chapter 42

1746 Words
Bhella pov Wala na nagkagulo na ang bahay namin dahil sa dami ng bisita. Itong si mommy naman ay tuwang-tuwa dahil kompleto daw ang mga guest niya. Sabi ni mommy mag order nalang daw kami ng mga pagkain. Sabi nina Afsheen at Clea hindi na daw nila kailangan. Sila daw ang magluluto ng pagkain para sa lahat. The boys decided na mag-grocery muna ng mga kakailanganin. Kaya binigyan sila ni Afsheen ng mahabang listahan. Kaming mga girls naman hinanda ang mga species na kakailanganin. Nag bake na rin ng cake at macaroni salad at pudding para sa panghimagas. “Bhella, many concert tayo mamaya. Nabitin ako sa performance mo eh, paano ba naman hindi mailove si haciendiro. Napaka talented naman ng langga niya”si Lessery. “Self study mo lang ba ang pagtugtog ng piano ate Bhella?”si Yette. Oo, naingganyo kasi ako sa piano ni Nica nang dumating kami dito sa America. Kaya inaral ko ang mga pyesa nito, hayon natuto naman kaya naging happy pill ko ang pagtugtog ng piano. Nagustuhan ni daddy Patrick ang pagtugtog ko tuwing umaga. Kaya gigising siya kapag nag-ingay na ako. “Ang bait din ni Mr. Miller noh kasi nakita naman natin na napaka full support niya kanina. Sobrang proud siya kay Brent at sayo.”si Clea. Mahal na mahal niya si mommy Shaila lahat ng luho binibigay. Pero alam nyo ba si mommy ayaw niya ng ganun. Palagi niyang sinasabi na, mahal mo lang ako sapat na. I'm not into your wealth, your love is enough. “Tama naman ang sinabi ni tita. Kasi katulad natin di ba kumikita tayo ng sariling pera kaya kailangan nalang natin true love. Pero hindi madali bago tayo nagtagumpay dahil dumaan tayo sa mga maraming pagsubok.”si Gracey. “Hindi madali ang maging asawa ng country's top engineers lalo na sa panahon ngayon na maraming higad na naglipana.”si Clea. “Girls namatay pala yong bata na inadmit ni Ryan sa hospital ko. Paano naman kasi malala na bago dinala sa hospital. Bakit naman kasi hindi humingi kaagad ng tulong kay Ryan ang ina nang bata,”si Afsheen. Nanlumo na naman ako sa aking narinig. Ibig sabihin may alam pala sila sa istorya ni Ryan. “Ang tanga mo Bhella, syempre magkaibigan ang mga asawa nila."saad ng aking kaluluwa. “Nandito na sila! Ang lutuan ng bar-b-que sa labas di ba? Hugasan natin tapos sila na nag bahalang maluto ng mga ito sa labas. Nakaluto na tayo ng kanin, limang kilong bigas kasya na siguro sa atin.”si Lessery. “Wow ang daming prutas ah, Atty. Miller okay lang ba sayo na isang taon kaming magbabakasyon dito sa mention mo?”biro ni ate Afsheen. “Feel at home ate Sheen, maraming kwarto ang mansion ni Daddy kaya kahit magpaampon kayong lahat walang problema.”sagot ni Brent. “Kaya pa ba girls? Kayo na ang bahala dyan. Magdi- day off muna ako sa kitchen ko huh.”si mommy. “Halika tita Shai tikman mo ang niluto namin kung pasok na po ba sa panlasa mo po.”sabi ni Afsheen. Pinatikman niya ang lahat ng mga desert. “Wow! A five star hotel menu na ito ah,”puri ni mommy. “Tama ka tita Shaila dahil ang dalawang ito ang master chef ng culinary arts. Si tita Sylvia ang mommy ni Queen ay chef at nagmamay-ari ng malaking hotel sa Canada at Pilipinas.”si Yette. “Really?”si mommy. oooOooo Naglapag kami ng carpet sa labas ng bahay. At inilatag ang napakaraming pagkain, not sure kung mauubos ba namin. Sina lolo at lola tuwang-tuwa din sa salu-salong hinanda namin. Picnic sa labas ng bahay at gamit pa ang kamay. Nakakaloka dahil kahit mga bilyonaryo sila ang galing nilang makisama. Walang kaarte-arte at walang kayabang-yabang sa katawan. Nakakailang dahil nakadikit sa akin itong buknoy na koreano. “Mommy, daddy I'm hungry,”si Nica. Akala ko ba busog kana sa pakikipaglaro mo? “Seat here baby, susubuan ka ni Daddy nasaan na ba ang kambal mo?”tanong ni Ryan kay Nica. “Mommy ang apo nyo po nakahanap ng bagong kakampi,”si Brent. Wala na out of place na ako dahil priority na nila ngayon ang daddy nila. Pero nakakadismaya yung pinag-usapan nila ni Afsheen kanina na namatay ang anak ni Elsie at Ryan. Hanggang ngayon gumugilo parin sa utak ko ang pinag-uusapan nila. Dahil nga pati pala sila alam ang mga pangyayari. Pero si Ryan bakit hindi niya aminin ang totoo? Sinungaling talaga hindi na nahiya sa mga pinaggagawa niya. Hanggang ngayon si Elsie parin ang mas pinaniniwalaan niya. He is a dumb jerk, gagamitan ko na ba ng third eye. “Bhe, kain kana gusto mo subuan kita? Say ahhh please.”sabi niya sabay umang sa akin ng pagkain. Hindi na kailangan dahil kayo ko ng kumain mag-isa. Total gusto mo rin namang magpakaama eh di subokan mo. Hindi na ako nag-abala pang tingnan siya at nagpatuloy na ako sa aking pagkain. Pagkatàpos namin na kumain, not totally tapos dahil nagkukwentuhan habang kumukutkot parin ng pagkain. Isang masaganang pagsasalo na puno ng kulitan at tawanan. Ang ganda pala ng samahan nila napaka solid at napakasaya. “Ate tumugtog kana, inilabas na namin ang mahiwaga mong piano.”sabi ni Brent. Hoy bakit mo inilabas yan? Daddy oh, nakakainis naman iyang tukmol mong anak. Kapag nasira yan mapapalitan mo ba huh? “Kahit ibili pa kita ng malaking tindahan ng piano kaya ko ate. Kaya huwag kanang kumuratsa dyan at tumugtog kana.”sabi pa ni Brent. “Alam nyo guys, galawin mo lang ang lahat ng gamit ni ate walang problema. Pero ang piano na yan kahit konting galos o kaskas di pwedi. Alam ko na super mahalaga sa kanya yan dahil iyan ang tanging ala-ala ni mommy at daddy from ate Veronica. Sa tuwing umaga tutugtog si ate Nica at ang musika na yon ang gigising kay daddy. Bakit ko inilabas ngayon sa harapan ninyo yan kahit alam ko naman na magagalit si ate Bhella. That's your question right? Dahil gusto kong makita kung paano siya mag-react. At gusto ko rin na makita ninyo kung paano siya magpahalaga ng isang importanting bagay. Ate Veronica's presence is already gone, yong siya mismo sa katauhan niya. But she is still here with us. I have her heart kaya patuloy akong nabubuhay. Malakas na ako, at kaya kong gawin ang lahat katulad ninyo. Because her heart 100% fit on my chest. And ate Bhella had her eye kaya palagi namin siyang kasama. Alam nyo ba kung gaano kabuti ng diyos. Kahit magkahawig si ate Veronica at ate Bhella. Binigay parin ng diyos ang mukha ni ate Veronica sa pamamagitan ni Reilley Veronica, the Nica de second na pati nunal ay kopyang-kopya. Huwag nyo nang itanong kanino nagmana si Benedict Bryan dahil polidong naman ang hitsura ng ogag niyang ama. Opppsssss huwag kang magalit dahil nasa poder ka ng mga magulang namin.”duro ni Brent kay Ryan dahil magrereact pa sana ito. “Btw, yon lang ang kwento ko share ko lang sa inyo dahil first time namin na magkaroon ng ganito kalaking gathering. Nakita nyo naman kung gaano kasaya ng hitsura ni mommy Shaila namin. Iiyak na yan kaso nahiya lang sa inyo ang mga luha niya. Mom, dad, daddy Ben alam nyo naman kung gaano ko kamahal right. Its perfectly 200 percent sure. 100 percent from Brent brain and 100 percent from ate Veronica's heart”pagpapatawa pa ng kapatid ko kay mommy. “Tama na nak, halos pangangapusan na ako ng hininga sa mga testemonya mo. I love you too both!”si mommy. Para matigil na ang drama ng aking kapatid pumunta na ako sa piano para pagtugtogin ito. Lessery and Yette join me para sila ang kumanta sa mga tinugtog kong latest kanta. Sobrang saya nang naging ganap buong gabi. At ang mga kalalakihan ay may wine pala kaya kompleto ang kasiyahan nila. Itong daddy ko ay napapansin ko na parang teenager. Todo bakod sa kanyang cellphone na usually hindi naman niya gawain. Inlove na kaya itong daddy ko? Natagpuan na kaya niya ang kanyang the one. Alamin ko nalang kapag peaceful na kami sa bahay. Hindi namin namalayan na umabot na pala kami ng 3 am. Bukas ng hapon na ang graduation namin ni Brent. Bilang awardees ano kaya ang mangyayari sa amin? Tumawag pa naman ang professor na kailangan daw maghanda ng Dean Lister speech. Kaya na ni Brent yon, mukhang may naipon naman yatang speech ang tukmol kong kapatid. Bago matulog tulong-tulong kami sa pagligpit ng mga kalat namin saka pumunta na sila sa kanilang mga rooms. Sila na ang bahala feel at home nalang sila sa mga silid nila. Si Justine at Ryan magkasama sa isang silid. Aba hindi pwedi sa silid ko dahil hindi pa naman kami bati. Mabuti nalang at naunang natulog sina Nica at Bryn. Baka kapag gising pa ang mga iyon mangungulit na naman na matutulog kami ng sabay sa iisang silid. Thank you God for everything.... oooOooo “Bhe, gising na manananghalian na daw,”may mainit na hiningang bumulong sa tainga ko. Haissttt panaginip lang yan! Inaantok pa ako kaya umungot-ungot pa ako. “Bhe, gusto mo kiss kita para magising kanang tuloyan?”sabi pa. Napadilat ako ng mata dahil hindi panaginip ang aking narinig. Nagulat nalang ako na nasa harapan ko na pala ang Koreanong hilaw. Anong ginawa mo dito? Paano ka nakapasok? “Syempre gamit ang pintuan, hindi naman ako myembro ng akyat bahay gang para sa bintana dumaan. Inutusan ako ni Nica na gisingin daw kita.”sabi pa niya. At tuwang-tuwa ka naman kaya sinunggaban mo ang pagkakataon. Lumabas kana nga ng silid ko, ang bastos eh. Sh*t ang suot ko manipis na night dress. “Bulaklak para sayo, I'm sorry!. Sana mapatawad mo na ako, mahal na mahal kita. Kahit hindi ka maniwala sa ngayon okay lang. Papatunayan ko sayo na sobrang mahal na mahal kita.”nagdrama na naman. Lumabas ka muna ng silid ko dahil maliligo pa ako. “Hindi ako makakalabas dahil isinarado ng prinsesa natin ang pintuan. Kaya maligo kana para makapag-lunch na tayo.”sabi ni Ryan. Gumawa na naman ng mga kalokohan ang mga makukulit kong anak. Kaya wala na akong magawa kundi ang bumaba ng kama at pumunta sa banyo. Bahala siya kung ano ang makikita niya, manigas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD