Third person pov
Nataranta si Arabelle nang makita niyang naglalakad ang kanyang anak papunta sa kinauupuan niya. Tumagilid siya at itinakip ang buhok sa mukha. Nang makalagpas na si Bhella saka lang nakahinga ng maluwag si Arabelle. Nakita niyang papunta ito sa elevator.
“Nakita mo yong babae? Yon oh naka horse rider suite, ang ganda niya. Ang haba naman ng buhok totoo kaya yan? Bagay na bagay sa kanya ang kulay coffee hair color para tuloy siyang Spanish tingnan.”sabi ng isang receptionist.
“Baka may lahing Spanish nga talaga kaya ganyan ang hitsura. Matangkad din pasok maging model. Girlfriend kaya siya ni Sir Ryan? Naku kung yan ang girlfriend ni sir Ryan dyan ako boto. Naniniwala ka ba sa sinabi ni Elsie Salvador na girlfriend siya ni sir Ryan? Napaka assuming din ng babaeng yon eh sarap sabunutan. Ginawa lang assistant ni sir Ryan kung umasta akala mo siya na ang nag-mamay-ari ng kompanya. Nagrereklamo na nga ang secretary ni sir Ryan dahil halos hindi na siya makakapag-pahinga sa mga utos ni Elsie. Hindi rin naman daw siya makakapag reklamo dahil binabantayan siya na ipatanggal sa trabaho kapag maraming reklamo. May sakit ang tatay niya at nasa hospital daw ito kaya nagtitiis nalang kahit nahihirapan.”kwento ng isa.
“Grabeh naman yon!”komento ng isa.
Ibig sabihin hindi niya makakausap si Ryanair Park ngayon dahil naroon si Bhella kasama nito.
Naglalakad si Arabelle na parang walang direksyon ngunit nagtaka si Arabelle sa isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at naka mask.
May kausap ito sa cellphone at ang sabi ay paakyat na daw ang fiancé ni Ryanair Park sa itaas.
Nagkoble kaagad si Arabelle sa isa pang sasakyan. “Ibig sabihin si Bhella ang tinutukoy nito."anas ni Arabelle. Sinabi pa ng lalaki na aabangan niya sa lobby ang babae. Kapag makakakita siya ng pagkakataon sa lobby niya mismo papatayin ang fiancé ni Ryanair Park.
“Panginoon ko ano itong naririnig ko. Ano ang mangyayari sa aking anak?”nanginginig na saad ni Arabelle sa kanyang sarili. Sa may di kalayuan nakatayo ang isang lalaki katabi ng motor nito. Inaayos ang baril at palinga-linga sa paligid.
Kinakabahan ng husto si Arabelle kaya tinawagan niya si Benedict para sabihin kung saan siya naroon.
oooOooo
Dahil sa inis ni Bhella nakalimutan niyang magtanong sa reception kung nasaan ang opisina ni Ryan. Kaya pinindot niya ang ikalimang palapag. Nang makarating siya sa itaas naglakad siya sa isang pasilyo. Tinungo niya ang pinakadulo nito may nakita siyang lalaki na nakaupo sa isang mesa at busy sa computer nito.
“Excuse me! Pwedi magtanong? Nasaan ba ang office ng CEO?”tanong ni Bhella.
Nagtaka ang secretary ni Ryan pero gamit ang daliri inumang niya itong sa isang pinto. Ibig sabihin iyon ang office ni Ryan. Nagpasalamat si Bhella sa lalaki. Pumunta siya at dahan-dahan na binuksan ang pinto ng kanyang fiancé.
Pagkabukas niya nakita niyang nakatayo si Ryan at kayakap si Elsie. Mahal na mahal din kita, matagal na Ryan. Alam ko na anak lang niya ang habol mo. Alam ko naman na palabas mo lang ang lahat.”saad ni Elsie.
Napatakip sa kanyang bibig si Bhella dahil sa kanyang mga narinig. Umatras siya at muling isinara ang pinto.
“Huwag mong sabihin sa kanya na naparito ako. Kapag may nagtanong kung may naghanap ba sabihin mo wala.”pakiusap ni Bhella. Nagmamadali na itong bumaba dahil sa sama ng loob na kanyang nadarama. Nang nasa elevator na siya saka na niya pinakawalan ang kanyang mga luha. Naisip ni Bhella na sadyang nananadya ang tadhana dahil kanina lang ang daddy niya. Ngayon naman ay si Ryanair Park, ang taong sinungaling at taksil. Piping napamura si Bhella dahil sa kanyang natuklasan. Puro kasinungalingan lang pala ang ipinapakita ni Ryan para lang mapasakay siya sa kalokohan nito. Pinagtatawanan na pala siya nito bawat segundo dahil sa kanyang katangahan. Lilipad na siya pauwing America at ipinangakong hindi na babalik pa ng Pilipinas.
oooOooo
“Ano ba yang pinagsasabi mo Elsie, nagmamadali ako dahil naghihintay ang mga investors sa conference room. Bakit para kang nagdidileryo dyan at kung anu-ano nalang ang mga pinagsasabi mo. Umalis ka kung gusto mong manatili sa iyong trabaho. Ano ba ang trabaho mo dito buong araw at bakit hindi mo maayos ang mga pinapaayos ko sayo.”galit na sabi ni Ryan.
Nang lumabas si Ryan sa opisina ay agad namang tumawag si Elsie sa hina-hire niyang killer para patayin si Bhella.
Humalakhak pa ng malakas dahil matutupad na ang kanyang plano.
Sa wakas magiging akin kana Ryanair Park. Sa wakas ay magiging Mrs. Park na ako. Malas mo lang Bhella dahil paglalamayan kana mamayang gabi. Lilisanin na ng iyong katawang lupa ang mundo pagkatàpos ng ikasiyam na araw na lamay. Tsk, kung hindi ka lang tanga eh di sana mabubuhay ka pa ng mahabang panahon. Maganda na ang buhay mo sa America, kaso umuwi ka pa ng Pilipinas para magpakamatay. Adios Bhella Valdez, ikamusta mo nalang ako kay San pedro.”malakas na halakhak na saad ni Elsie habang nakaupo sa office chair ni Ryan.
oooOooo
Napapamura nalang si Arabelle dahil nakailang ulit na siya sa pagtawag hindi parin nito sinasagot ni Benedict ang kanyang mga tawag. Wala na siyang sapat na oras, ipinagdasal nalang niya sa sana huwag bumaba ang kanyang anak. Gumapang siya para humingi ng tulong sa security guard. Nahihirapan pa siyang gumapang dahil sa kalagayan ng kanyang isang binti.
Hindi naman kasi siya makatayo ng maayos dahil makikita siya ng armadong lalaki na nag-aabang. May kausap ulit ito sa cellphone kaya kinuha niya ang pagkakataon na makatakbo. Pero hanggang sa isang sasakyan lang siya muling napakoble dahil binaba na nito ang tawag.
Nang makita niya si Bhella na nagmamadaling naglakad papunta sa gawi niya. Mas lalong nataranta si Arabelle dahil inumang na ng lalaki ang baril. Nakahanda na nitong barilin ang kanyang anak. Wala nang oras si Arabelle kaya sinikap niyang makatakbo ng matulin bago pa makalabit ng lalaki ang gatilyo ng baril nito.
Sa huling paghakbang ni Arabelle natanggal ang kanyang prosthetic leg. Ngunit buong lakas pa siyang nakasigaw ng: “Dapa Bhella!”
Nagulat si Bhella nang may yumakap sa kanyang likuran. Narinig niyang may parang dalawang putok. Tumingin si Bhella sa kanyang likuran napadako ang kanyang paningin sa may hindi kalayuan at nakita niya ang lalaking naka bonet na nagmamadaling sumakay sa kanyang motor. Hindi na lumingon pa at agad nitong pinasibad ang motor palayo. Tiningnan ni Bhella ang taong dahan-dahan na bumagsak sa kanyang paanan. Laking gulat nalang niya nang makilala ang babaeng yumapos sa kanya kanina. Ang mommy Arabelle niya ito.
“I-im s-sorry B-bhella, p-patawarin mo si m-mommy a-anak. M-mahal na m-ahal kita anak ko.”utal na saad ni Arabelle.
“Mommy! May tama kayo, no mommy, tulongggg...tulongan ninyo ako. Guard tulong, please po tulong,”tarantang sigaw ni Bhella.
Agad namang lumapit ang janitor at guard para saklolohan sila.
“Sinong bumaril sa kanya?”tanong ng guard.
“Tulongan niyo ako na isakay sa sasakyan ko ang mommy ko. Dadalhin ko siya sa hospital bilisan nyo po.
Binuhat kaagad ng dalawang lalaki si Arabelle at ipinasok sa sasakyan ni Bhella. “Maam prosthetic leg po ng mommy nyo.”sabi ng janitor.
“What?”gulat ni Bhella na tanong. Kaya tiningnan niya ang paa ng mommy niya. Nanlumo siya ng makitang wala na ang isang binti ang kanyang mommy. Agad na pinasibad ni Bhella ang kanyang sasakyan para dalhin si Arabelle sa hospital.
“A-anak h-huwag mo na a-akong d-dalhin sa hospital. P-patawarin mo ako b-bhella.”saad pa ng mommy ni Bhella. Nahihirapan na ito sa paghinga dahil sa sakit.
Shut up mommy, lumaban ka kung gusto mong patawarin kita. Kapag may mangyaring masama sayo hindi ako dadalo sa burol mo. Kapag hindi ka lumaban hindi kita patatawarin. You owe me a lot of explanation kaya kumapit ka. Masamang damo ka di ba? Puwis ngayon mo patunayan na masamang damo ka nga. Kailangan mong ipaliwanag sa akin ang lahat. Bibigyan kita ng chance na magpaliwanag kaya dapat kang mabuhay. Huwag mong lisanin ang mundo na hindi mo ikukwento sa akin ang mga nangyari sa buhay mo.
“H-hindi ko d-deserve na m-maging m-mommy mo. M-mapatawad ohooo mo lang a-ako s-sapat na.”si Arabelle.
“Kung hindi mo deserve ang maging ina ko bakit ka pa nagpakita sa akin. Kapag sinabi kong lumaban ka lumaban ka. P*tangina huwag kang duwag Arabelle Santiago kung ayaw mo na tayong dalawa ang sabay na mamatay ngayon. Kaya kitang sundan sa himlayan mo para makuha o marinig ko ang mga paliwanag mo. Ngayon na nagpakita ka huwag mo na akong takasan pa. Ang lakas ng loob mong itapon ako sa baha tapos ngayon dalawang bala lang ang bumaon sa karne mo naging mahina ka na.”kausap ni Bhella sa kanyang ina.
Sinadya ni Bhella na mag-ingay para hindi pumikit ang mga mata ng kanyang ina. Kinapos na ito sa hininga partida pa na wala itong oxygen.
Pagdating sa hospital, agad na pinaasikaso ni Bhella sa nurse at doctor ang kanyang ina. “She is in a critical condition and we don't have time. “I'm a psychiatrist doctor Reilley Bhella Valdez. I am the daughter of doctor Benedict Valdez. Please allow me to assist the attending doctor to remove the bullet on my mother's back. Sumang-ayon naman sila at ipinasok sa loob ng OR si Arabelle. Kinabitan kaagad ito ng oxygen at pinadapa. Nagsuot na din sila ng PPE at hinanda na ng nurse ang mga kagamitan sa surgery.
Pinasadahan ng scanner ang katawan ni Arabelle para malaman nila kung gaano ba kalalim ang pagkabaon ng bala.
“Get ready guys simulan na natin!”sabi ni doctor Basco.
Habang nasa kalagitaan na sila ng surgery, biglang nag-flat line ang monitoring machine.
“Mommy huwag kang magbiro ng ganyan,”saad ni Bhella....