chapter 57

1926 Words
Third person pov The right person won’t just love the easy parts of you. They’ll show up when your world feels too heavy to carry. When your heart is tired and your mind is messy. When you’re not your best, not even close. They won’t run when you fall apart. They’ll sit with you in the chaos and remind you you’re still lovable. Still worthy. Still enough. Love like that doesn’t wait for the perfect moment. It shows up in the middle of the storm and says, “I’m not going anywhere." Because real love isn’t looking for a flawless version of you. It’s looking for the truth. And the truth is, you deserve someone who stays. “Welcome back Bhella apo!”si Lola Ester. It's a long time no see po la hehe, si Lolo po nasaan? Katulad parin ng dati ang hacienda Ramos. A place where I grown up, nakaka- miss rin pala. Nasaan po sina papa Kulas at mama Perlyn la? “Nasa kusina si Perlyn nagluluto ng ating pananghalian.”sabi ni Lola. Ah ganun po ba? Oppa bakit mo ibinaba ang gamit ko? Uuwi ako sa bahay ngayon may trabaho pa akong gagawin. “At sino naman ang nagsabi sayo na umuwi ka ngayon sa bahay ninyo. Tingnan mo nga la, napakasama ng ugali,”sumbong ni Ryan sa kanyang Lola. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Dalawang buwan din tayong magkasama ah paikot-ikot sa buong Mindanao. “Tumahimik ka Mrs. Park!”takip ng daliri ni Ryan sa bibig ni Bhella. “Masaya akong nakita na magkasundo na kayong dalawa. Hindi ko talaga inakala na makikita pa namin ng Lolo mo ang tagpong ito.”si Lola Ester. Hindi talaga natin hawak ang tadhana. Kung talagang nakasulat na ito mula ng isilang tayo sa mundo at sadyang hindi na mabubura. Kahit pipilitin mo pang burahin babalik at babalik parin ito sa kung saan ito nakalaan. Mama Perlyn kumusta po? Na miss ko kayo, si papa Kolas po nasaan po ba? “Bhella anak kumusta kana? Si papa mo katulad parin ng dati nasa sakahan nakatuka para tingnan ang mga trabahante.”sagot ni mama Perlyn. Si Elsie po nasaan? “May lakad yata kaya umalis kaninang umaga,”sagot ni mama. Masaya nilang pinagsaluhan ang mananghalian. Hindi nga pumayag si Ryan na umuwi ako sa bahay namin. Syempre hindi pwedi na hindi mabinyagan ang kanyang kama. oooOooo The last time na umuwi si Bhella hindi niya na enjoy ang pagbisita sa Miller Ranch dahil bukod sa nagkita sila ni Ryan. Kailangan niyang bumalik sa America para sa final report at debate nila ni Brent sa law school. Kasama niya ang kanyang ama, ito ang kanyang tour guide sa loob ng malawak na Rancho. Pinakita nito hanggang sa dulo ng bahagi. Tiyak na malaki ang nagastos ni Brent dito dahil pinalagyan niya ng bakod ang buong nasasakupan ng Hacienda. Malaki pala ang lupain ng mga Buenavista at hindi ito basta-basta. Dahil sa lupaing ito nagawang ipapatay ang mga magulang ni Brent ng mga sakim niyang kamag-anak. Masama talaga ang naidulot ng kasakiman. Dahil walang awa silang kumikitil ng buhay para makuha lang ang kanilang nais kamkamin. Na miss niya ang pangangabayo kaya heto at nakasakay siya sa kabayo na binili ng kanyang ama para sa kanya. Hindi na ito nakilala ni Bhella ngunit nagtaka siya ng tumakbo kaagad ito palapit sa kanya ng makita siya nito. Sa labis na pagkatakot tumatakbo din si Bhella dahil ang akala niya galit ito sa kanya. Sumisigaw pa si Bhella ng “Daddy ko tulong, help, help” habang tumatakbo. “Bhella stop! Kabayo mo yan noon, na miss ka niya,”sigaw ni Benedict. Huminto naman si Bhella ng marinig ang sinabi ng kanyang ama. Lumingon siya sa kabayo na marahang tumatakbo. “Bhalla? Ikaw ba yan? Tumango ang kabayo at nag-ingay. Agad na naiyak si Bhella dahil naalala parin siya ng kanyang alaga. Agad niya itong niyapos at hinalikan ang leeg. “I miss you too, salamat at hinintay mo ako.”sabi ni Bhella. Walang imik rin ang kabayo na isinandal sa balikat ni Bhella ang ulo nito. Isang patunay na ang mga hayop ay may damdamin rin katulad ng mga tao. Hindi man sila nakapagsalita to express their feelings eka nga “action speak louder than words.” Naisipan ni Bhella na gamitin ang kanyang mental telepathy sa kanyang kabayo. Pumikit muna siya bago ito tiningnan sa mata? “Na miss mo ba ako?”tumango ito at dumaloy pa ang luha sa mata. Huwag kang umiyak, you're Bhella is here already. Na miss din kita, ang akala ko hindi na ako makakabalik pa dito sa Davao. Hindi ko akalain na makita kitang muli kaibigan ko."saad ni Bhella. Hinila siya ng kabayo at isinandal muli ang ulo nito sa balikat ni Bhella. Si Benedict naman ay sobrang namangha sa kanyang nasaksihan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhanan ng video ang dalawa. “Inalagaan ka ba ni papa Kolas?”tumango ulit ang kabayo. “Hindi ka niya pinagtrabaho sa sakahan?”umiling ang kabayo. “Ang kabayong dala ng papa mo anak ko yan. Paano mo nabasa ang laman ng utak ko? Noon kinakausap mo ako pero hindi mo naman naiintindihan ang sagot ko,”tanong ni Bhalla. “May anting-anting na ako hahaha, natamaan ako ng kidlat at pumasok sa utak ko ang boltahe ng kuryente,”natatawang sabi ni Bhella. Umingay ang kabayo at umiiling-iling ito. Hindi naniwala sa kanyang sinabi. “Joke lang, mga apat na taon na siguro ng malaman ko na may kakayahan pala akong bumasa ng nilalaman ng utak ng mga nakakaharap ko. “Na meet mo na ba ang mga anak ko, Bhalla?”tumango ang kabayo sa tanong ni Bhella. “Masaya silang sumakay sa likod ko, at ipinasyal ko sila. Ang anak mong lalaki mana sayo, kaya pala kinausap niya ako gamit ang mata niya. Sabi ko ako ang bahala at tumango ako. Kaya pala tinapik niya ang pisngi ko tyanak din pala ang anak mong lalaki.”sabi ni Bhalla. “Maldito ka rin inisnaban mo ang anak ko. Daddy ko, nakausap din ni Bryn si bhalla.”saad ni Bhella. “Kaya pala magkasundo sila buong araw. Kapag naglilikot si Nica sa likuran ni Bryn humihinto siya at nag-iingay kaya sinisita kaagad ni Bryn si Nica at sinasabihan na huwag malikot”saad naman ni Benedict. Pumunta sila sa kung saan natatanaw ang magandang views ng Miller Ranch at ang malawak na sakahan nito. Napaka sariwa ng hangin, may bagong tree house na ginawa. Napaka ganda naman at talagang matibay ito. Ang ginamit sa bubong ay dayami ng palay. “Kailan ginawa yan daddy ko?”tanong ni Bhella. “Last month lang minsan dito din naglalaro ang mga apo ko. Dito sila pinapasyal ni Bhalla.”sagot ni Benedict. “Tour guide pala ng kmabal itong best friend ko.”natatawang sabi ni Bhella. Si Bhalla ay hinayaan lang nilang kumain ng damo sa paligid. Pati ang kabayong sinasakyan ni Benedict. Anak ito ni Bhalla kaya hindi rin ito lumalayo. Hindi na nito kailangan ng tali dahil kahit pumunta sa malayo kusa naman itong bumabalik. “Anak I'm sorry kung nasaktan kita noong kaarawan mo. Pwedi ba tayong mag-usap ng masinsinan?”si daddy ko. Heto na nga ba ang sinsabi ko eh, double purpose ang pagsama ng aking ama sa akin dito. Ipagpilitan na naman nito na kausapin ko si Arabelle, ang ex niya. Ex nga ba? Bakit hindi humanap ng karelasyon si daddy ko? Ang malandi niyang ex kaya ang hinintay niya? Anong pag-uusapan natin daddy ko? Tungkol po ba yan sa ex mo? Ganyan ka ba talaga kabait daddy ko? Na kahit iniwan kana sa eri noon at gusto na niya akong patayin nagawa mo parin siyang patawarin. Kung sa bagay mahal mo eh syempre mananaig ang sinisigaw ng iyong puso. At hindi naman ako namatay kaya walang dahilan na magtanim ka ng galit sa kanya. Huwag mong ipagpilitan sa akin dad na patawarin ang babae mo. Hindi ko hiniling sa diyos na sa inyo ako mapunta. Itinadhana lang ako na mabuhay mula sa dugo at laman ninyo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan akong pagmalupitan ng babaeng nagluwal sa akin. Kung sa bagay kung hindi dahil sa mga magulang niya matagal na akong na flash sa bathroom. Ang mga magulang lang naman niya ang dahilan kung bakit kailangan niya akong buhayin. Binantaan siguro siya ng mga yon na mawawalan siya ng mana kapag pinalaglag niya ako. Nang mamatay si lolo at lola madali lang sa kanya ang patayin ako. Dad, masamang tam*d mo ako kaya pilit man akong pinapatay nabubuhay parin ako. Huwag na kamo siyang lumapit sa akin dahil kahit ilang ulit niya man akong pagtangkaang patayin hindi parin siya magtatagumpay. Magsasayang lang siya ng kanyang effort, huwag mo siyang palapitin sa mga anak ko dahil baka sa selos niya na nagkalahi ako may masama pa siyang gagawin sa mga bata. “Reilley Bhella! Ano ba yang pinagsasabi mo? Pakinggan mo muna ang ina mo bago ka magwala. Bigyan mo siya ng pagkakataon para marinig ang side niya. Hindi mo pa alam ang mga pinagdaanan niya.”mahinahong saad ni Benedict. “Pakinggan? Ang alin daddy ko? Ang drama niya? Huwag na uy, baka bigla pa akong saksakin,”nang-uuyam na saad ni Bhella. “Hindi ka naman ganyan katigas ah. Bakit ngayon ay nagmamatigas ka? Malaki rin naman ang kasalanan ni Ryan sayo at halos patayin ka na rin niya. Siya pa ang naging dahilan kung bakit nawala ang isa mong mata. Binigyan mo siya ng pagkakataon na bumawi at ngayon nga pinatawad mo na siya ng tuloyan. Bakit ang ina mo ayaw mong bigyan ng chance na bumawi o chance na makausap ka man lang. “Mahal ko ang ama ng mga anak ko dad, mahal na mahal ko kaya binigyan ko siya ng chance para bumawi. Pangarap ko ang magkaroon ng masayang pamilya. At di Ryanair Park lang ang gusto kong maging ama ng mga anak ko.”taas boses na saad ni Bhella. “Mahal ko rin ang mommy mo kaya gusto kong magkaayos na kayong dalawa. Kahit para lang sa akin anak kausapin mo at pakinggan ang panig niya,”pakiusap ni Benedict. Nainis si Bhella kaya bumaba siya ng tree house. Tinawag niya si Bhalla para umuwi na sa mansion. Ayaw niyang umiyak sa harap ng daddy niya kaya pilit niyang pinipigilan ang kanyang mga luha. oooOooo Pagkauwi niya sa mansion ng daddy Patrick ibinalik ni Bhella si Bhalla sa kwadra nito. Nagwawala ang kabayo na tila ayaw siyang nitong paalisin. Kaso magulo ang kanyang utak at wala na siya sa mood na kausapin ang alaga. Nag-iingay at nais na nitong kumawala sa kwadra. Hindi na ito pinansin pa ni Bhella. Umakyat siya sa kanyang silid at kinuha niya ang kanyang cellphone para tinawagan si Ryan. Hindi ito sumagot kaya naisipan niyang puntahan nalang ito sa opisina nito. Si Arabelle naman ay naghihintay sa lobby ng opisina ni Ryan. Despirada na siyang makausap ang kanyang anak. Kaya nais niya sanang magpatulong sa fiance ng anak para tulongan silang mag-ina na magkausap. Nang tanungin niya ang receptionist sa kompanya ni Ryanair Park. Sinabi ng mga ito na may importanting board meeting ang amo. Kaya naghintay nalang siya sa isang upuan malapit sa reception area. Habang naghihintay na matapos ang meeting ni Ryanair Park nakita niyang pababa ng sasakyan ang anak niyang si Bhella....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD