KUNG MARUNONG lang mangkulam si Donabella, hindi siya magdadalawang isip na kulamin ang halimaw niyang amo. Parang gusto niya ring tadtarin ito ng pinong-pino at gawing pataba sa halaman dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya. Matapos niyang talikuran ang binata kanina ay agad siyang bumalik sa penthouse at nagsimulang magluto kahit pa ng inis siya. Kasalukuyan siyang nakatitig sa niluluto niyang menudo hanggang sa biglang sumagi sa isipan niya na taktakan ng lason ang ulam. Ginulo niya ang sariling buhok at marahas na napailing. Nababaliw na yata siya. Kasalanan ito ng Redford Evans na 'yon saksakan ng yabang at sobrang itim ng budhi. Makahanap lang talaga siya ng butas dito ay sisiguraduhin niyang pababagsakin niya ito at ilulugmok sa putik. Marahas na namang napailing si Donabel

