PAGOD NA HUMILATA sa sofa si Donabella matapos siyang maglaba ng mga damit ng magpinsang Kysler at Redford. Bumuga siya ng hangin at inabala ang sarili sa pag-iisip ng paraan kung paano niya matatapos ang misyon niya bago matapos ang kasalukuyang buwan. Napailing ang dalaga nang bumalik sa kaniyang alaala ang ginawang paghalik sa kaniya ni Redford noong nakaraang araw. Hindi niya makalimutan ang tamis ng malambot nitong labi at mapagparusang halik na tila ba inuudyok siyang gumawa ng karumaldumal na kasalanan na magdudulot ng lamat sa relasyon nila ng kaniyang nobyong si Timothy. Nang mainip ay kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa saka tinawagan ang kaibigan na si Tatiana. Agad naman itong sumagot. [Hey, Donabella, glad you still remember me.] may pag tatampo sa tono ng pana

