Bhella pov
“Playing good in piano huh, I love the way you played piano princess. Lalo na kapag favourite song namin ng mommy mo ang tinutugtog mo.”sabi ni daddy Patrick.
Thank you dad, kahit ganito ka simply lang ang effort ko napapasaya ko kayo ni mommy. Sa lahat ng instrument piano lang talaga ang gusto kong tugtogin.
“Play ka nang piano mamaya kapag dumating na ang mga bisita natin Nak. Gusto kong makita ng mga shareholders at investors king gaano kayaking tumugtog ng piano ang aking anak na babae.”sabi ni daddy ko.
“Daddy kailan ba naging babae Ito huh? Mas amazona pa ito kaysa sa akin eh.”segunda naman ng kapatid kong pasaway.
“Pinagtutulongan nyo na namang asarin ang prinsesa ko.”si mommy.
“Prinsesa natin!”sabay sigaw ng tatlo.
That's how lucky I am having a three kings saviour and a queen mom.
“Nariyan na yata sila!”sigaw ni Lola Maria.
“Sino?”in unison sabay tinginan.
“Lumabas na kayo dumating na ang surpresa namin. This is the best reunion in our family.”lolo said.
Sino naman ang inaasahan naming bisita? Ang totyal naman at naka chopper pa. Lumabas na kaming lahat para makita ang surpresa ni Lolo at Lola.
“Ate ipapakasal kana yata ni Lolo mamaya. Baka may hinanda na silang groom para sayo. Arrange marriage ba katulad ng mga arabo.”si Brent na naka akbay sa akin.
Tatanda akong dalaga bunso, Hindi ako pabor sa arrange marriage na yan.
“Kepeg nekete me eng eme ng enek me ewen ke leng,”baliw niyang sabi at literal na hindi ko na gets.
“Anong Sabi mo?”
“Wala! Ang sabi ko ang gwapo ng piloto oh. At baka iyan na nga ang hinanda ni Lolo para sayo.”patuloy pa niyang pang-aasar.
Nang bumaba na ang lahat, nagulat ako nang tumakbo kaagad ni mommy patungo sa kanila. Niyapos niya ang isang kaedad lang nila daddy ko. Pumulahaw pa ng iyak si mommy kaya nakatinginan kami ni Brent. Sumunod naman si daddy ko, Lolo at Lola. Nag group hug na silang lima na hindi namin alam kung bakit may iyakan ka pa.
“Ate Bhella hindi ba tayo sasali sa group hug nila?”tanong ni Brent.
Ay tukmol ka, tumakbo ka rin kaya at maki-group hug sa kanila. Nakita mo bang pinigilan kita huh? Hindi pa natin sila kilala tapos makikiyapos tayo ng sabay.
“Hahaha si ate takot yatang mamatay. Iniisip mo siguro na isa sa kanila suicide bomber hahaha,”natatawa pa ang tukmol.
Dad oh prinsepe mo baliw na kinulang yata sa breakfast.
“Si ate Bhella ulyanin, kahapon pa tayo nag-almusal tapos sasabihin mo sa akin na kinulang ako ng almusal. Dad, nag-almusal na po ba tayo?”tanong ni Brent kay dad.
“Nope! We're having our breakfast now,”dad said.
“Wow the Latina, she's so beautiful,”puri ni Brent sa magandang babae. Nagmano ito kay Lola at Lola pati na rin kina mommy at daddy.
Brent, di kaya sila ang family ni Tito Felipe Valdez? Ang long lost brother Nina mommy at daddy.
“Yes ate Bhella tama, may tama ka!”ang tukmol humirit pa talaga.
Mas maganda ako kaysa sa kanya, di po ba dad?
“Yes of course princess, you are beautiful than her,”sabi ni daddy.
“Duda ako sa komento mo dad, para kinampihan mo lang sarili mong anak eh,”singit pa ni Brent.
Gusto mo suntokan na tayo? Panira ka ng moment eh.
“Mga anak ito ang Tito Felipe ninyo at Tita Leonora at ito ang unica hija nila si Dra. Sanjela Valdez Galanza and her soon to be husband Engineer Richmond Axel Galanza.”pagpapakilala ni mommy sa kanila.
“Ate Bhella bakit napansin mo ba?”bulong ni Brent.
“Ang alin?”taka kong tanong.
“Bakit parang limited ang sperm ng lahi nina mommy, daddy at tito puro isa-isa lang ang anak. Kuripot sa lahi ang generation nina mommy di ba teh,”saad ni Brent.
Uy baliw kang tukmol ka baka marinig ka eh.
“Oh kayong dalawa anong pinipispispis ninyo dyan. Nagpakilala at magmano na kayo sa Tito at Tita ninyo.”sabi ni mommy.
Hello po magandang umaga Tito, at Tita. Ako po si Reiley Bhella Valdez ang anak ni daddy Benedict.
“Really Bhella? Hindi ka sigurado na Bhella ang pangalan mo ate?”singit ng amaw kong kapatid.
Nakaka-high blood talaga itong ugali niyang ulikba. Kapag di ka pa tumahimik tatadyakan na kita dyan. Si Sanjela at ang asawa niya ay natatawa nalang sa aming dalawa ni Brent.
“I'm Brent Patrick Miller ang anak nina Patrick and Shaila Miller.”pagpapakilala naman ni Brent sa kanila.
Ang tukmol na ipinaglihi po sa tepaklong
“Tama na yan at alam kong mauuwi na naman yan sa bardagulan. Pumasok na muna tayo sa loob para makapag-almusal na”si mommy Shaila.
Kiddos
oooOooo
“Kumusta ka naman Reiley Bhella? Nag-aaral ka na ba o nagtatrabaho na. I'm happy to finally meet you Bhella, ang akala ko ang walang kamag-anak si papa.”sabi ni Sanjela.
Sino ba ang mas matanda sa ating dalawa? Ako kasi 25 years old na single mom with twins. I'm both working and study. Kukuha na ako ng licensure examination after two month para sa kurso kong psychiatrist. At nagtatrabaho ako sa Arizona Mental Health Rehabilitation Center. After two naman ay umpisa na ng Licensure examination namin ni Brent sa Law School.
“Talaga? Psychiatrist doctor ka na lawyer ka pa. That's amazing huh, nakaka-proud naman. Ganda nyo namang tingnan ni Brent dahil close kayo.”sabi pa ni Sanjela.
Mahabang kwento ate, teka can I call you ate kasi one year naman agwat natin eh.
“Ate o kahit Sanjela ang itawag mo okay lang sa akin.”sabi niya.
Mahabang kwento ate dahil mula ng isilang ako ruller coaster ride na ang takbo ng buhay ko. Inayawan ng ina, binuhay ng mga Lolo at Lola. Nang mamatay sila sa aksidente, salot, malas, walang kwenta sabi ng aking ina. Habang kinaladkad palabas ng bahay wala man lang kahit isang kamag-anak ang pumigid para hindi ako saktan. At ang pinakamasakit nakatingin lang sila habang ihinulog ako ng aking ina Sa rumaragasang baha.
Kaya lang maswerti ako eh I'm a cat woman na may pitong buhay. Iniligtas ako ng isang matandang haciendiro. Pinagamot, binihisan at pinapag-aral. My childhood life hindi rin masaya. Dahil palagi akong nabu-bully sa school. May apo ang umampon sa akin na bully rin. Palagi akong pinapahirapan dahil mas nakikinig siya sa sulsol ng kababata namin.
Isang araw sumakay ako sa isang kabayo dahil inutusan akong maghatid ng pagkain sa katiwala ng hacienda na dapat sana ay ang anak niya mismo ang maghatid. Pagkauwi ko , nakaharang na ang dalawang salbaje sa daan at binully na naman ako. Nang hindi ako nakinig hinampas niya ng latigo ang kabayo. Na siyang dahilan ng muli kong pagka-aksidente. Humampas ang ulo ko sa puno ng niyog na siyang naging dahilan ng pagkabulag ng aking isang mata.
Nang, maaksidente si Veronica ang tunay na anak Nina mommy Shaila at daddy Patrick. Ibinigay nila sa akin ang mata na hindi naapektohan sa aksidente. Tadhana na ang gumawa ng paraan at angata ni Nica ay sa akin nakalaan.
Kaya itong mata ko, galing kay Nica ito sa pinsan natin. Sabay turo ko sa libingan ni Nica.
Si Brent ay anak ng mag-asawang Buenavista. Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Buenavista. Pinaslang ang mga magulang para makuha nila ang mga kayamanan Ng mga Buenavista. Si Brent ay may butas ang puso at kailangan na maoperahan ng panahon na yon. Si Nica ang naroon para sagipin siya. Nag-match ang puso ni Nica sa mga organs ni Brent. Tinanggap ng mga ugat at katawan ni Brent ang puso ni Nica.
Dahil wala na siyang mga magulang kaya legal na inampon ni mommy Shaila at Daddy Patrick si Brent. Itong lahat ng nakikita mo lupain ito ng mga Buenavista. Sa tulong nang mga magulang namin nakuha niya ulit at naipakulong ang mga salarin. Dahil sa suporta ng mga magulang nagawa ni Brent ang lahat ng ito sa murang edad pa lamang niya.
“Mommy, mommy tawag na kayo ni mommyla for breakfast.”si Nica.
Magpakilala ka muna kay tita mo baby.
“Hi Tita mano po, I'm Veronica Reiley “Nica” Valdez po.”sabi ni Nica.
“You are so pretty did you meet your cousins?”tanong ni ate Sanjela.
“Yes, po! Kuya Garrett,Barrett and ate Everett. And the twin also Eleazar and Eleanor.”masayanh sabi ni Nica.
Very good anak memoryado mo na ang mga pangalan ng pinsan mo.
“We want to have a brother and sister too. Please ask our father to come home as soon as possible. Tell him to stop to served other countries and fighting a war for others,”sabi ni Nica sabay alis.
Natulala ako sa sinabi ng aking anak. Si Brent na naman ang gumawa ng kwento. Shutaaa kang tukmol ka, sandamakmak na paliwanag na naman ang gagawin ko nito.
“Nasaan ba ang ama nila Bhella? Care to share couz?”sabi ni ate Sanjela.
Ang taong number 1 bully ko, ang taong naging dahilan ng aksidente at pagkabulag o pagkawala ng isa kong mata at ang ama nila ay isa lang.
After a few months na pinalayo siya ng Lolo at Lola niya sa hacienda. I mean pinabalik siya sa Manila. Bumalik siya the day after my 18th birthday noon. Humingi ng tawad sa mali niyang nagawa. Ako namang si tanga pinataqad naman siya. Pero hindi ko sinabi sa kanya na nang dahil sa aksidente naka eye transplant ako.
After the party pumasok siya sa room ko na may dalang alak. Yon mga lang basta may alak may balak pala. Kaya sila nabuo, kinabukasan nahuli kami ni Lola Ester. Nang sabihin ni Lola na ipapaalam niya kay Lolo at dapat ipakasal kami. Nakakamatay na pang-iinsulto ang natanggap ko mula sa kanya. Dahil nilagnat ako ng sobra, mag-collapse ako. Dinala nila ako sa hospital saka ko doon napagdesisyonan na lalayo na sa kanila. Tinawagan ko si mommy Shaila, kinuha nila ako sa hospital at dinala sa Manila. Iyon na ang umpisa sa pagbabago ng buhay ko.
Alam mo bang sa bawat aksidente ko si daddy ko ang taga-gamot.
“Tadhana nga naman, mahiwaga pero mapaglaro.”sabi ni Ate Sanjela.
Ang daldal ko noh, tara na almusal muna tayo....