Ang pananatili namin sa siyudad ay naging masaya naman. Si Tita Lia ay isinama ako sa salon. Pinaayusan ako ng buhok at pinaayos din ang aking kilay. Nagpa-wax din kami na napakasakit pala, kaya't hindi na ako muling uulit na magpaganun. Namili din si Tita ng mga damit at binilhan ako kahit pa tanggihan ko. Sa totoo lang, hindi ako makapag pasya kung ano ang mga gusto ko, dahil nahihiya ako kina Kuya Jacob at Samuel. Ni hindi nga malinaw kung ano nila ako. Isa pa, hndi rin naman ako maluho na tao at sanay ako na kung ano ang meron ay yun na lang ang gamitin. Kaya lang, masyadong makulit ang mom ng dalawa. Wala akong nagawa ng kumuha na ito ng mga bags at mga damit. “Oh! Iiwan na lang kita dito, sure ka na okay ka lang? Tawagan mo si Jacob or si Samuel,” sabi ng Mommy ng dalawang la

