“Napapagod na ako, Kuya. Ang mga putang*na na mga babae na ‘yan! Sakit lang sa ulo. Lalo na si Angela at ang kanyang pamilya na mukhang pera,” naririnig ko ang nayayamot na boses ni Kuya Jacob. Hindi siguro niya alam na nandito ako sa opisina at nakahiga, nagpapahinga. Kadarating lang nito at ang malakas na paglapat ng pinto ang nagpagising sa akin. “Ano ba ang nangyari?” mahinahon na tanong ni Kuya Samuel. “Tigas ng mukha ni Angela, ang sarap itapon sa ilog na puro piranha! Paano kaya kami magkakaroon ng anak. E, nakasuot ako ng condom. Isa pa, halos tatlong buwan na ako sa haunted house mo. Ang ipinagbubuntis niya ay dalawang buwan pa lang mahigit.” Katahimikan ang namayani matapos magsalita ni Kuya Jacob. “Nadadamay kayong lahat sa gulo ko, Kuya. Grabe din ang pagbabanta ni Se

