CHAPTER: 3

1217 Words
“Architecture ang natapos ko Jeraine. Wala akong alam masyado sa human anatomy. Pero may naisip ako na paraan, para malaman mo.” Seryoso na sabi ko sa babae pero sa loob ko, natatawa na ako habang nakatitig sa inosente nitong mukha. Kahit paika-ika ito ng hakbang, mabilis na nakalapit sa akin. Niyakap ang braso ko, at pilit ko naman inaalis ang kamay nito. Pero sadyang may lahi ata na panda ‘to, iba manguyapit e. “Ano ‘yon, Kuya?” Nanginginang ang mga mata na tumingala ang babae sa akin. “Try to pee, tapos sisilipin ko saang butas nanggaling.” Seryoso na sabi ko sa babae. “Edi nasilipan mo ako! Ayaw ko nga! Ano ka siniswerte.” Padabog na sabi ng babae sabay bitaw sa braso ko. “Nakita mo na nga dede ko, makikita mo pa ang pekpek ko. No way! Maglaway ka d’yan!” Sabi pa nito na tinitigan ako ng masama. Aminado ako na sa ilang araw na pananatili nito sa aking bahay, kahit papano nalibang ako. Talking to someone who don't know your status in life even who you really are is a good thing. No judgement at all. “Bahala ka d’yan! Aakyat na ako. Baka bukas pala, aalis na ako kapag okay na ako. Pero pakiramdam ko ayos na talaga ako. Magrereport na lang ako sa barangay. Baka kasi ninakaw na ang mga pananim ko doon, pati mga alaga ko na hayop.” Hindi ako umimik, hinayaan ko lang ito at nagpanggap ako na abala ako sa pagtimpla ng aking kape. “Edi umalis ka, ang ingay mo lang naman dito. Sinisira mo ang pananahimik ko na matagal ko inalagaan.” Sagot ko dito. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa kanya si Celine. Ang katangian ng mga babae na gusto ko ay nasa kanya din. Maganda, straight forward magsalita, mahinhin at aminado na napakaganda ng hubog ng katawan. Yun lang nga at bata pa. “Pwede mo ako pigilan Kuya kung nalulungkot ka. Wala naman sa aking kaso ‘yun.” Pahabol pa na pang-aasar nito sa akin na hindi ko inimikan. Mabilis lang ako kumain ng almusal at naghanda na ako para mangaso. Mabilis akong sumampa kay Robin, ang paborito ko na kabayo. Pinatakbo ko ito ng mabilis at isa-isa ko sinilip ang mga patibong na ginawa ko. Hanggang makarating ako sa dulo na bahagi ng aking lupa. Napangiti ako at mabilis bumaba kay Robin ng makita ko ang isang baboy ramo na nahuli ng bitag ko. Itinali ko ang mga paa nito, bago ako sumampa sa aking kabayo at pinatakbo ito pabalik. Nakangiti ako dahil ang sabi ni Jeraine, huling kain daw niya ng baboy-ramo ay noong nabubuhay pa ang kanyang ama. Pero pababa na ako ng magwala ang baboy ramo at tinamaan si Robin ng lubid. Parehong nagwala ang dalawa at napulupot sa paa ko ang lubid. Dahilan para ma-out of balanced ako at mahila ni Robin. Mabuti na lang nahawalan ko ang isang mababang puno ng bayabas. Kayat napahinto ko ang kabayo, ngunit napapikit ako sa sakit, dahil mukhang napilayan ako. Napapangiwi na tumayo ako hila ang aking isang paa. Itinali ko lang ang baboy-ramo sa isang puno, at ganun din si Robin. “Hala! Kuya! Anong nangyari sayo?” Tanong ni Jeraine na mabilis nakatakbo sa aking pwesto. Inakbayan ko ito at naglakad na kami papasok ng malaking bahay. Nakabihis na ito ngyon ng maganda at mukhang nag-ayos pa. Ready na talaga sa kanyang pag-alis. “Teka lang, kukuha lang ako ng malinis na tubig at langis, pati na din yelo.” Paalam nito, sabay talikod. Hindi naman nagtagal, bumalik ito na may dala na planggana. Hinubad nito ang suot ko na bota at napangiwi ako sa sakit. “Kilala na manghihilot at albularyo ang Nanay ko ng nabubuhay pa siya. Kaya't magtiis ka, aayusin ko ang buto mo na tumabingi, habang hindi pa masyadong namamaga.” Sabi ni Jeraine na seryoso ang mukha. “Ayaw ko nga! Tatawag ako ng Doktor, baka mamaya mas mapasama pa.” Sagot ko dito. “Kuya, sa layo ng bahay mo na ito, ilang oras pa ang tatakbuhin ng sasakyan bago makarating dito?” Baka magang-maga na ang paa mo kapag dumating ang tulong na sinasabi mo.” Nakasimangot na sabi ni Jeraine. Hindi na ako nakipagtalo, pinabayaan ko ito sa gusto niya mangyari. Nilinis nito ang paa ko, hanggang binti. Nilagyan ng baby oil ang aking bukong-bukong at halos magka-ihi ako sa labis na sakit ng ginawa nitong paghilot. “Teka lang, may bandage ka ba diyan or luma na damit?.” Tanong nito na hindi ko nasagot. Dahil nanghihina ako sa sakit. Tumayo ang dalaga ay hinila niya ang laylayan ng kanyang suot na dress. Hanggang sa ang matira na lang ay sobrang ikli at kita na ang singit nito. Umiwas ako ng tingin habang binablutan niya ng tela ang aking paa. Napalunok ako ng aking laway ng tumayo ito at tumapat sa mukha ko ang kanyang p********e. “Okay na, Kuya! Halika na dito ka na lang muna sa sala, hindi kasi pwede mabugbog ang paa mo.” Nagpatianod na lang ako sa gusto nito mangyari. Wala din naman akong lakas magsalita o makipagtalo. Pagbalik ng babae, nakasuot na ito ng shorts na cotton at ng damit na manipis na bakat ang kanyang u***g. Parang ngayon, nagsisisi ako bakit ganyan na mga damit ang pinabili ko para kay Celine. Witty and naughty kasi ang kasintahan ko. Isa pa, mahilig siya at natutuwa ako na manyakin si Celine, dahil hindi naman tumatanggi ang babae noon, kahit saan kami abutan ng libog. Pero ngayon na suot na ni Jeraine ang mga damit. Masakit na nga ang ankle ko, masakit pa ang puson ko. “Hoy, engkanto na Kuya! Umamin ka nga sa akin. Ikaw ba sinadya na maaksidente para lang hindi ako umalis dito? Nakakainis, makikita ko na sana ang crush ko na kargador ng bigas sa bayan ‘e.” Nakasimangot at nagdadahog na sabi ng babae sabay upo sa tapat ko. “Seriously?! Hindi kita type, wag kang feeling!” Naiinis na sabi ko dito. Pero ng lingunin ko, parang iiyak na ito at namumula na ang buong mukha. “Hindi din naman kita type. Lagi ka pang galit at nakasigaw. Mukha ka pang unggoy na engkanto!” Malakas na sabi nito sabay alis na nagdadabog. “Nagugutom na ako, magluto ka na.” Utos ko dito na huminto sa paglalakad at nilingon ako. “Oo na! Magtiis ka sa mga gulay. Hahahaha!” Parang mangkukulam na tawa nito. Pinagpawisan ako ng malamig dahil ramdam ko ang kirot ng aking paa. Pero takot din ako, dahil dati na nagrequest ito ng gulay, di ko ipinagluto. Dahil nga hindi ko talaga gusto ang mga gulay. “Kung ano ang ihain ko, yun ang kainin mo. Kung ayaw mo, magluto ka ng sa’yo.” Sabi nito na gayang-gaya pa ang pagkakasalita ko dati. “Ginisa na amplaya with egg. Torta na talong. Sinabawan na gulay. Nandyan na ako!” Malakas na sigaw nito na tila ba nagtatakam sa pagkain. Iba din talaga ito. Samantalang si Celine, kung ano ang gusto ko, yun ang nasusunod. Ang babaeng ‘to, kung ano ang gusto niya, yun ang kanyang gagawin. At walang pakialam sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD