CHAPTER: 4

1209 Words
“Ano ‘to?” Tanong ko kay Samuel ng abutan ako nito ng kulay itim na parang ATM. “Black card yan, lumabas ka. Pumunta ka sa bayan mag shopping ka. Bayad ko yan sayo, sa pag-aalaga mo sa akin at paghilot mo ng paa ko.” Sabi ng engkanto sa akin. “Pwede ba yan sa palengke?” Nang-aasar na tanong ko dito. “Hindi, sa mall lang.” Kunot noo na sagot naman nito. “Hindi naman pala. Ano naman ang gagawin ko sa mall. Lahat naman ng kailangan ko nandito. Isa pa, hindi naman kita sinisingil ah? Sapat na sa akin na kumain.” Sagot ko sa lalaking engkanto sabay abot ng card sa kanya. Magsasalita pa sana ito ng makarinig kami ng ugong ng sasakyan. Nagkatinginan kami at mabilis na pumunta sa main door. “Kuya Sam! Wooooooh!” Maingay na sigaw ng kung sino na lalaki. Parang slow motion ang lahat. Mula sa pagbubukas ng lalaki sa pintuan, maging sa pag ngiti nito habang pa labas ng pinto. Humakbang ito papalapit sa aming kinatatayuan at ng makalapit ito, nakilala ko na ito ang sikat na modelo. Si Jacob Villania. Natulala ako ng lumapit ito sa engkanto at humalik sa pisngi ng lalaki. “Hi baby girl.” Pagbati sa akin ni Jacob na hindi ko kaagad nasagot. Sa palagay ko, panganay ito sa akin ng walong taon. “H—Hello po, Kuya.” Ganti na pagbati ko naman dito. Parang nakakahiya naman na tawagin ko ito na Jacob lang. “Kuya, bakit naman ang bata ng ibinahay mo? Akala ko ba galit ka sa babae?” Si Jacob na tinakpan ni Samuel ang bunganga. “Ano ba ang ginagawa mo dito?” Kunot noo naman na tanong ng engkanto. Para maiwasan ang tanong ng kapatid. Hanggang sa nagpaalam ako na maghahanda muna ng meryenda. Para na rin bigyan sila ng privacy na makapag-usap. Naalala ko, ang modelo na ‘yun ang crush na crush ko. May poster pa nga yun na kalendaryo sa bahay. Kahit lipas na ang taon, nakadikit parin sa dingding ng aking kubo, dahil ang ganda ng katawan ng lalaki. Malayo sa mga kalalakihan na nagkakagusto sa akin na maging kuko, marumi. Aanhin ko naman ang gwapo nila na mukha, amoy baktol naman. Nagbabalat na ako ng kamote at gagawin ko na kamote que. Masarap na meryenda kapag pinaresan ng kape. Sakto dahil hapon na rin. “Oh heto, merienda muna kayo mga Kuya.” Nakangiti na sabi ko, sabay lapag ng pagkain. Nakatitig ng masama ang engkanto sa akin na tinitigan ko din ng masama. Dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang tingin niya sa akin. Inismiran ko na lang ito sabay lakad ko patungo sa kusina. Iniisip ko kung ano ba ang nagawa ko sa engkanto na ‘yun. Umiling na lang ako dahil baka may topak na naman ito at nag-iisip ng maaaring lutuin ko na ulam. Dahil bagong deliver ng supply namin ngayon, puno ang tatlong refrigerator ng laman. Inilabas ko ang isda na lapu-lapu at plano ko ito na steam na lang. Naglabas din ako ng kangkong na gigisahin ko lang sa garlic at butter. “Bulaga!” Sisigaw pa lang sana ako ng mabilis natakpan ni Kuya Jacob ang bibig ko. “Girlfriend ka ni Kuya Sam?” Tanong nito sa akin sabay alis ng kamay na nakaharang sa aking bibig. “Hala! Hindi po, Kuya. Napulot lang niya ako dito. Ang tanda na kaya nun sa akin. Labing siyam na taong gulang lang ako. Si engkano marahil ay lampas na sa kalendaryo.” Sagot ko sa lalaki na nangingiti. “What did you call, Kuya? Engkanto?! Hahaha! Tapos matanda pa! Hahahaha!” Si Jacob na malakas ang tawa ngayon. “Shut-up, Jacob! Labing-isang taon lang tanda ko sayo, Jeraine. Paano ako naging matanda? Baka anuhin kita d’yan! Masabi mo na lang, Kuya sige pa.” Sabi ni Kuya Samuel na hindi ko maintindihan. “Doon na nga kayo! May ginagawa ako dito ‘e. Mga abala kayo!” Sigaw ko sa dalawa. Hindi ako nagpahalata na kilala ko si Jacob. Kahit ang totoo, hinahangaan ko ang lalaki noon pa man. Pareho sila gwapo ni Kuya Sam, masungit lang kasi ang engkanto at mukhang mabait si Kuya Jacob. “Nice pair of bobbies!” Sabi ni Kuya Jacob bago tumalikod. Nakita ko pa ito na nakatitig sa dibdib ko. Mukhang kabaliktaran ni Kuuya Samuel si Kuya Jacob. Ang isa ay mainitin ang ulo, habang ang isa ay maligalig. Nayayamot ako na hinila si Jacob na nakatunganga pa rin kay Jeraine. Naiinis ako na para bang minanyak na niya ang babae at para bang hinubaran na sa kanyang isip. “Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo naman s’ya kasintahan, sabi mo. Edi pwede ko ng pormahan.” Nakangisi pa na sabi ni Jacob. Naiinis ako dahil alam ko na babaero ito. “Ayusin mo muna sarili mo, sa sobrang kalikutan ng alaga mo, pati asawa ng may asawa pinakialaman mo. Tapos ngayon, ginagawa mo pang hideout ang bahay ko.” Sabi ko dito. Noon pa man pasaway na talaga ‘to. Kasundo ng kakambal ko na si Sofia. Pareho spoiled at ginagawa ang gusto nilang gawin. At hindi na iniisip ang kahihinatnan. “Aba! Malay ko ba na may asawa pala ‘yun na Senador. Ang bata pa kasi, tsaka lumuhod kaagad sa harapan ko, alam mo naman. Lahi tayo ng maawain, hindi ba? Kaya't pinagbigyan ko na.” Tatawa-tawa na kwento ni Jacob. Naiiling na lang ako sa kalokohan ng babaero na ‘to. Dati, hinabol na ng itak. Ngayon naman pinagbantaan ang buhay. “Hindi ka na kasi umayos. Hindi ka na bata, hindi ka pa magtino.” Seryoso na sabi ko dito. Humarap naman sa akin si Jacob at pinakatitigan ako. “Kuya, liligawan ko nga si Jeraine, promise kapag kinantot ko, pakakasalan ko kaagad.” Hindi ako nakasagot kaagad sa sinabi nito. Dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa babae, sa loob ng maikling panahon ay nakasanayan ko na rin ito. “Maghanap ka na lang ng iba, tigilan mo si Jeraine na nananahimik dito.” Sagot ko sa aking bunsong kapatid, sabay iwas ko ng tingin dito. “Alam mo, hindi mo ako maloloko, Kuya. Kanina, sa pananamit pa lang, parang si Ate Celine ang nakikita ko. Pero ng magsalita at kumilos, malayo pala sila. Si Jeraine ay bina-balagbag ka ng sagot, habang si Ate Celine, laging tango lang sayo ng tango. Remind lang kita Kuya. Si Ate Celine, flirty ‘yun. While Jeraine is innocent. Don't be confused. Unfair naman kay Jeraine kung si Ate Celine ang nakikita mo sa kanya. Wag mo subukan itanggi. Dahil kilala kita. Move-on na Kuya. Dalawang taon ng wala si Ate Celine.” Mahaba ang sinabi ni Jacob, ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko, pero wala akong mahanap na salita, para salungatin ang mga akusasyon nito laban sa akin. “Wag ka na mangatwiran, alam mo naman na tama ang sinabi ko ‘e.” Sabi pa nito na iniwan na lang ako basta. Mukhang babalikan yata si Jeraine at kukulitin. Naiinis ako sa babaeng ‘yun. Grabe makatitig kay Jacob. Pahalata masyado na may gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD