Third person pov
Nakaupo si Bhella sa kanyang silid at nakatingin sa malawak at sariwang tanawin sa labas.
Inumpisahan niyang gunitain ang kanyang nakaraan. Ang masalimuot na nakaraan na umabandona sa kanya. Sampung taon na ang lumipas mula ng mawala ang kanyang ala-ala. Hindi niya alam kung sino ang kanyang tunay na ama. Sampung taon na blanko ang kanyang memorya sa kanyang nakaraan. Hindi niya naalala kung sino ang kanyang tunay na pamilya.
Flashback....
Nang sanggol pa lamang siya ay ang lolo at lola na niya ang kanyang nakakasama. Minsan narinig ni Bhella ang kanyang lolo at lola na nag-uusap tungkol sa pagkatao niya. Ayon sa kanyang ina, siya daw ang salot sa buhay nito. Si Bhella daw ang dahilan kung bakit nagkanda letche-letche ang buhay nito. Nawalan ng trabaho bilang isang modelo dahil sa pagkabuntis. Nakailang attempt na ito ng suicide ngunit pinilit siya ng mga magulang na buhayin ang bata na nasa sinapupunan. Ipinangako nila sa ina ni Bhella na aalagaan nila ito at hindi na kailangan na problemahin pa ni Arabelle ang kanyang anak.
Nang isilang si Bhella hindi man lang daw siya hinawakan ng kanyang ina. Pagkatàpos inire ay agad inabandona ang sanggol.
Nasa grade 1 na si Bhella noon nang dumating ang trahedya sa kanyang buhay. Naaksidente ang lolo at lola ni Bhella bago makarating sa paaralan para sunduin sana ang munting prinsesa.
Sa burol ng mag-asawa o grandparents ni Bhella dumating naman ang ina ni Bhella. Sa unang pagkakataon masilayan ni Bhella ang kanyang ina. Agad siyang tumakbo at niyakap ang kanyang ina.
Imbis na masabik sa anak kabaliktaran naman ang ginawa nito. Sinampal ng apat na beses ang kawawang paslit.
“Malas ka sa pamilyang ito bata ka. Nang dahil sayo nawalan ako ng career. Itong mga magulang ko nagpupumilit na buhayin ka at huwag ipalaglag. Anong napala nila? Tingnan mo impakta ka, nang dahil sayo namatay ang mga magulang ko. Isa kang salot sa lipunan kaya dapat hindi ka nabubuhay.”kinaladkad ni Arabelle ang kanyang anak palabas ng bahay.
Kahit napakalakas ng ulan hindi alintana ng babae. Walang kahit isang kamag-anak ang nakakapagpigil sa ginawa ng ina ni Bhella. Dahil ayaw maglakad ni Bhella ng maayos. Binugbog niya ito ng husto, panay naman hiyaw at iyak ang batang si Bhella. Agad na binuthat ni Arabelle si Bhella at walang pag-alinlangan na itinapon si Bhella sa rumaragasang tubig baha.
End of flashback....
“Lolo at Lola, noong namatay kayo at itinapon ako ng aking ina sa malakas na baha. Bakit hindi ninyo ako kinuha? Bakit hinayaan nyo pa akong mabuhay? Walang magandang nangyayari sa akin nitong nakaraang sampung taon. Hanggang ngayon puro pasakit parin ang aking nararamdaman dahil hindi ako tanggap ng mga nakapaligid sa akin. Kahit anong pagpakumbaba ko para magustuhan nila. Para mahalin din nila dahil wala na akong pamilya. Walang may gusto sa presyensya ko, inabandona ako ng mga tao.
Hindi ko maintindihan kung bakit palagi akong iniligtas ng Diyos. Hindi ko maintindihan kung ano ang purpose ko dito sa mundo at kailangan ko pang pagdaanan ang lahat ng ito.
Itong isa kong mata ay hindi na sa akin. Nakakakita na ako tulad ng dati pero ang aking isang mata ay nagmula naman sa ibang tao. Gayunpaman nais kong pasalamatan ang tao g iyon. Nais ko siyang pasalamatan dahil sa tumugma ang kanyang mata sa akin. Binigyan niya ako ng pag-asa na makakita ulit gamit ang dalawang mata.”umiiyak na sabi ni Bhella.
Nagulat nalang siya nang bigla siyang yapusin ng dalawang tao sa kanyang likuran.
Si mama Perlyn at Lola Ester niya niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang mga ito.
“Please don't cry apo, bawal pang ma-pressure iyang bago mong mata. Narinig namin ng mama mo ang lahat. I'm sorry for your loss.”naluluhang saad ni donya Ester.
“Hindi ka nag-iisa anak, patawarin mo kami kung nagkulang man kami o hindi man sapat ang pagmamahal na naibigay namin sayo. Nagbago ang lahat ng dumating ka, napakabuti mo. Pasyensya kana kung palagi kang pinag-iinitan ni Elsie. Nagseselos yon dahil mas gusto namin ang pag-uugali mo kaysa sa kanya. Huwag kanang umiyak huh, malungkot si mama at lola kapag umiiyak ka.”sabi ni Perlyn.
oooOooo
Hindi nakapasok si Bhella sa unang semester dahil kailangan pa niyang magpagaling ng mabuti.
Kaya nang nag-umpisa ang second semester ay agad siyang humabol. Sa kanyang paghabol isinabay din niya ang unang semester.
Sa awa ng diyos nakayanan naman ni Bhella ang lahat.
Nagkakaroon na rin siya ng mga bagong kaibigan. Si buboy naman ay ga-graduate na sa high school ngayong taon na ito. Gusto daw niyang maging pulis kaya sa criminology college siya papasok.
Wala na siyang balita kay Elsie dahil hindi na ito umuwi sa mansion.
Noong tinanong niya si buboy kung nasaan si Elsie ang sabi lang ay sumama sa Maynila kay Ryan.
Nalungkot siya sa kanyang narinig, ang tanga parin ng puso niya.
“Ate Bhella nasa earth ka pa ba? Kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman nakikinig. Sabihin mo na kasi ang favorite flowers mo at mga favorite color mo.”pamgungulit ni buboy.
High school graduate ka na nakikiuso ka parin sa biography na yan buboy. Hindi alam ni Bhella na susurprisahin pala siya ng mga ito sa kanyang 18th birthday. Nang bumalik ang memorya ni Bhella tinanong siya ni donya Ester kung anong taon ang kanyang kapanganakan. Naalala ito ni Bhella kaya sinabi niya kung kailan.
“Lola naman na miss ko kayo kaya dinalaw kita. Inutusan rin ako ni mommy na tingnan ang mga negosyo niya sa city. Promise mabait na ako, hihingi na rin ako ng tawad kay Bhella dahil sa mga pagkakamali ko. Pangako aayusin ko na po ang pakikitungo ko sa kanya.” sabi ng lalaki.
Pamilyar kay Bhella ang boses kaya nagwawala kaagad ang kanyang puso. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib.
“Nasaan si Elsie hijo bakit hindi mo siya kasama?”tanong ni Perlyn.
“Abala po siya sa kanyang pagmomodelo tita kaya naiwan siya sa Maynila. Nag-aaral naman siya pero mas pinagtuunan niya ng maraming oras ang pagiging model.”sagot ni Ryan.
Hinintay ni Ryan kung kailan lalabas ng silid si Bhella. Oras na ng tanghalian hindi parin ito lumabas.
“Alam kaya niyang narito ako?”anas ng kanyang isip.
Dala ang mga chocolates at bulaklak tinungo ni Ryan ang silid ni Bhella. Dahan-dahan niyang binuksan at bahagyang sinilip ang loob. Nakita niyang nakahiga padapa si Bhella. Natutulog pala kaya hindi lumabas para mananghalian. Umupo si Ryan sa gilid ng kama paharap sa maamong mukha ni Bhella na mapayapang natutulog.
“Napaka ganda mo pala, ang sarap mong tingnan kapag natutulog ka. Para kang anghel na hulog ng langit at nahulog sa lupa,"nakangiti na sabi ni Ryan. Hinawi ni Ryan ang nakatabing na mga buhok sa mukha ni Bhella. Nagulat ang dalaga kaya agad itong napaupo at hinila ang kumot.
“Hey relax, I swear I won't hurt you. Heto oh dinalhan kita ng bulaklak at chocolate peace offering ko sayo. I want to apologize for what I did few months ago. I know I'm idiot of doing such an immature thing to you. Sana tanggapin mo ang paghingi ko ng kapatawaran. Pwedi ba friends na ulit tayo Bhella?”saad ni Ryan.
Si Bhella naman ay natulala lamang sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na ang isang aroganting Ryanair ay humingi ng kapatawaran.
“Anong ginagawa mo dito Ryanair Park? Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot para pumasok dito sa kwarto ni Bhella.”galit na sabi ni donya Ester.
“Lola, di ba sabi ko sayo nandito ako para humingi ng tawad kay Bhella. I accept that it's all my fault lola.”sabi ni Ryan.
“Ayusin mo lang Ryan dahil madali ang mga pinagdaanan ni Bhella. Hindi niya deserve ang maranasan ang lahat ng mga paghihirap.”mslumanay na sabi ni donya Ester.
Tumango naman si Ryan bilang pag-sang-ayon.
“Manananghalian na tayo apo, nakahanda na ang hapag kainan. Bilisan mo dahil naghihintay na ang iyong lolo Sergio.”sabi pa ni donya Ester.
Agad namang bumaba si Bhella mula sa kanyang kama. Pumasok sa washroom para maghilamos. Hindi niya maiintindihan ang kanyang nararamdaman dahil nagwawala ang kanyang puso.
Pagkatàpos niyang maghilamos ay lumabas na siya kaagad. Nakaharang sa kanyang daraanan si Ryan. Mas matangkad ito sa kanya kaya kailangan pa niyang tingalain.
“Can you accept my sorry first bago ka lumabas ng silid?”malumanay na sabi ni Ryan.
“Naghihintay na si Lolo sa hapagkainan, ayaw niyang may nahuhuli sa oras ng kainan. Salamat dito, okay na...”sabi ni bhella.
Inilapag ni Bhella ang bulaklak at chocolate sa ibabaw ng kanyang kama saka lumabas ng silid. Nakasunod naman sa kanya si Ryan.
Nagmano ito sa kanyang Lolo Sergio.
“Kumusta ang pag-aaral mo hijo?”tanong ni Don Sergio.
“Mabuti naman po maganda po ang mga grades na nakuha ko,”sagot ni Ryan.
“Binabalaan kita apo, kung narito ka lang para gulohin si Bhella pwes umuwi kana kaagad sa maynila.
Hindi mo alam kung gaano kalaki ang damage na ginawa mo sa kanya.”sabi ni Don Sergio.
“Lo, kumain na po kayo!” putol ni Bhella sa nais sabihin ng matanda. Umiiling pa siya bilang senyales na huwag sabihin kay Ryan kung anuman ang nangyari.