chapter 21

1603 Words
Third person pov Alas onse pa lang ng umaga nagsidatingan na ang mga important guest ni C.E.O Brent Patrick Miller. Patrick Miller as a chairman of Miller Group ay Handa na para maging back up ng kanyang anak. Ang catering service na ang bahala sa Buffett. Pati ang decoration sa buong lugar ay inayos na ng mga caterer ng madaling araw. Marami na ang mga pagkain ang nakahilera sa lamesa. Busy na si Mr and Mrs Miller sa pag-asikaso ng iilang dumating na bisita. Ang mga magulang naman nila Shaila at Benedict ay halos ayaw nang bitiwan ang panganay na anak na matagal na nawalay sa kanila. Ang Lola ni Sanjela at Bhella ay kapit tukong nakalapit sa braso ng anak. Mom, dad, daddy Ben, dumating na si Engineer Park.”sigaw ni Brent. Napalingon naman sina Sanjela at Axel sa pangalan na isinigaw ni Brent. Si Bhella rin ay napasilip, ngunit nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang taong hindi niya inaasahan. “WTF! No! No! This scene shouldn't happen.”tarantang sabi ni Bhella. “Hey Bhella calm down, what's wrong with you?”takang tanong ni Sanjela. “Ate Sanjela h-he is hmmm--- I will hide ate. Hindi dapat kami magkita at dapat wala siyang makita.”sabi ni Bhella at tumakbo na patungo sa kanyang silid. Nagtaka naman sina Sanjela at Axel sa pagkataranta ni Bhella. “What the fvck langga, Bryn is a mini version of Ryanair Park,”sabi ni Axel sa asawa. “What? Ibig sabihin si Ryan ang lalaki sa kwento ni Bhella. Kaya agad na ikinukwento ni Sanjela ang summary story ni Bhella sa kanyang asawa. Napamura naman si Axel sa kanyang narinig. “Ate Sanjela, where is my fiance?”tanong ni Brent kay Sanjela sabay kindat. Naintindihan naman kaagad ng mag-asawa ang ibig sabihin ni Brent. “Let's play the game moron, isa ka palang silent wolf.”axel smirked. “Governor Valdez? Engineer Galanza? Habang ginagawa ko ang proyekto na ito hindi ka man lang bumisita. Ngayong tapos na narito kana, ano 'to ikaw ang final checking.”natatawang sabi ni Ryan. “Small world eh, dahil kapatid ng papa ko ang asawa ng may-ari ng buong lugar. Ayos ka nga rin gumalaw eh, akala namin one of a good person ka,”nang-uuyam na sabi ni Sanjela. Nabigla naman si Ryan sa sinabi ni Sanjela. “What do you mean doc?”tanong ni Ryan. “Hi tita Emerald kumusta ka po? Nice to meet you here. I found my long lost grandparents and Tita, Tito. Kumusta po kayo?”si Sanjela. Inilihis ni Sanjela ang usapan at hindi sinagot ang tanong ni Ryan. Labis na pagkainis ang kanyang nadarama ng malaman na si Ryan pala ang sanhi ng mga pasakit ng kanyang pinsan. She never expect na ganun kalaki ang pinsala na ginawa ni Ryan. Pinuntahan niya si Bhella sa silid nito para kausapin. “Bhel, pakibuksan mo ang pinto,”tawag ni Sanjela sa kanyang pinsan. Nang buksan ni Bhella ang pinto agad siyang pumasok. Nakita niyang hilam sa luha ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. “Bakit kailangan pa naming magkita ulit ate? Bakit hindi gumawa ang diyos ng paraan para huwag nang magtagpo ang landas namin?”umiiyak niyang sabi. “Bhella, huwag mong takasan ang tadhana, datapuwa't ay harapin mo ito ng buong katapangan. Nang isilang mo ang mga binhi niya. Ang diyos ang gumawa ng paraan para manatili ang koneksyon ninyo sa isa't isa.”payo ni Sanjela. Natawa bigla si Bhella sa sinabi ng kanyang pinsan. “Ate naman eh ganda na ng usapan hinaluan mo pa ng kakulitan. Ano yon nagpupunla lang ng mais sa hacienda binhi talaga.”sabi ni Bhella. “Hahaha ano ba dapat i-terms ng inanakan ka. Lolo Sergio and Lola Ester are there hindi mo ba sila na miss?”tanong ni Sanjela. “Talaga po?”excited ni Bhella na sabi. “Paano ko po ba sila haharapin? Nahihiya po ako, nasaktan ko po sila dahil umalis ako ng hindi nagpapaalam. Lumayo po ako na hindi man lang nagsabi sa kanila.”dagdag pa ni Bhella. “Wait tatawagin ko sila, papasukin ko dito huh para makapag-usap kayo ng masinsinan.”mungkahi ni Sanjela. Pumasok muna sa washroom si Bhella para makapag hilamos ng mukha. Makikita na niyang muli ang taong nagligtas sa kanya. Kinakabahan siya sa reaction ng mga ito. Nang bumukas ang pinto ay labis na kaba ang kanyang nadarama. Nakatayo ang dalawang matanda na may labis na lungkot sa kanilang mga mata. Tinakbo ni Bhella ang pagita nila at sabay na niyapos ang dalawang matanda. No more words, they just cried silently. Hanggang sa halos kapusin na ng hininga si Bhella dahil sa pagpigil na huwag pumulahaw ng iyak. “Sssshhhhh you did it right? You explore, experience, then you push beyond. Never regret anything that has happened in your life. You choose to left us behind because you choose the path to succeed in life. Napakabuti ng diyos Bhella apo dahil dinala ang mga para mo sa taong konektado pala sayo. How many times he saves your life nang hindi natin alam. His magical hand always heals you. Let's move on together with no excuses, no explanations, and no regrets.”lolo Sergio said. “Hindi namin naisip na ang nagbigay sayo ng mata ay siyang tutulong sayo apo. At totoo mo pa talaga siyang tiyahin. Siyang patunay na wala talagang makakapantay sa kapangyarihan ng panginoon.”sabi ni Lola Ester. “Alam ni mama Perlyn kung kanino ako sumama. Hindi na ako nag-abalang kontakin kayo dahil sigurado ako na sasabihin ni mama Perlyn kung saan ako naroon,”sabi ni Bhella. Nakatinginan ang dalawang matanda. Na tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Bhella. “Alam ni Perlyn ang pag-alis mo sa hospital?”tanong ni Donya Ester. “Kung alam pala niya, bakit hindi niya sinabi sa atin Ester? Bakit niya inilihim ang pag-alis ni Bhella?”tiim bagang na sabi ni Don Sergio. “Disgusting, ano ang dahilan ni Perlyn para paglihian niya tayo? Araw-araw tayong nangungulila kay Bhella. Nahihirapan na kumain at matulog dahil sa pag-alala kung saan siya naroon. Nasa maayos ba na kalagayan o napunta sa kapahamakan.”dismayadong saad ni Donya Ester. “Hindi mo nauunawaan sa una ngunit sa ngayon nauunawaan mo na di ba? Nang magdesisyon ka sa araw na yon nakikita mo na sa pinakamahirap na bagay na kailangan mong gawin ay magpatuloy lamang. At gagawin mo dahil ito ay kinakailangan. Nagpatuloy ka dahil hindi mo kailangan na ikulong ang iyong sarili sa kung saan ka inabot ng pagsubok. Kahit sobrang lungkot mo o hindi ka na makahinga, kahit na sa tingin mo hindi ka na magiging masaya, gumawa ka ng paraan para makapagptuloy ka pa rin. Kahit dumating ang mga araw na parang imposible ang pagbangon sa kama. Ngunit naging positibo ka at naisip mong kapag ang bigat ng lahat na dumidiin sa iyong dibdib ay mawala na. Saka mo maramdaman na ang pagsubok ay napagtagumpayan mo na pala. Sa anumang laban, makakahanap ka ng paraan upang gumawa ng isang hakbang na muling magsimula pagkatapos ay isa pang hakbang na siyang iyong maging tagumpay. Hindi dahil gusto mo lang may mapatunayan, ngunit dahil hindi opsyon ang paghinto hindi para sa isang katulad mo. At sa huli, mababawasan ang sakit. Hindi man ito mawawala hindi matatanggal, nakatago lang sa sulok ng iyong puso. Ngunit natututo kang mamuhay kasama nito. Natututunan mo kung paano dalhin ito nang hindi hinahayaang durugin ka. Sa paglipas ng panahon, ang nagmamatigas mong puso ay lumambot. Maaaring ang sakit ay manatili, ngunit ito ay magiging mas tahimik, mas banayad, mas pamilyar. Nang malaman mo na ang sulosyon na pinanindigan mo ay siyang daan sa pagpapatuloy at ito ay hindi tungkol sa paglimot o pag-move on. Ngunit ito ay tungkol sa paggalang sa nawala sa iyo habang pinipili pa rin ang buhay. Ito ay tungkol sa pagpayag sa iyong sarili na madama ang bawat kaunting kalungkutan, galit, at pananabik, ngunit hindi hayaan ang mga damdaming iyon na tupokin ka. Natutuklasan mo rin ang isang bagay na hindi inaasahan: sa loob ng pagkilos ng pagpapatuloy, mayroong lakas. Isang tahimik na uri ng tapang na lumalago sa tuwing pipiliin mong harapin ang panibagong araw. At kahit na sa una ay hindi gaanong nararamdaman, sa paglipas ng panahon, ang mga maliliit na pagpipilian ay madaragdagan. Ipapaalala nila sa iyo na kaya mong mabuhay o kaya'y umunlad sa kabila ng sakit. Kaya oo ang pinakamahirap na bagay na kailangan mong gawin at magpatuloy lamang. Ngunit magtiwala ka sa kapangyarihan ng diyos sa bawat gagawin mo. Dahil sa kaibuturan, alam mo na: ang buhay ay hindi hihinto, at ikaw ay hindi rin titigil. We are so proud of you Bhella apo. Sa bawat dasal namin ng Lola mo hindi namin kinaligtaan ang ipagdasal ka. At hiniling namin sa diyos na sana bago namin lisanin ang mundo ay muling masilayan ka. At heto na nga dininig niya ang aming panalangin”si don Sergio. Niyakap kaagad ni Bhella ang kanyang Lolo Sergio. “Napakahalaga mo sa aking buhay Lolo. Ikaw po ang nagbigay ng pangalawa at pangatlong buhay ko, salamat Lo. “Mommy we are hungry!”biglang sulpot ni Bryn sa harapan namin. Napapikit ako ng aking mga mata dahil hindi ko na siya maitatago pa. “Hey mom, why are you crying? Who hurt you mom?”usisa pa niya at pinunasan ang aking mga mata. “Bhella??? And don't you ever lie to us!”mautoridad na sabi ni Lolo Sergio.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD