chapter 43

1822 Words
Ryan pov Alas onse na ng umaga tulog parin ang mga nalasing kagabi. Ako tipsy lang dahil ayokong mawalan ng sense. Umasa kasi ako na baka hilahin ako ng mga bata at doon patulogin sa kwarto ng mommy nila. Ngunit hindi nangyari ang aking nais mangyari. Umaga na kami natulog ni pareng Justine dahil sa mga pinag-uusapan namin Flashback.... Ang hirap pre, abot kamay ko na pero hindi ko halos malapitan. Kung amazona ang mga asawa ng kaibigan natin. Si Bhella daig pa si Gabriela Silang sa bangis. Nakakatakot lapitan, at dapat na iniingatan ko ang aking mga bibitawang salita. “Mahal mo na talaga? Kailan mo exactly nalaman na mahal mo na nga siya?”justine asked. Actually noong nag-aaral pa tayo sa Manila. Alam nyo naman na kahit Oppa ng Oppa mga kaklase natin hindi ko pinapansin. Kasi that time I like someone na at si Bhella iyon. Kaso kapag gusto kong i-push ang feelings ko nadi-disappoint ako dahil maraming sinasabi si Elsie against Bhella. “So, you mean all along nariyan pala si Elsie para gatongan iyang utak mo.”si Justine. Oo eh, tapos akala ko kasi totoo ang mga sinasabi niya. Kasi simula ng dumating si Bhella sa poder ni Lolo Sergio magkasama na sila palagi. Before na may nangyari sa amin sabi kasi ni Elsie sanay na daw si Bhella sa mga lalaki. Inaakit daw nito ang mga trabahante ni Lolo. Then, nang dalhin siya sa hospital pagkatapos nang may nangyari sa aming dalawa. Pumunta ako sa isang lugar sa hacienda para mag-isip ng maayos. Ang gulo na kasi nang utak ko noon dahil nalaman ko rin na sa aksidente ni Bhella na ako ang may dahilan nabulag pala siya. When I realised everything umuwi ako para humingi ng tawad at kung anuman ang nais ni Lolo tatanggapin ko. Handa na akong panagutan ang kasalanan na nagawa ko kay Bhella. “Pero hindi mo na nagawa dahil umalis na siya, ganun ba? Talaga ngang nakakatanga ang pag-ibig dahil kung kelan wala na saka mo malalaman na importante na pala siya sa buhay mo. But I salute to Bhella dahil napakabuti ng kalooban niya. Sa dinami-dami mong kasalanan na nagawa sa kanya hindi niya ipinalaglag ang batang nabuo sa isang pagkakamali. Ngayon nauunawaan ko na si Bhella kung bakit naging fierce na siya. Ikaw pala ang bumuo sa ugali na meron siya ngayon. She's lucky dahil nahanap niya ang kanyang totoong pamilya sa oras na lugmok siya. What if mag-isa lang siya noon? Sa tingin mo may Bhella pa kaya na makilala namin ngayon. Pag-isipan mo nang mabuti bago ka gumawa ng maling hakbang o desisyon pre. Hindi ka nagka-girlfriend pa dahil hinihintay mo si Bhella. Kung nagkaasawa pala si Bhella tatandang binata ka.”pang-aasar pa ni Justine. End of flashback.... oooOooo Habang tulog pa si pareng Justine lumabas muna ako at nagpaalam sa guard na lalabas ako saglit para bumili ng bulaklak. “Daddy, daddy wake up! Let's have our lunch. Open the door daddy.”nagwawala si Nica sa labas. “Hey princess! What happened?”si Justine. “Hi Tito bliss you, let's eat our lunch.”si Nica na nagmano pa kay Justine. “Daddy c'mon go to our mommy room and wake her up.”sabi ni Nica. Kasama si Nica papunta na kami sa room ng mommy nila at bitbit ko ang bouquet ng flowers na binili ko kanina. “Pursegido ah, nakabili kaagad ng bulaklak.”si Justine. Natulog pa nga ito, at talagang napagod yata ito kagabi. Nakanganga pa habang mabining humihilik, how cute. “You make gising mommy, I'm going outside now. Don't be duwag, don't worry if she kick you.”saad ni Nica saka umalis. Napamura nalang ako ng malaman na nilock niya ang pinto. Gusto pa ng anak ko naapahamak ako. Wala na akong choice kaya ginising ko na siya. Oh my goodness its a torture, magkasakit ako sa bato sa kagandahan niya pero wala akong magagawa. Pagkatapos kong gisingin bumaba ng kama na parang wala ako. Ang ganda ng legs niya pasok na siya sa modelling. Jerkkk ano ba itong iniisip ko, dinaig ko na yata ang manyak sa kantol. Habang nasa banyo siya tinitingnan ko ang mga pictures ng aking mag-ina. Marami pala siyang achievement at ang mga anak namin ay marami na ring nakuhang mga award. Thank you Lord for all this blessings. “Umalis ka dahil wala akong dalang damit.”biglang sigaw ni Bhella mula sa washroom niya. Kaya bigla akong natawa dahil nakaisip ako ng kalokohan. Hindi nga ako makakalabas dahil isinarado nila. Sige lumabas kana tatalikod nalang ako. Akala mo naman may dedey at puw*t eh. Kapag nakatapis ka ng tuwalya baka pagkamalan ka lang na turon o di kaya'y lumpiang shanghai. “Oy buknoy kang giraffe ka kung makalait eh akala mo may maipagmamayabang. Tumalikod ka, kapag lumingon ka babalian kita ng buto buang ka.”sigaw pa niya. Kaya naman tumalikod na ako para makalabas na kami at makapag-pananghalian. Tama ba ang pagtalikod ko? Eh kitang-kita ko ang mala porselana niyang hiya at likod. F*ck tumatayo ang alaga ko, napapalunok pa ako sa sarili kong laway. Marami naman akong nakikitang hubo't hubad pero bakit wala namang reaction. Bakit kay Bhella, nakatalikod lang siya gusto nang kumawala nitong aking armas. “Ahhhh manyak kang buknoy ka, nakatalikod ka nga nakatingin ka naman dyan sa salamin. Manyakis talaga kahit kailan di mapagkatiwalaan.”sigaw ni Bhella. Sssshhhhhh! So-sorry huwag kang maingay. Kasalanan ng salamin mo kung bakit nakaharap siya sa closet mo. “Hindi, sinadya mo talagang tumayo dyan sa salamin para makapambuso. Bwesit ka engineer ka pa naman ang sama mo manyak ka--- ohhhhmmmmmm. Sa pamamagitan ng halik sinilyohan ko ang bunganga niya. Binigyan mo ako ng dahilan para mapatikom iyang bibig mo Bhella Valdez. Dahil sa gulat nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi na nakagalaw na tila natuklaw ng ahas. Nasa baba nakatusok sayo ang makamandag na ahas Bhella. Matangkad si Bhella katulad ng daddy niya na halos magkasing-tanggad lang kaming dalawa. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon kaya iginalaw ko ang aking labi. At dahil nakanganga siya malaya kong naipasok ang aking dila sa kanyang bibig. Napapangiti ang aking diwa dahil hindi parin siya nakabawi sa kanyang pagka-shock. I push her backward at sabay na natumba kami sa ibabaw ng kanyang kama. Saka pa yata siya natauhan dahil humigpit ang kanyang pagkakapit sa akin. Pilit niya akong itinutulak para makaalis sa kanyang ibabaw. Ngunit hinigpitan ko ang pag-ipit sa kanyang hita. At pati paghawak sa kanyang kamay ay hinigpitan ko rin. Habang ito ay nakaposisyon sa kanyang ulo. Patuloy ko siyang hinahalikan dahil nakaramdam ako ng labis na pagkapanabik. Ramdam kong lumambot na ang kanyang depensa. Pero hindi parin siya gumanti sa aking mga halik. Hindi siya marunong humalik, at masaya ako sa bahaging iyon. Nakakataba ng puso na ang babaeng minahal at hinintay ko ako parin ang may pag-asang magturo para sa kanyang karanasan. Let's explore the world of intimacy my Bhella. “Daddy, daddy! Is mommy awake? Mommyla just called you.”sigaw ni Nica at binuksan ang pinto. Stop there princess and close your eyes. Agad kong tinakpan ng comforter ang hubad na katawan ni Bhella. Natanggal kasi ang tuwalya na nakatabing sa kahubdan niya. Though nakapagsuot naman siya ng panty. I tickle your mom baby because she don't like to go out. She said that she want to sleep again. “Uffff sleepyhead momma, don't you remember that today is your graduation. Carry her and bring her down dad. Everyone are waiting in the dinning area,”saad ni Nica at muling isinara ang pinto. “Umalis ka dyan, napaka manyak mo kasi buknoy ka. Ggggrrrr nakakahiya sa bata baka ano na ang isipin nun. Ngini-ngiti-ngiti mo dyan? Hindi ka nakakatuwa letson ka, pwedi ba umalis ka na dyan.”inis niyang sabi at tinutulak ako. Natawa nalang ako sa expression ng kanyang hitsura. Kaya ang ginawa ko ay gumulong sa kabilang side. Tsskkk isturbo ka talaga prinsesa ko, bibigay na sana ang mommy mo. “Ano? Anong binulong-bulong mo dyan? Umayos ka Ryanair Park at ilugar mo iyang kamanyakan mo,”bhella said. Pakiulit nga ng pagbanggit mo sa pangalan ko bhebhe ko. Ang sarap sa tainga eh, nakaka- sanitize ng mga tutuli. Sinamaan niya ako ng tingin at binato ng hanger kaya napahalakhak ako. “Huwag mo nang idahilan ang pinto. Bukas na yan kaya lumabas kana ng silid ko impakto ka.”masungit niyang sabi. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng anak natin bhebhe ko. Ang sabi niya bago siya lumabas “Carry her and bring her down dad. Everyone are waiting in the dinning area.” It's a loud and clear command bhebhe ko. And for your information hindi ko pweding suwayin ang utos ng aking prinsesa. Bakit nagba-bra ka pa bhe? Wala namang makakapitan iyang bra mo eh. Kahit anong effort niyan wala talagang masasabitan. Mas malaki pa yata ang dedey ko kaysa sayo bhebhe ko. “Ahhhhhhhh shut up jerk, stop your nonsensical jokes. Gusto mo na ba talagang bugbogin kita.”sabi pa niya. Okay lang kahit bugbogin mo pa ako. Basta magiging okay kana pagkatapos, basta kumalma kana at makipag-usap na sa akin ng maayos. Kahit gawin mo pa akong punching bag papayag ako. Nakita kong natigilan siya then she turn around para magsuklay ng buhok. Agad kong inayos ang higaan at sumunod sa kanya palabas ng silid. Nakatingin silang lahat sa amin, at ang mga kaibigan kong ogag na kagaya ko mapang-asar na tumatawa. “Okay na ba kayo? Alam nyo bang may parating pa tayong mga bisita.”sabi ni Tita Shaila. “Tita nariyan na yata silang lahat, timing for our lunch,”si Queen. Oh my goodness! My whole family is here. And what a f*ck my ate Rhianna narito din. Tumakbo kaagad sina Nica at Bryn para batiin ang kanilang mga Lolo at Lola. “Reilley Veronica “Nica” Valdez Park and Benedict Bryan “Bryn” Valdez Park, right?”si ate Rhianna. “Glad to meet you Tita Rhian, anneyong haseyo!”saad ni Nica. “Han-guk-eo-reul ha-se-yo? Saranghe Nica.”si ate Rhianna. “Hey Bhella! Long time no see, it's a precious moment to see you again.”lumapit kaagad si ate kay Bhella. Mahina ito sa tagalog dahil base in Korea ang buhay nito. “I will help you get revenge on this dumbass slow-minded jerk,”bulong pa ni ate at narinig ko naman. Napapamura nalang ako dahil nanganganib ang diskarte ko nito. Ito pa naman ang babaeng mas matapang pa kay Gabriella Silang. Nagmano si Bhella kina Lolo at Lola at pati sa mga Tito at Tita ko. “Kompleto na tayo, feel at home guys and let's have our lunch first saka tayo magkwentohan,"si Tita Shaila. “Isang battalion against you pre, may God bless you hahaha,"si Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD