Lumipas na ang oras na palugit ko kay Cedric, wala pa rin kahit anino ng lalaki. Kaya't tiklop ang aking kamay at nagkikiskisan ang aking mga ngipin ngayon sa sobrang galit. Hindi n’ya sineseryoso ang pagbabanta ko. Kaya't sige! Tingnan natin kung hindi bumahag ang kanyang buntot sa gagawin ko ngayon. Dinukot ko mula sa aking bulsa ang aking aparato. Pinindot ko ang numero ng aking assistant na si Emmanuel. “Kumuha ka ng mga tao, lasunin ninyo ang palaisdaan ng pamilya Montel at sunugin ang kanilang warehouse. Just make sure na walang tao sa loob.” utos ko sa lalaki sa kabilang linya. “Sigurado ka ba, Sir? Cedric Montel ba na matalik mong kaibigan?” paniniguro na tanong ng lalaki. “Yes! Ngayong gabi na ninyo gawin. Bukas ng umaga, gusto ko ng update.” sabi ko, sabay patay ng tawa

