ni Bhella kumpara sa kanang bahagi.
“Takpan mo ang kanang mata mo hija. Tingnan mo ako gamit ang kaliwa mong mata. Sinunod naman ni Bhella ang sinabi ng doctor. Napaiyak si Bhella dahil walang makita. Madilim ang paligid kahit blurd vision man lang ay wala.
“Doc, bulag po ang aking kaliwang mata wala po akong nakikita”sabi ni Bhella.
Dumating naman si Don Sergio at ipinaliwag ng doctor ang nangyari sa mata ni Bhella.
“Kahit magkano ang kailangan kong bayaran maghanap kayo ng donor para sa eye transplant ng mata ni bhella.”utos ni Don Sergio.
“Huwag kang umiyak apo, magdasal tayo ng taimtim sa Diyos. Magiging maayos din ang lahat at makakakits kang muli. Hindi ka lalabas sa hospital na ito hanggat hindi naibalik ang iyong paningin.”saad ni Don Sergio.