CHAPTER: 52

1425 Words

“Jeraine! Jeraine!” malakas na sigaw mula sa sala ang nagpalabas sa akin sa silid. Kanina pa ako gising at iniwan ko na nakabukas ang pinto, dahil nagliligpit ako ng mga luma na display dito sa bahay. Plano kasi namin na magpa-renovate. Mabilis ako bumaba ng hagdan at pagdungaw ko sa sala, ang kaibigan ko pala na si Fiona. Nakatingala din ito sa akin. “Ano ba, bakit ang ingay mo?! Palengkera ka na ngayon, gusto mo ipahabol kita sa mga aso ko?” nagtataray na tanong ko dito sabay ismid. “Beshy! Nasaan na si Joy? Dati kaligayahan ko ang anak ko na ‘yon. Ngayon, siya na ang papatay sa akin sa kunsumisyon,” umiiyak na sabi nito na ikinanguso ko. “Oh! Ano kinalaman ko sa anak mo? Bakit dito ka nagwawala?” tanong ko dito sabay hila sa buhok nito para sumama siya sa akin, papunta sa sofa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD