Natatawa ako nang dumating ang isang ban. "Anong meron dito?" tanong ko kay Jacob. "Styrofoam ng hito at bayong ng itik," sagot niya habang nagkakamot ng ulo at makanguso. Mukhang problemado sa kanyang nakikita. Nang makita ko ang mga hito, hindi ako nakatiis at tumalon ako sa tuwa at may kasama pang palakpak. Nagtatakam ako sa mga ito, kahit buhay pa. Iniimagine ko kaagad ang itsura ng mga ito na naluto na. "Grabe, ang laki!" sabi ko. “S–Sure ka ba talaga dito, baby girl?” tanong ni Jacob sa akin na seryoso ko tinaasan ng kilay. Si Samuel naman ay tahimik lang assusual. Sa likod bahay at open space nila napagkasunduan na maglinis ng uulamin namin at doon na rin daw mag-iihaw. Gusto ko tumawa ng ang hito ay nalaglag sa damo at hindi mahawakan ni Jacob. Si Samuel naman ay relaxed la

